Mk 2:13-17
Jesus went out along the sea.
All the crowd came to him and he taught them.
As he passed by, he saw Levi, son of Alphaeus, sitting at the customs post. Jesus said to him, “Follow me.” And he got up and followed Jesus.
While he was at table in his house,
many tax collectors and sinners sat with Jesus and his disciples; for there were many who followed him.
Some scribes who were Pharisees saw that Jesus was eating with sinners and tax collectors and said to his disciples, “Why does he eat with tax collectors and sinners?” Jesus heard this and said to them,
“Those who are well do not need a physician, but the sick do.
I did not come to call the righteous but sinners.”
Tinawag ni Jesus si Levi
Marcos 2:13-17
13Nagtungo muli si Jesus sa tabi ng lawa. Lahat ng mga tao ay pumunta sa kaniya at sila ay tinuruan niya. 14Sa kaniyang paglalakad ay nakita niya si Levi, na anak ni Alfeo, na nakaupo sa may singilan ng buwis. Sinabi sa kaniya ni Jesus: Sumunod ka sa akin. At siya ay tumindig at sumunod kay Jesus.
15Nangyari nga nang si Jesus ay kumain sa bahay ni Levi, maraming mga maniningil ng buwis at makasalanan ang nakisalo sa kaniya at sa kaniyang mga alagad. Marami sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ang sumusunod kay Jesus. 16Nakita ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo na siya ay kumakaing kasalo ng mga maniningil ng buwis. Sinabi nila sa kaniyang mga alagad: Bakit siya kumakain at umiinom na kasalo ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?
17Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: Ang nangangailangan ng manggagamot ay ang mga maysakit, hindi ang mga malulusog. Hindi ako naparito upang tawagin sa pagsisisi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.
1 comment:
Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: Ang nangangailangan ng manggagamot ay ang mga maysakit, hindi ang mga malulusog. Hindi ako naparito upang tawagin sa pagsisisi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.
Marami sa ating nagsisilbi sa simbahan, sa mga christian community ang makapagsasabing mayroon silang mga encounter kagaya ng tsimisan, bangayan, awayan at siraan at tampuhan. Ito po ang sinsabi ng ating panginoon na kapansanang espiritwal na nangangailangan ng kagamutan.
Kung minsan nga ay parang tatanungin mo ang sarili mo na tama ba itong napasukan ko? Parang punong puno ng intriga at kasamaan ang mga tao dito.
Subalit pag inisip mong mabuti, ikaw man na nagsisilbi sa panginoon ay mayroon ding kapansanang espirituwal at yun siguro ang dahilan kung bakit ka niya tinawag at pinagsisilbi sa kanya.
Kailangan lamang po sigurong maging handa tayo sa mga persecution,tampuhan, tsismis o iba pa sa lahat ng oras at lawakan natin ang ating pagiisip na intindihin at unawain na lamang ang mga taong nagiging sanhi ng di magandang halimbawa sa isang komunidad o samahan.
Subalit kung may pagkakataon, tama din pong ituwid ang isang kamalian para ito ay hindi na lumala at maging parang isang apoy.
Dapat din po sigurong maging realistic tayo at hindi porke nakapag marriage encounter seminar na tayo ay ayos na ayos na at plantsado na ang ating samahang magasawa, hindi porke nagsisilbi tayo sa simbahan eh wala na tayong magiging problema at hindi porke nakapagsisimba ka araw araw ay ligtas ka na. Ang importante po ay parati tayong dumulog at humingi ng paggabay sa ating poong maykapal na makaiwas sa esprituwal at pisikal na kapansanan sa araw araw at ito po ay ating isabuhay.
Pagpalain nawa tayong lahat ng poong maykapal!
Post a Comment
Please type your sharing/reflection here.