Luke 15:1-10
The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus,
but the Pharisees and scribes began to complain, saying, “This man welcomes sinners and eats with them.”
So Jesus addressed this parable to them.
“What man among you having a hundred sheep and losing one of them would not leave the ninety-nine in the desert and go after the lost one until he finds it?And when he does find it, he sets it on his shoulders with great joy and, upon his arrival home,
he calls together his friends and neighbors and says to them,‘Rejoice with me because I have found my lost sheep.’I tell you, in just the same way there will be more joy in heaven over one sinner who repents than over ninety-nine righteous people who have no need of repentance.
“Or what woman having ten coins and losing one would not light a lamp and sweep the house, searching carefully until she finds it? And when she does find it, she calls together her friends and neighbors and says to them,‘Rejoice with me because I have found the coin that I lost.’ In just the same way, I tell you, there will be rejoicing among the angels of God over one sinner who repents.”
Ang Talinghaga ng Nawalang Tupa at Nawalang Pilak.
Lucas 15:1-10
Ang lahat ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ay lumalapit sa kaniya upang makinig. Ang mga Fariseo at mga guro ng kautusan ay nagbulung-bulungan. Sinasabi nila: Tinatanggap nito ang mga makasalanan at kumakaing kasama nila.
Sinabi ni Jesus ang talinghagang ito sa kanila. Sino sa inyo ang may isandaang tupa at nawala ang isa, hindi ba niya iiwanan ang siyamnapu't siyam sa ilang at hanapin ang nawawalang tupa hanggang makita ito? Kapag nakita niya, papasanin niya ito sa kaniyang balikat na nagagalak. Pagdating niya sa bahay, tatawagin niyang sama-sama ang kaniyang mga kaibigan at mga kapit-bahay. Sasabihin niya sa kanila: Makigalak kayo sa akin sapagkat natagpuan ko na ang nawala kong tupa. Sinasabi ko sa inyo: Sa gayunding paraan magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisi. Ang kagalakang ito ay higit pa kaysa siyamnapu't-siyam na mga matuwid na hindi kailangang magsisi.
O sino ngang babae ang may sampung pirasong pilak at mawala niya ang isa, hindi ba siya magsisindi ng ilawan at magwawalis sa bahay at maingat siyang maghahanap, hanggang makita niya ito? Kapag nakita niya ito, tatawagin niya ang kaniyang mga kaibigan at kapit-bahay. Sasabihin niya: Makigalak kayo sa akin dahil nakita ko na ang aking pilak na nawala. Sinasabi ko sa inyo: Sa gayunding paraan magkakaroon ng kagalakan sa harap ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi.