Saturday, March 5, 2011

Our Gospel for Mar 5. The Scribes envy Jesus.

Mark 11:27-33

Jesus and his disciples returned once more to Jerusalem.
As he was walking in the temple area,
the chief priests, the scribes, and the elders
approached him and said to him,
“By what authority are you doing these things?
Or who gave you this authority to do them?”
Jesus said to them, “I shall ask you one question.
Answer me, and I will tell you by what authority I do these things.
Was John’s baptism of heavenly or of human origin? Answer me.”
They discussed this among themselves and said,
“If we say, ‘Of heavenly origin,’ he will say,
‘Then why did you not believe him?’
But shall we say, ‘Of human origin’?”–
they feared the crowd,
for they all thought John really was a prophet.
So they said to Jesus in reply, “We do not know.”
Then Jesus said to them,
“Neither shall I tell you by what authority I do these things.”

Tinanong Nila si Jesus sa Kaniyang Kapangyarihan
Marcos 11:27-33

Nagtungo silang muli sa Jerusalem. Habang naglalakad si Jesus sa templo, lumapit sa kaniya ang mga pinunong-saserdote at ang mga guro ng kautusan at ang mga matanda. Sinabi nila sa kaniya: Anong kapamahalaan mayroon ka upang gawin mo ang mga ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang gawin ang mga bagay na ito?
     
Sinagot sila ni Jesus na sinabi sa kanila: Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasabihin ko kung anong kapamahalaan mayroon ako upang gawin ang mga bagay na ito. Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa mga tao? Sagutin ninyo ako.
     
Nangatwiranan sila sa isa't isa na sinasabi: Kapag sinabi nating mula sa langit, sasabihin niya: Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? Ngunit kapag sinabi natin: Mula sa tao... At sila ay natakot sa mga tao sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang tunay na propeta.
     
Sumagot si Jesus sa kanila, na sinasabi: Hindi namin alam.
   Tumugon si Jesus sa kanila, na sinasabi: Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

Our Gospel for Mar 4. Put your Trust in God.

Mark 11:11-26 
Jesus entered Jerusalem and went into the temple area.He looked around at everything and, since it was already late,went out to Bethany with the Twelve.The next day as they were leaving Bethany he was hungry.


Seeing from a distance a fig tree in leaf, he went over to see if he could find anything on it.When he reached it he found nothing but leaves;it was not the time for figs.
And he said to it in reply,
“May no one ever eat of your fruit again!”
And his disciples heard it.They came to Jerusalem, and on entering the temple area he began to drive out those selling and buying there.

He overturned the tables of the money changers and the seats of
those who were selling doves.He
did not permit anyone to carry
anything through the temple area.
Then he taught them saying, “Is it not written:My house shall be called a house of prayer for all peoples?But you have made it a den of thieves .”The chief priests and the scribes came to hear of it and were seeking a way to put him to death, yet they feared him because the whole crowd was astonished at his teaching.
 

When evening came, they went out of the city.
Early in the morning, as they were walking along,
they saw the fig tree withered to its roots.
Peter remembered and said to him, “Rabbi, look!
The fig tree that you cursed has withered.”
 

Jesus said to them in reply, “Have faith in God.
Amen, I say to you, whoever says to this mountain,
‘Be lifted up and thrown into the sea,’and does not doubt in his heart
but believes that what he says will happen, it shall be done for him.
 

Therefore I tell you, all that you ask for in prayer, believe that you will receive it and it shall be yours.When you stand to pray,forgive anyone against whom you have a grievance, so that your heavenly Father may in turn forgive you your transgressions.”

Sumampalataya Tayo sa Panginoon.


Marcos 11:11-26

Pumasok si Jesus sa Jerusalem, at sa loob ng templo. Nang tumingin siya sa palibot sa lahat ng mga bagay, yamang dumidilim na, lumabas siya patungong Betania kasama ng labindalawang alagad.  
   
Kinabukasan, pagkagaling sa Betania, nagutom siya. Sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang puno ng igos na may mga dahon. Nilapitan niya ito sa pagbabakasakaling makasumpong doon ng anuman. Nang malapitan niya ito, wala siyang nasumpungan kundi mga dahon lang, sapagkat hindi panahon ng pagbunga ng mga igos. 

Nagsalita si Jesus at sinabi sa puno: Wala nang sinumang makakakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailanman. Narinig ito ng kaniyang mga alagad.
    
Dumating sila sa Jerusalem. Pagpasok ni Jesus sa loob ng templo, itinaboy niya ang mga nagtitinda at ang mga bumibili sa templo. Ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati ay itinaob niya. Hindi niya pinayagang ang sinuman ay dumaan na may dalang sisidlan sa loob ng templo. 

Nangaral siyang nagsabi sa kanila: Hindi ba nakasulat:
      Ang bahay ko ay tatawagin ng lahat ng mga
      bansa na bahay-dalanginan. Subalit ginawa
      ninyo itong yungib ng mga tulisan.

     
Narinig ito ng mga guro ng kautusan at mga pinunong-saserdote. Hinanapan nila ng paraan kung papaano nila siya papatayin. Ito ay sapagkat takot sila kay Jesus dahil namangha ang lahat ng mga tao sa kaniyang mga turo.
    
Nang gumabi na ay lumabas siya sa lungsod.

Kinaumagahan, sa pagdaan nila, nakita nila ang puno ng igos na natuyo simula sa mga ugat. Nang maala-ala ito ni Pedro, sinabi niya: Guro, tingnan mo. Ang puno ng igos na iyong isinumpa ay tuyo na.
     
Sumagot si Jesus sa kanila: Manampalataya kayo sa Diyos. Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magsabi sa bundok na ito: Umalis ka at maihagis sa dagat, makakamtam niya iyon. Ito ay kung hindi siya mag-alinlangan sa kaniyang puso sa halip ay manalig na matupad ang kaniyang sinabi. 

Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Anumang mga bagay ang hingin ninyo sa pananalangin, manalig kayo na ito ay inyong nakamtam at ito ay mapapasainyo. Kapag kayo ay nakatayo at nananalangin, kung mayroon kayong anumang laban sa kaninuman, patawarin ninyo siya. Ito ay upang patawarin din naman kayo sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit. 

Kung hindi kayo magpatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.