Thursday, May 5, 2011

Whoever believes in the Son has eternal life. Our Gospel for May 5, 2011



John 3:31-36

The one who comes from above is above all.
The one who is of the earth is earthly and speaks of earthly things. But the one who comes from heaven is above all.
He testifies to what he has seen and heard, but no one accepts his testimony. Whoever does accept his testimony certifies that God is trustworthy. For the one whom God sent speaks the words of God. He does not ration his gift of the Spirit. The Father loves the Son and has given everything over to him.
Whoever believes in the Son has eternal life, but whoever disobeys the Son will not see life, but the wrath of God remains upon him.

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. 

Juan 3:31-36

31Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat. 32Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo. 33Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo. 34Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat. 35Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. 36Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.

God so loved the world. Our Gospel for May 4, 2011





John 3:16-21


God so loved the world that he gave his only-begotten Son,
so that everyone who believes in him might not perish
but might have eternal life.
For God did not send his Son into the world to condemn the world,
but that the world might be saved through him.
Whoever believes in him will not be condemned,
but whoever does not believe has already been condemned,
because he has not believed in the name of the only-begotten Son of God.
And this is the verdict,
that the light came into the world,
but people preferred darkness to light,
because their works were evil.
For everyone who does wicked things hates the light
and does not come toward the light,
so that his works might not be exposed.
But whoever lives the truth comes to the light,
so that his works may be clearly seen as done in God.









Iniibig ng Diyos ang sanlibutan.


Juan 3:16-21


16Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. 18Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. 19Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. 20Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. 21Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.