Tuesday, December 28, 2010

Our Gospel for Dec 28. The Flight to Egypt and The Massacre of the Infants.

Matthew 2:13-18
When the magi had departed, behold,
the angel of the Lord appeared to Joseph in a dream and said,
“Rise, take the child and his mother, flee to Egypt,
and stay there until I tell you.
Herod is going to search for the child to destroy him.”
Joseph rose and took the child and his mother by nightand departed for Egypt. He stayed there until the death of Herod, that what the Lord had said through the prophet might be fulfilled, Out of Egypt I called my son. When Herod realized that he had been deceived by the magi, he became furious. He ordered the massacre of all the boys in Bethlehem and its vicinity two years old and under, in accordance with the time he had ascertained from the magi. Then was fulfilled what had been said through Jeremiah the prophet:


A voice was heard in Ramah, sobbing and loud lamentation; Rachel weeping for her children, and she would not be consoled, since they were no more.



Tumakas Sila Papuntang Egipto at Ang Pagpatay sa Lahat ng Batang Lalaki sa Bethlehem.

Mateo 2:13-18

 

Nang sila ay nakauwi na, nangyari na ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip. Sinabi ng anghel: Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina. Tumakas kayo papuntang Egipto sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin. Manatili kayo roon hanggang sa sabihin ko sa iyo.
 

Bumangon siya at sa kinagabihan, dinala niya ang bata at ang ina nito papuntang Egipto. Nanatili sila roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes. Ito ay upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi: Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
 

Nang magkagayon, nakita ni Herodes na nalinlang siya ng mga lalaking pantas. Labis siyang nagalit at nag-utos siya na patayin ang lahat ng mga batang lalaki sa Bethlehem at sa buong palibot nito. Ang mga batang ipinapatay ay mula sa gulang na dalawang taon pababa, batay sa panahon na maingat niyang tinanong sa mga lalaking pantas. Nang magkagayon, natupad ang sinabi ng propetang Jeremias, na sinasabi:
    Isang tinig ang narinig sa Rama. 

Panaghoy, pananangis at pagdadalamhati.
    Tinatangisan ni Rachel ang kaniyang mga anak. 

Hindi niya ibig na maaliw sapagkat sila ay wala na.