Monday, March 7, 2011

Our Gospel for Mar 7. The Corner Stone

Mark 12:1-12
Jesus began to speak to the chief priests, the scribes,and the elders in parables.
“A man planted a vineyard, put a hedge around it,dug a wine press, and built a tower.
Then he leased it to tenant farmers and left on a journey.At the proper time he sent a servant to the tenants to obtain from them some of the produce of the vineyard. But they seized him, beat him,
and sent him away empty-handed.
Again he sent them another servant.
And that one they beat over the head and treated shamefully.He sent yet another whom they killed.
So, too, many others; some they beat, others they killed. He had one other to send, a beloved son.
He sent him to them last of all, thinking, ‘They will respect my son.’ But those tenants said to one another, ‘This is the heir. Come, let us kill him, and the inheritance will be ours.’
So they seized him and killed him,
and threw him out of the vineyard.
What then will the owner of the vineyard do?
He will come, put the tenants to death,
and give the vineyard to others.
Have you not read this Scripture passage:

The stone that the builders rejected has become the cornerstone; by the Lord has this been done, and it is wonderful in our eyes ?”
They were seeking to arrest him, but they feared the crowd,for they realized that he had addressed the parable to them. So they left him and went away.

Ang Talinghaga Patungkol sa Magsasaka
Marcos 12:1-12
Nagsimula si Jesus na magsabi sa kanila ng mga talinghaga: Isang lalaki ang nagtanim ng ubasan. Nilagyan niya ng bakod ang paligid niyon at naghukay ng dako para sa pisaan ng ubas at nagtayo ng isang bantayan. Pinaupahan niya iyon sa mga magsasaka at siya ay naglakbay sa isang malayong dako. Sa panahon ng anihan siya ay nagsugo ng isang alipin sa mga magsasaka. Ito ay upang matanggap niya ang bunga ng ubasan mula sa mga magsasaka. Subalit sinunggaban nila ang alipin, hinagupit at pinauwing walang dala.Muli siyang nagsugo sa kanila ng ibang alipin. Subalit binato ito, hinampas sa ulo at pagkatapos alipustain ay pinauwi siya. Muli siyang nagsugo ng ibang alipin ngunit ito ay pinatay nila. Nagsugo pa rin siya ng iba pang mga alipin. Ngunit ang ilan ay hinagupit at ang ilan ay pinatay.
    
Mayroon siyang isang anak na lalaki na kaniyang minamahal. Isinugo rin nga niya ito sa kanila sa huling pagkakataon na sinasabi: Igagalang nila ang aking anak.
    
Nag-usap-usap ang mga magsasaka: Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at nang mapasaatin ang mana.Pagkatapos nila siyang sunggaban, pinatay nila siya at itinapon sa labas ng ubasan.
    
Ano nga ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Pupuntahan niya at lilipulin ang mga magsasaka at ibibigay ang ubasan sa iba.Hindi ba ninyo nabasa ang sinabi ng kasulatan:
      Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ay
      siyang naging batong-panulok.Ito ay mula
      sa Panginoon, at ito ay kamangha-mangha sa
      ating mga mata. Hindi ba ninyo ito nabasa?
    
Humahanap sila ng paraan upang hulihin si Jesus dahil batid nila na ang talinghagang kaniyang sinabi ay tila laban sa kanila. Ngunit dahil takot sila sa mga tao, umalis sila at iniwan si Jesus.

Our Gospel for Mar 6. The True Disciple and the Two Foundation.

Matthew 7:21-27

Jesus said to his disciples:
“Not everyone who says to me, ‘Lord, Lord,’
will enter the kingdom of heaven,but only the one who does the will of my Father in heaven.
Many will say to me on that day,
‘Lord, Lord, did we not prophesy in your name?
Did we not drive out demons in your name?
Did we not do mighty deeds in your name?’
Then I will declare to them solemnly,
‘I never knew you. Depart from me, you evildoers.’
“Everyone who listens to these words of mine and acts on them will be like a wise man who built his house on rock. The rain fell, the floods came,and the winds blew and buffeted the house.But it did not collapse; it had been set solidly on rock.And everyone who listens to these words of mine but does not act on them will be like a fool who built his house on sand.
The rain fell, the floods came, and the winds blew and buffeted the house. And it collapsed and was completely ruined.”

Ang Matalino at Mangmang na Tagapagpatayo
Mateo 7:21-27

Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan ay naghayag kami ng salita katulad ng mga propeta, at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming himala? Pagkatapos nito ay ipahahayag ko sa kanila: Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos.
Kaya nga, ang sinumang dumirinig sa mga pananalita kong ito at isinasagawa ang mga ito, ay maihahalintulad ko sa isang lalaking matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato. Bumuhos ang ulan at bumaha. Umihip ang malakas na hangin at hinampas ang bahay na iyon, ngunit hindi bumagsak. Ito ay sapagkat itinayo niya iyon sa ibabaw ng bato. Ang bawat isa na dumirinig ng mga pananalita kong ito at hindi isinasagawa ay maihahalintulad ko sa isang lalaking mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhanginan. Bumuhos ang ulan at bumaha. Umihip ang malakas na hangin at hinampas ang bahay na iyon. Bumagsak ito at lubusang nawasak.