Thursday, March 24, 2011

The rich man and Lazarus. Our Gospel for March 24, 2011

Luke 16:19-31

Jesus said to the Pharisees:
“There was a rich man who dressed in purple garments and fine linen and dined sumptuously each day. And lying at his door was a poor man named Lazarus, covered with sores,who would gladly have eaten his fill of the scraps that fell from the rich man’s table.Dogs even used to come and lick his sores.
When the poor man died, he was carried away by angels to the bosom of Abraham.
 
The rich man also died and was buried,
and from the netherworld, where he was in torment,
he raised his eyes and saw Abraham far off
and Lazarus at his side. And he cried out, ‘Father Abraham, have pity on me. Send Lazarus to dip the tip of his finger in water and cool my tongue,for I am suffering torment in these flames.’
Abraham replied, ‘My child,remember that you received what was good during your lifetime while Lazarus likewise received what was bad;but now he is comforted here, whereas you are tormented. Moreover, between us and you a great chasm is established to prevent anyone from crossing who might wish to go from our side to yours or from your side to ours.’
 
He said, ‘Then I beg you, father, send him
to my father’s house,for I have five brothers, so that he may warn them,lest they too come to this place of torment.’But Abraham replied, ‘They have Moses and the prophets. Let them listen to them.’
He said, ‘Oh no, father Abraham,but if someone from the dead goes to them, they will repent.’ 
Then Abraham said, ‘If they will not listen to Moses and the prophets, neither will they be persuaded if someone should rise from the dead.’”

Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro
Lucas 16:19-31 
May isang lalaking mayaman. Nakadamit siya ng kulay ube at pinong lino. Namumuhay siya sa karangyaan araw-araw. Mayroon doong isang lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay puno ng galis. Inilagay siya sa tarangkahan ng mayaman. Mahigpit niyang hinangad na mabusog mula sa mga mumong nahulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Ngunit maging ang mga aso na lumalapit ay humihimod ng kaniyang mga galis. 
Nangyari nga na ang lalaking dukha ay namatay. Siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Ang lalaking mayaman ay namatay din at inilibing. Sa Hades siya ay naghihirap. Sa paghihirap niya ay itinanaw niya ang kaniyang paningin. Nakita niya sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang piling. Tumawag siya nang malakas: Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito.
   
Ngunit sinabi ni Abraham: Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid.
    
Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama. Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusa.
   
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila.
   
Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay.
   
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.