The Healing of a Paralytic.
Luke 5:17-26
One day as Jesus was teaching,
Pharisees and teachers of the law,
who had come from every village of Galilee and Judea and Jerusalem,
were sitting there,
and the power of the Lord was with him for healing.
And some men brought on a stretcher a man who was paralyzed;
they were trying to bring him in and set him in his presence.
But not finding a way to bring him in because of the crowd,
they went up on the roof
and lowered him on the stretcher through the tiles
into the middle in front of Jesus.
When Jesus saw their faith, he said,
“As for you, your sins are forgiven.”
Then the scribes and Pharisees began to ask themselves,
“Who is this who speaks blasphemies?
Who but God alone can forgive sins?”
Jesus knew their thoughts and said to them in reply,
“What are you thinking in your hearts?
Which is easier, to say, ‘Your sins are forgiven,’
or to say, ‘Rise and walk’?
But that you may know
that the Son of Man has authority on earth to forgive sins”–
he said to the one who was paralyzed,
“I say to you, rise, pick up your stretcher, and go home.”
He stood up immediately before them,
picked up what he had been lying on,
and went home, glorifying God.
Then astonishment seized them all and they glorified God,
and, struck with awe, they said,
“We have seen incredible things today.”
Pinagaling ni Jesus ang Paralitiko
Lucas 5:17-26
Nangyari, isang araw sa kaniyang pagtuturo mayroon doong nakaupong mga Fariseo at mga guro ng kautusan. Sila ay galing sa bawat nayon ng Galilea, Judea at Jerusalem. Naroroon ang kapangyarihan ng Panginoon upang pagalingin sila. Narito, may mga lalaking nagdala ng isang paralitiko na nasa isang higaan. Naghahanap sila ng paraan kung papaano siya maipapasok sa loob ng bahay at mailagay sa harapan ni Jesus. Dahil sa napakaraming tao, hindi sila makahanap ng paraan kung papaano siya maipapasok. Dahil dito, umakyat sila sa bubungan at doon nila siya ibinaba na nasa kaniyang maliit na higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.
Nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya. Sinabi niya sa kaniya: Lalaki, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan.
Nagsimulang mangatwiran ang mga guro ng kautusan at mga Fariseo. Kanilang sinabi: Sino ito na nagsasalita ng pamumusong? Sino ang makakapagpatawad ng mga kasalanan? Hindi ba ang Diyos lamang?
Nalaman ni Jesus ang kanilang pangangatwiran. Sumagot siya sa kanila at sinabi: Bakit kayo nangangatwiran sa inyong mga puso? Ano ang higit na madali, ang magsabing: Pinatawad ka sa iyong mga kasalanan, o ang magsabing: Bumangon ka at lumakad. Ito ang gagawin ko upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan. Sinabi niya sa paralitiko: Sinasabi ko sa iyo, bumangon ka. Buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay. Pagdaka, tumayo siya sa harapan nila. Pagkabuhat niya ng kaniyang higaan, umuwi siya sa kaniyang bahay na niluluwalhati ang Diyos. Ang lahat ay namangha at nagbigay kaluwalhatian sa Diyos. Napuspos sila ng takot. Sinabi nila: Sa araw na ito ay nakakita kami ng kamangha-manghang bagay.