Mark 4:1-20
On another occasion, Jesus began to teach by the sea.
A very large crowd gathered around him so that he got into a boat on the sea and sat down. And the whole crowd was beside the sea on land. And he taught them at length in parables, and in the course of his instruction he said to them, “Hear this! A sower went out to sow. And as he sowed, some seed fell on the path, and the birds came and ate it up. Other seed fell on rocky ground where it had little soil.
It sprang up at once because the soil was not deep.
And when the sun rose, it was scorched and it withered for lack of roots. Some seed fell among thorns, and the thorns grew up and choked it and it produced no grain. And some seed fell on rich soil and produced fruit. It came up and grew and yielded thirty, sixty, and a hundredfold.” He added, “Whoever has ears to hear ought to hear.”
And when he was alone,those present along with the Twelve
questioned him about the parables.He answered them,
“The mystery of the Kingdom of God has been granted to you.
But to those outside everything comes in parables, so that they may look and see but not perceive, and hear and listen but not understand,in order that they may not be converted and be forgiven.”
Jesus said to them, “Do you not understand this parable?
Then how will you understand any of the parables?
The sower sows the word. These are the ones on the path where the word is sown. As soon as they hear, Satan comes at once and takes away the word sown in them. And these are the ones sown on rocky ground who, when they hear the word, receive it at once with joy.
But they have no roots; they last only for a time.
Then when tribulation or persecution comes because of the word,
they quickly fall away. Those sown among thorns are another sort.
They are the people who hear the word, but worldly anxiety, the lure of riches, and the craving for other things intrude and choke the word, and it bears no fruit. But those sown on rich soil are the ones who hear the word and accept it and bear fruit thirty and sixty and a hundredfold.”
Ang Talinghaga Patungkol sa Manghahasik
Marcos 4:1-20
1Nagsimula muling magturo si Jesus sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao, kayat siya ay sumakay at umupo sa bangka na nasa lawa. Ang karamihan naman ay nasa lupa sa tabi ng lawa. 2Tinuruan niya sila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sa kaniyang pagtuturo, sinabi niya sa kanila: 3Makinig kayo! Narito, lumabas ang manghahasik upang maghasik. 4Nangyari na sa kaniyang paghahasik may binhing nalaglag sa tabi ng daan. At dumating ang mga ibon mula sa langit at tinuka at inubos ang binhi. 5Ang iba ay nalaglag sa lupang mabato na walang gaanong lupa at ito ay kaagad na sumibol sapagkat hindi malalim ang lupa. 6Ngunit nang sumikat ang araw, ito ay nalanta at dahil ito ay walang mga ugat, ito ay natuyo. 7May binhi namang nalaglag sa dawagan. Lumago ang mga dawag at nasiksik ito kaya hindi namunga. 8Ang iba ay nalaglag sa matabang lupa. Ito ay tumubo, lumago at namunga. May namunga ng tatlumpu, may namunga naman ng animnapu at may namunga ng isangdaan.
9Sinabi niya sa kanila: Ang may pandinig ay makinig.
10Nang nag-iisa na si Jesus, ang mga nasa palibot niya, kasama ang labindalawang alagad ay nagtanong sa kaniya patungkol sa talinghaga. 11Sinabi niya sa kanila: Ang makaalam ng hiwaga ng paghahari ng Diyos ay ibinigay sa inyo. Ngunit sa kanila na nasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa talinghaga. 12Ginawa ko ito sa ganitong paraan upang:
Sa pagtingin, sila ay makakakita ngunit hindi
makakatalos. Sa pakikinig, sila ay makakarinig
ngunit hindi makakaunawa. Kung hindi gayon,
sila ay manunumbalik at ang kanilang mga
kasalanan ay mapapatawad.
13At sinabi niya sa kanila: Hindi ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano nga ninyo malalaman ang lahat ng talinghaga? 14Ang manghahasik ay naghahasik ng salita. 15Ang binhing nahasik sa daan ay ang inihasik na salita. Nang ito ay napakinggan ng tao, agad na dumating si Satanas at kinuha ang naihasik na salita sa kanilang mga puso. 16Gayundin yaong naihasik sa batuhan. Nang marinig nila ang salita agad nila itong tinanggap na may galak. 17Dahil walang ugat sa kanilang sarili, ang mga ito ay pansamantalang nanatili. Nang dumating ang paghihirap at pag-uusig dahil sa salita, kaagad silang natisod. 18Iyon namang naihasik sa dawagan ay yaong mga nakakarinig ng salita. 19Ang pagsusumakit sa kapanahunang ito, ang pandaraya ng kayamanan at ang mahigpit na paghahangad sa ibang mga bagay ay pumasok sa kanila. Ang mga ito ang sumiksik sa salita at naging sanhi ng hindi pagbubunga. 20Iyon namang naihasik sa matabang lupa, sila ang nakikinig at tumatanggap sa salita. Sila ay nagbubunga, ang isa ay tatlumpu, ang isa ay animnapu at ang isa ay isangdaan.