Sunday, April 24, 2011

On the road to Emmaus. Our Gospel for April 24, 2011

Lk 24:13-35

That very day, the first day of the week, two of Jesus’ disciples were going to a village seven miles from Jerusalem called Emmaus, and they were conversing about all the things that had occurred. And it happened that while they were conversing and debating, Jesus himself drew near and walked with them, but their eyes were prevented from recognizing him. He asked them,
“What are you discussing as you walk along?”
They stopped, looking downcast.
One of them, named Cleopas, said to him in reply,
“Are you the only visitor to Jerusalem who does not know of the things that have taken place there in these days?”
And he replied to them, “What sort of things?”
They said to him,
“The things that happened to Jesus the Nazarene, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, how our chief priests and rulers both handed him over to a sentence of death and crucified him. But we were hoping that he would be the one to redeem Israel; and besides all this, it is now the third day since this took place.
Some women from our group, however, have astounded us:
they were at the tomb early in the morning  and did not find his body; they came back and reported that they had indeed seen a vision of angels who announced that he was alive.
Then some of those with us went to the tomb and found things just as the women had described, but him they did not see.” And he said to them, 
“Oh, how foolish you are! How slow of heart to believe all that the prophets spoke! Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?”
Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them what referred to him
in all the Scriptures. As they approached the village to which they were going, he gave the impression that he was going on farther. But they urged him, 
“Stay with us, for it is nearly evening and the day is almost over.”
So he went in to stay with them. And it happened that, while he was with them at table, he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them.


With that their eyes were opened and they recognized him,
but he vanished from their sight. Then they said to each other,“Were not our hearts burning within us while he spoke to us on the way and opened the Scriptures to us?”
So they set out at once and returned to Jerusalem where they found gathered together the eleven and those with them who were saying,
“The Lord has truly been raised and has appeared to Simon!”
Then the two recounted  what had taken place on the way and how he was made known to them in the breaking of bread.

Sa Daan Patungong Emaus
Lucas 24:13-35


 13Narito, dalawa sa kanila ay pumunta nang araw ding iyon sa isang nayon na tinatawag na Emaus. May mahigit sa labing-isang kilometro ang layo nito sa Jerusalem. 14Sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15Habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, nangyari na si Jesus ay lumapit at sumama sa kanila. 16Ang kanilang mga mata ay pinapanatiling hindi makakilala sa kaniya.   
 17Sinabi niya sa kanila: Ano ang pinaguusapan ninyo habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mukha?

   
 18Ang isa na nagngangalang Cleopas ay sumagot. Sinabi niya: Ikaw lang ba ang tanging naninirahang pansamantala sa Jerusalem na hindi nakaalam ng nangyari sa mga araw na ito?

   
 19Sinabi niya sa kanila: Anong mga bagay?
   Sinabi nila sa kaniya: Ang mga bagay na patungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Siya ay isang propeta. Sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao siya ay makapangyarihan sa gawa at salita. 20Siya ay ibinigay ng mga pinunong-saserdote at ng mga pinuno namin upang hatulang mamatay at ipako sa krus. 21Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel. Bukod sa mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga bagay na ito. 22Higit pa rito, nagtaka kami sa sinabi sa amin ng ilan sa mga kasama naming babae. Pumunta sila nang maaga sa libingan. 23Sila ay pumunta sa amin nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus. Sinabi rin nila na sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel. Ang mga anghel ay nagsabi: Siya ay buhay. 24Ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan. Nakita nila ang tulad ng sinabi ng mga babae ngunit hindi nila nakita si Jesus.

   
 25Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.

   
 28Sila ay papalapit na sa kanilang pupuntahan at siya ay waring pupunta pa sa malayo. 29Siya ay pinilit nila at sinabi: Manatili ka na muna sa amin sapagkat gumagabi na at patapos na ang araw. At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.

   
 30At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala. Pagkaputol niya nito, ibinigay niya ito sa kanila. 31At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya. At siya ay naglaho mula sa kanila.32Sinabi nila sa isa't isa: Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan? Hindi ba nag-aalab ito habang ipinaliliwanag niya sa atin ang mga kasulatan?





 33At nang oras ding iyon, bumangon sila at bumalik sa Jerusalem. Nasumpungan nilang sama-samang nagkakatipon ang labing-isang alagad at ang kanilang mga kasama. 34Sinabi nila: Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon. 35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.

He has been raised...Our Gospel for April 23, 2011


Matthew 28:1-10

After the sabbath, as the first day of the week was dawning,
Mary Magdalene and the other Mary came to see the tomb.
And behold, there was a great earthquake;
for an angel of the Lord descended from heaven,
approached, rolled back the stone, and sat upon it.
His appearance was like lightning
and his clothing was white as snow.
The guards were shaken with fear of him
and became like dead men.
Then the angel said to the women in reply,
“Do not be afraid!
I know that you are seeking Jesus the crucified.
He is not here, for he has been raised just as he said.
Come and see the place where he lay.
Then go quickly and tell his disciples,
‘He has been raised from the dead,
and he is going before you to Galilee;
there you will see him.’
Behold, I have told you.”
Then they went away quickly from the tomb,
fearful yet overjoyed,
and ran to announce this to his disciples.
And behold, Jesus met them on their way and greeted them.
They approached, embraced his feet, and did him homage.
Then Jesus said to them, “Do not be afraid.
Go tell my brothers to go to Galilee,
and there they will see me.”

Muling nabuhay si Jesus
Mateo 28: 1-10

1Sa pagtatapos ng Sabat, magbubukang-liwayway na sa unang araw ng linggo. Si Maria na taga-Magdala at ang isang Maria ay dumating upang tingnan ang libingan.
   
 2Narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit. Pumunta siya sa libingan at iginulong ang bato papalayo sa bukana ng libingan at umupo sa ibabaw nito. 



3Ang anyo niya ay parang kidlat. Ang damit niya ay kasimputi ng niyebe. 4Dahil sa takot sa anghel, ang mga bantay ay nanginig at naging parang mga patay.
   
 5Sumagot ang anghel sa mga babae, na sinasabi: Huwag kayong matakot sapagkat alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6Wala siya rito. Ito ay sapagkat nabuhay na siya ayon sa sinabi niya. Halikayo at tingnan ninyo ang dakong pinaghigaan sa Panginoon.7Magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad: Nabuhay na siya mula sa mga patay at narito, mauuna siya sa inyo patungong Galilea. Doon ay makikita ninyo siya. Narito, sinabi ko na sa inyo.

   
 8Sila ay mabilis na umalis mula sa libingan na may takot at malaking kagalakan. Sila ay tumakbo upang sabihin sa kaniyang mga alagad. 9Nang sila ay papunta na sa kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus. Sinabi niya: Bumabati! Lumapit sila sa kaniya, hinawakan ang kaniyang paa at sinamba siya. 10Sinabi ni Jesus sa kanila: Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea at doon ay makikita nila ako.