Tuesday, April 19, 2011

One of you will betray me. Our Gospel for April 19, 2011


John 13: 21-33,36-38








Reclining at table with his disciples, Jesus was deeply troubled and testified,
“Amen, amen, I say to you, one of you will betray me.”


The disciples looked at one another, at a loss as to whom he meant.


One of his disciples, the one whom Jesus loved,
was reclining at Jesus’ side.


So Simon Peter nodded to him to find out whom he meant. He leaned back against Jesus’ chest and said to him,
“Master, who is it?” Jesus answered,
“It is the one to whom I hand the morsel after I have dipped it.” So he dipped the morsel and took it and handed it to Judas, son of Simon the Iscariot.


After Judas took the morsel, Satan entered him.
So Jesus said to him, “What you are going to do, do quickly.” 


Now none of those reclining at table realized why he said this to him. Some thought that since Judas kept the money bag, Jesus had told him,
“Buy what we need for the feast,” or to give something to the poor. So Judas took the morsel and left at once. And it was night. When he had left, Jesus said, “Now is the Son of Man glorified, and God is glorified in him. If God is glorified in him, God will also glorify him in himself, and he will glorify him at once.


My children, I will be with you only a little while longer.
You will look for me, and as I told the Jews,
‘Where I go you cannot come,’ so now I say it to you.” Simon Peter said to him, “Master, where are you going?” Jesus answered him,
“Where I am going, you cannot follow me now, though you will follow later.”


Peter said to him,
“Master, why can I not follow you now? I will lay down my life for you.” Jesus answered, “Will you lay down your life for me?


Amen, amen, I say to you, the cock will not crow
before you deny me three times.”


Isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.


Juan 13: 21-33,36-38



Nang masabi na ito ni Jesus ay naligalig siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.


Kaya ang mga alagad ay nagtinginan sa isa't isa, naguguluhan sila kung sino ang tinutukoy niya. 


Mayroon ngang nakahilig sa piling ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, siya ang iniibig ni Jesus.Si Simon Pedro nga ay humudyat sa kaniya na tanungin si Jesus kung sino ang kaniyang tinutukoy.
   
Sa paghilig niya sa dibdib ni Jesus, sinabi niya: Panginoon, sino siya?
   
Sumagot si Jesus: Siya ang bibigyan ko ng kapirasong tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw. Nang maisawsaw na niya ang kapirasong tinapay ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon.Pagkatapos ng isang subo ay pumasok kay Judas si Satanas.
   Sinabi nga ni Jesus sa kaniya: Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo agad.Walang sinuman sa nakaupong kasalo niya ang nakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kaniya. Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inakala ng ilan na ang sinabi sa kaniya ni Jesus ay bumili siya ng mga kakailanganin para sa kapistahan. O kaya ay may ipinabibigay sa kaniya sa mga dukha. Pagkatanggap nga niya ng isang subo ay agad siyang umalis. Noon ay gabi na.


Kaya nga, pagkaalis ni Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak ng Tao. At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Yamang ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, siya naman ay luluwalhatiin ng Diyos sa kaniyang sarili. At siya ay agad niyang luluwalhatiin.   


Munting mga anak, makakasama ninyo ako nang kaunting panahon na lamang. Hahanapin ninyo ako. Sinabi ko sa mga Judio: Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan. Ganito rin ang sinasabi ko sa inyo.
   
Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, saan ka pupunta?


Sumagot si Jesus sa kaniya: Sa pupuntahan ko ay hindi ka makakasunod sa ngayon ngunit susunod ka sa akin pagkatapos.
   
Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, bakit hindi ako makakasunod sa iyo sa ngayon? Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa iyong kapakanan.
   
Sumagot si Jesus sa kaniya: Iaalay mo ba ang iyong buhay alang-alang sa aking kapakanan? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Hindi titilaok ang tandang hanggang sa ipagkaila mo ako nang tatlong ulit.



Anointing the feet of Jesus. Our Gospel for April 18, 2011

John 12:1-11

Six days before Passover Jesus came to Bethany, where Lazarus was, whom Jesus had raised from the dead.
They gave a dinner for him there, and Martha served,
while Lazarus was one of those reclining at table with him.
Mary took a liter of costly perfumed oil made from genuine aromatic nard and anointed the feet of Jesus and dried them with her hair; the house was filled with the fragrance of the oil.  Then Judas the Iscariot, one of his disciples, and the one who would betray him, said,
“Why was this oil not sold for three hundred days’ wages
and given to the poor?” He said this not because he cared about the poor but because he was a thief and held the money bag and used to steal the contributions. So Jesus said, “Leave her alone. Let her keep this for the day of my burial.
You always have the poor with you, but you do not always have me.”
The large crowd of the Jews found out that he was there and came, not only because of him, but also to see Lazarus, whom he had raised from the dead. And the chief priests plotted to kill Lazarus too, because many of the Jews were turning away and believing in Jesus because of him.

Pinahiran ni Maria ng Langis ang paa ni Jesus.

Juan 12:1-11

 1Anim na araw bago ang Paglagpas, si Jesus ay pumunta sa Betania. Ito ang kinaroonan ni Lazaro na namatay na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. 2Sila ay naghanda roon ng hapunan para sa kaniya. Si Marta ay naglingkod. Ngunit si Lazaro ay isa sa mga nakaupong kasalo niya sa mesa. 3Si Maria ay kumuha ng isang librang purong nardo. Ito ay mamahaling pamahid. Ipinahid niya ito sa mga paa ni Jesus at pinunasan niya ng kaniyang buhok at ang bahay ay napuno ng halimuyak ng pamahid.
   
 4Si Judas na taga-Keriot, na anak ni Simon ay isa sa kaniyang mga alagad. Siya ang magkakanulo kay Jesus. Sinabi nga niya: 5Bakit hindi ipinagbili ang pamahid na ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mga dukha? 6Ito ay sinabi hindi dahil siya ay nagmamalasakit sa mga dukha kundi dahil siya ay isang magnanakaw. Nasa kaniya rin ang supot ng salapi at kinukupit niya ang inilalagay rito.
   
 7Sinabi nga ni Jesus: Hayaan ninyo si Maria. Inilalaan niya iyon para sa araw ng aking libing. 8Ito ay sapagkat ang mga dukha ay lagi ninyong kasama ngunit ako ay hindi ninyo makakasamang lagi.
   
 9Maraming mga Judio ang nakakaalam na siya ay naroon. Sila ay pumunta hindi lamang dahil kay Jesus. Sila ay pumunta upang makita rin si Lazaro na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay. 10Nagsanggunian ang mga pinunong-saserdote upang patayin din si Lazaro. 11Ito ay sapagkat maraming mga Judio ang lumayo at sumampalataya kay Jesus dahil sa nangyari kay Lazaro.