Monday, October 25, 2010

Our Gospel for Oct 25. Cure on the Sabbath.

Cure of a Crippled Woman on the Sabbath.

Luke 13:10-17
Jesus was teaching in a synagogue on the sabbath.
And a woman was there who for eighteen years
had been crippled by a spirit;
she was bent over, completely incapable of standing erect.
When Jesus saw her, he called to her and said,
“Woman, you are set free of your infirmity.”
He laid his hands on her,
and she at once stood up straight and glorified God.
But the leader of the synagogue,
indignant that Jesus had cured on the sabbath,
said to the crowd in reply,
“There are six days when work should be done.
Come on those days to be cured, not on the sabbath day.”
The Lord said to him in reply, “Hypocrites!
Does not each one of you on the sabbath
untie his ox or his ass from the manger
and lead it out for watering?
This daughter of Abraham,
whom Satan has bound for eighteen years now,
ought she not to have been set free on the sabbath day
from this bondage?”
When he said this, all his adversaries were humiliated;
and the whole crowd rejoiced at all the splendid deeds done by him.

***********************************************************************************

Pinagaling ni Jesus ang Babaeng Lumpo sa Araw ng Sabat

Lucas 13:10-17

Si Jesus ay nagtuturo sa isa sa mga sinagoga sa araw ng Sabat. At narito, may isang babae roon na labingwalong taon nang mayroong espiritu ng karamdaman. Siya ay hukot na at hindi na niya maiunat ng husto ang kaniyang sarili. Pagkakita ni Jesus sa kaniya, tinawag siya nito. Sinabi niya sa kaniya: Babae, pinalaya ka na sa iyong karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya at siya ay kaagad na umunat. Niluwalhati niya ang Diyos.

 
Ang pinuno sa sinagoga ay lubhang nagalit sapagkat si Jesus ay nagpagaling sa araw ng Sabat. Sinabi niya sa mga tao: May anim na araw na ang mga tao ay dapat gumawa. Sa mga araw ngang ito kayo pumarito at magpagamot at hindi sa araw ng Sabat.

 
Sumagot nga ang Panginoon sa kaniya. Sinabi niya: Mapagpaimbabaw! Hindi ba kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang inyong toro o asno mula sa kulungan sa araw ng Sabat at pagkatapos nito ay pinapainom? Ang babaeng ito ay ginapos ni Satanas ng labingwalong taon. Narito, bilang anak na babae ni Abraham, hindi ba dapat siyang palayain mula sa pagkagapos na ito sa araw ng Sabat?

 
Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, ang lahat ng kumakalaban sa kaniya ay napahiya. Nagalak ang lahat ng mga tao sa lahat ng mga maluwalhating bagay na ginawa niya.

***********************************************************************************
Note: if you wish to share your reflection, please click the "Comment" below. Thank you.