Luke 20:27-38
Some Sadducees, those who deny that there is a resurrection, came forward and put this question to Jesus, saying, "Teacher, Moses wrote for us,
If someone's brother dies leaving a wife but no child, his brother must take the wife
and raise up descendants for his brother.
Now there were seven brothers; the first married a woman but died childless.
Then the second and the third married her, and likewise all the seven died childless.
Finally the woman also died. Now at the resurrection whose wife will that woman be?
For all seven had been married to her."
Jesus said to them,
"The children of this age marry and remarry; but those who are deemed worthy to attain to the coming age and to the resurrection of the dead neither marry nor are given in marriage.
They can no longer die, for they are like angels; and they are the children of God
because they are the ones who will rise. That the dead will rise even Moses made known in the passage about the bush, when he called out 'Lord, ' the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob; and he is not God of the dead, but of the living, for to him all are alive."
Ang Muling Pagkabuhay at ang Pagaasawa.
Lucas 20:27-38
Pumunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduseo na tumatangging mayroong muling pagkabuhay. Nagtanong sila sa kaniya: Guro, si Moises ay sumulat sa amin na kapag mamatay ang kapatid na lalaking may asawa at walang anak, dapat kunin ng kapatid niyang lalaki ang asawa nito. Kukunin ng kapatid ang asawang babae upang magkaanak para sa kaniyang kapatid na namatay.
Mayroon ngang pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa at namatay na walang anak. Kinuha siya ng pangalawa upang maging asawa at ang lalaki ay namatay na walang anak. Ang babae ay kinuha ng pangatlo at hanggang sa pampito, gayon ang nangyari. Wala silang iniwang anak at namatay. Sa kahuli-hulihan, namatay din ang babae. Kung magkagayon, sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya? Ito ay sapagkat naging asawa siya ng pito.
Sumagot si Jesus: Ang mga anak ng kapanahunang ito ay nag-aasawa at ikinakasal. Ngunit sa kanila na itinuring na karapat-dapat na magtamo ng kapanahunang darating at ng muling pagkabuhay mula sa mga patay ay hindi nag-aasawa ni ikinakasal. Ito ay sapagkat hindi na sila mamamatay kailanman dahil sila ay magiging katulad ng mga anghel. Sa pagiging mga anak ng muling pagkabuhay, sila ay mga anak ng Diyos. Ngunit maging si Moises ay nagpatunay nito sa salaysay patungkol sa palumpong[a] na ang mga patay ay muling mabubuhay. Ito ay nang tawagin niya ang Panginoon na Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi Diyos ng mga buhay. Ito ay sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.