Tuesday, February 8, 2011

Our Gospel for Feb 8. The Tradition of the Elders.

Mark 7:1-13

When the Pharisees with some scribes who had come from Jerusalem
gathered around Jesus,
they observed that some of his disciples ate their meals
with unclean, that is, unwashed, hands.
(For the Pharisees and, in fact, all Jews,do not eat without carefully washing their hands,keeping the tradition of the elders.And on coming from the marketplace they do not eat without purifying themselves.And there are many other things that they have traditionally observed,the purification of cups and jugs and kettles and beds.) So the Pharisees and scribes questioned him,“Why do your disciples not follow the tradition of the eldersbut instead eat a meal with unclean hands?”
He responded,“Well did Isaiah prophesy about you hypocrites,
as it is written: This people honors me with their lips,
but their hearts are far from me;
in vain do they worship me,
teaching as doctrines human precepts.

You disregard God’s commandment but cling to human tradition.”
He went on to say,
“How well you have set aside the commandment of God
in order to uphold your tradition!
For Moses said,Honor your father and your mother
,and Whoever curses father or mother shall die.Yet you say,
‘If someone says to father or mother,
“Any support you might have had from me is qorban”’
(meaning, dedicated to God),you allow him to do nothing more for his father or mother. You nullify the word of God in favor of your tradition that you have handed on. And you do many such things.” 


Marcos 7:1-13

Ang Malinis at ang Marumi
 1Sama-samang nagkatipun-tipon sa kinarooronan ni Jesus ang mga Fariseo at ilang mga guro ng kautusan na nagmula sa Jerusalem. 2Nakita nila ang ilan sa mga alagad ni Jesus na kumakain ng tinapay na may madungis na mga kamay. Pinulaan nila ang mga alagad. 3Ito ay sapagkat ang mga Fariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain malibang makakapaghugas sila sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay. Pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga matanda. 4Kapag galing sa pamilihang dako, hindi rin sila kumakain nang hindi muna sila naghuhugas[a] ng kanilang sarili. Marami pang ibang mga bagay ang kanilang pinanghahawakan na kanilang tinanggap at sinusunod. Ito ay tulad ng paglubog ng saro, ng banga, ng mga kagamitang tanso at ng mga higaan.    
 5Kayat tinanong siya ng mga Fariseo at ng mga guro ng kautusan. Bakit hindi lumalakad ang mga alagad mo ayon sa mga kaugalian ng mga matanda? Subalit kumakain sila ng tinapay, na hindi naghuhugas sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay.

   
 6Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Tama ang pagkahayag ni Isaias patungkol sa inyo, mga mapagpaimbabaw. Ito ay gaya ng nasusulat:
      Iginagalang ako ng mga taong ito sa pamamagitan
      ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang mga
      puso ay malayo sa akin. 7Sinasamba nila ako
      nang walang kabuluhan, na nagtuturo ng mga
      turong utos ng tao.

    8Ito ay sapagkat iniwanan ninyo ang utos ng Diyos at inyong pinanghawakan ang mga kaugalian ng mga tao tulad ng paglubog sa natatanging paraan ng mga banga at mga saro. Marami pang ganitong mga bagay ang inyong ginagawa.
   
 9Sinabi pa niya sa kanila: Napakahusay ninyong magpawalang-bisa sa utos ng Diyos, upang masunod ninyo ang inyong mga kaugalian. 10Sinabi nga ni Moises: Igalang mo ang iyong ama at ina. Sinabi rin niya: Ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay dapat siyang mamatay. 11Subalit sinasabi ninyo: Kapag ang isang tao ay magsabi sa kaniyang ama at ina: Ang aking kaloob na salapi na kapaki-pakinabang sa inyo ay Corban. Ang ibig sabihin nito ay inihandog sa Diyos. 12Sa gayong paraan ay pinahihintulutan ninyo siya na hindi na siya gumawa ng anumang bagay para sa kaniyang ama at ina. 13Winawalang kabuluhan nga ninyo ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong kaugalian, na inyong ibinigay. Marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo.