Wednesday, April 6, 2011

Doing the Fathers will. Our Gospel for April 6, 2011

John 5:17-30 
Jesus answered the Jews:
“My Father is at work until now, so I am at work.”
For this reason they tried all the more to kill him,
because he not only broke the sabbath
but he also called God his own father, making himself equal to God.
Jesus answered and said to them,
“Amen, amen, I say to you, the Son cannot do anything on his own,
but only what he sees the Father doing;
for what he does, the Son will do also.
For the Father loves the Son
and shows him everything that he himself does,
and he will show him greater works than these,
so that you may be amazed.
For just as the Father raises the dead and gives life,
so also does the Son give life to whomever he wishes.
Nor does the Father judge anyone,
but he has given all judgment to the Son,
so that all may honor the Son just as they honor the Father.
Whoever does not honor the Son
does not honor the Father who sent him.
Amen, amen, I say to you, whoever hears my word
and believes in the one who sent me
has eternal life and will not come to condemnation,
but has passed from death to life.
Amen, amen, I say to you, the hour is coming and is now here
when the dead will hear the voice of the Son of God,
and those who hear will live.
For just as the Father has life in himself,
so also he gave to the Son the possession of life in himself.
And he gave him power to exercise judgment,
because he is the Son of Man.
Do not be amazed at this,
because the hour is coming in which all who are in the tombs
will hear his voice and will come out,
those who have done good deeds
to the resurrection of life,
but those who have done wicked deeds
to the resurrection of condemnation.
“I cannot do anything on my own;
I judge as I hear, and my judgment is just,
because I do not seek my own will
but the will of the one who sent me.”

Ang Buhay sa Pamamagitan ng Anak
Juan 5:17-30

Sinabi sa kanila ni Jesus: Ang aking Ama ay gumagawa hanggang ngayon at ako ay gumagawa. Dahil dito ay lalo ngang naghanap ng pagkakataon ang mga Judio na patayin siya. Ito ay sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Diyos, na ipinapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
   
Tumugon nga si Jesus at sinabi sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili malibang makita niya ang ginagawa ng Ama sapagkat anumang mga bagay na ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Ito ay sapagkat mahal ng Ama ang Anak at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa. At higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang ipapakita niya sa kaniya upang kayo ay mamangha. Ito ay sapagkat kung papaanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binubuhay sila, gayundin binubuhay ng Anak ang nais niyang buhayin. Ito ay sapagkat ang Ama ay hindi humahatol sa sinuman ngunit ibinigay niya ang lahat ng paghatol sa Anak. Ito ay upang parangalan ng lahat ang Anak kung papaano nila pinarangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: 

Ang oras ay darating at ito ay ngayon na. Sa oras na iyon ay maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos. Sila na nakarinig ay mabubuhay. Ito ay sapagkat kung papaanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili ay gayundin pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. Ang kapamahalaan ay ibinigay rin sa kaniya upang magsagawa ng paghatol sapagkat siya ay Anak ng Tao.
   
 Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat ng nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig. Sila na gumawa ng mabuti ay lalabas mula sa libingan patungo sa buhay. Ang mga gumawa ng masama ay lalabas mula sa mga libingan patungo sa kahatulan. Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. 


Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahanap ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.