Friday, December 3, 2010

Our Gospel for Dec 3. Be it done to you according to your faith.

The Healing of the Blind.

Mt 9:27-31


As Jesus passed by, two blind men followed him, crying out,
“Son of David, have pity on us!”
When he entered the house,
the blind men approached him and Jesus said to them,
“Do you believe that I can do this?”
“Yes, Lord,” they said to him.
Then he touched their eyes and said,
“Let it be done for you according to your faith.”
And their eyes were opened.
Jesus warned them sternly,
“See that no one knows about this.”
But they went out and spread word of him through all that land.

Pinagaling ni Jesus ang Bulag

Mateo 9:27-31

 Nang lisanin ni Jesus ang dakong iyon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sila ay sumisigaw na sinasabi: Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa amin.

 
 Pagpasok niya sa bahay, lumapit ang dalawang lalaki sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila: Sumasampalataya ba kayong magagawa ko ito?
   Sinabi nila sa kaniya: Oo, Panginoon.

 
 Nang magkagayon, hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi: Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya. Namulat ang kanilang mga mata. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na sinasabi: Huwag ninyong sabihin ito kahit na kanino. Ngunit nang makaalis na sila, ikinalat nila ang nangyari sa buong lupaing iyon.

Our Gospel for Dec 2. The Two Foundations.

Mt 7:21,24-27

Jesus said to his disciples:
“Not everyone who says to me, ‘Lord, Lord,’ will enter the Kingdom of heaven, but only the one who does the will of my Father in heaven.

“Everyone who listens to these words of mine and acts on them
will be like a wise man who built his house on rock. The rain fell, the floods came, and the winds blew and buffeted the house. But it did not collapse; it had been set solidly on rock. And everyone who listens to these words of mine but does not act on them will be like a fool who built his house on sand. The rain fell, the floods came, and the winds blew and buffeted the house. And it collapsed and was completely ruined.”

Ang Matalino at Mangmang na Tagapagpatayo

Mateo 7:21,24-27

Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Kaya nga, ang sinumang dumirinig sa mga pananalita kong ito at isinasagawa ang mga ito, ay maihahalintulad ko sa isang lalaking matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato. Bumuhos ang ulan at bumaha. Umihip ang malakas na hangin at hinampas ang bahay na iyon, ngunit hindi bumagsak. Ito ay sapagkat itinayo niya iyon sa ibabaw ng bato. Ang bawat isa na dumirinig ng mga pananalita kong ito at hindi isinasagawa ay maihahalintulad ko sa isang lalaking mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhanginan. Bumuhos ang ulan at bumaha. Umihip ang malakas na hangin at hinampas ang bahay na iyon. Bumagsak ito at lubusang nawasak.