Sunday, March 13, 2011

Jesus Fasts and Tempted. Our Gospel for March 13, 2011

Matthew 4:1-11

At that time Jesus was led by the Spirit into the desert
to be tempted by the devil.
He fasted for forty days and forty nights,
and afterwards he was hungry.
The tempter approached and said to him,
“If you are the Son of God,
command that these stones become loaves of bread.”
He said in reply,
“It is written:
One does not live on bread alone,

but on every word that comes forth

from the mouth of God
.”
Then the devil took him to the holy city,
and made him stand on the parapet of the temple,
and said to him, “If you are the Son of God, throw yourself down.
For it is written:
He will command his angels concerning you

and with their hands they will support you,

lest you dash your foot against a stone.

Jesus answered him,
“Again it is written,
You shall not put the Lord, your God, to the test
.”
Then the devil took him up to a very high mountain,
and showed him all the kingdoms of the world in their magnificence,
and he said to him, "All these I shall give to you,
if you will prostrate yourself and worship me.”
At this, Jesus said to him,
“Get away, Satan!
It is written:
The Lord, your God, shall you worship

and him alone shall you serve.
Then the devil left him and, behold,
angels came and ministered to him.

Tinukso ng Diyablo si Jesus
Mateo 4:1-11
Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya. Lumapit ang manunukso sa kaniya at sinabi: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.
   
Sumagot si Jesus sa kaniya, na sinasabi: Nasusulat:
      Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao
      kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig
      ng Diyos.
   
Nang magkagayon, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod. Pinatayo siya sa taluktok ng templo. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka sapagkat nasusulat:
      Uutusan niya ang kaniyang mga anghel
      patungkol sa iyo. Bubuhatin ka at dadalhin ka
      ng kanilang mga kamay upang hindi tumama
      ang iyong paa sa bato.
    
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:
      Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.
    
Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanlibutan at ang kaluwalhatian nito. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.
     
Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniya: Lumayo ka, Satanas, sapagkat nasusulat:
      Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at
      siya lamang ang iyong paglingkuran.
     
Nang magkagayon, iniwan siya ng diyablo. Narito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.