Thursday, February 24, 2011

Our Gospel for Feb 24. Temptations to Sin and the Simile of Salt and Light.

Mark 9: 41-50

Jesus said to his disciples:
“Anyone who gives you a cup of water to drink
because you belong to Christ,
amen, I say to you, will surely not lose his reward.

“Whoever causes one of these little ones who believe in me to sin,
it would be better for him if a great millstone
were put around his neck
and he were thrown into the sea.
If your hand causes you to sin, cut it off.
It is better for you to enter into life maimed
than with two hands to go into Gehenna,
into the unquenchable fire.
And if your foot causes you to sin, cut if off.
It is better for you to enter into life crippled
than with two feet to be thrown into Gehenna.
And if your eye causes you to sin, pluck it out.
Better for you to enter into the Kingdom of God with one eye
than with two eyes to be thrown into Gehenna,
where their worm does not die, and the fire is not quenched


“Everyone will be salted with fire.
Salt is good, but if salt becomes insipid,
with what will you restore its flavor?
Keep salt in yourselves and you will have peace with one another.”


Ang Sanhi ng Pagkakasala


Marcos 9:41-50

41Dahil kayo ay kay Cristo maaaring may magbigay sa inyo ng isang basong tubig sa pangalan ko. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tiyak na hindi mawawalan ng gantimpala ang taong iyon. 
42Ang sinuman ay maaaring maging sanhi ng pagkatisod ng isa sa mga maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Mabuti pa sa kaniya na talian ng gilingang-bato sa leeg at itapon siya sa dagat. 
43Kapag ang kamay mo ang naging sanhi ng iyong pagkakatisod, putulin mo ito. Mabuti pa sa iyo na pumasok sa buhay na putol ang isang kamay kaysa may dalawang kamay na pumunta sa impiyerno. Ang apoy doon ay hindi namamatay.
44Doon ay hindi namamatay ang kanilang uod at hindi namamatay ang apoy. 45Gayundin kapag ang isang paa mo ang naging sanhi ng iyong pagkakatisod, putulin mo ito. Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na putol ang isang paa kaysa may dalawang paa na itapon sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. 46Doon ay hindi namamatay ang kanilang uod at hindi namamatay ang apoy. 47Kapag ang mata mo ang naging sanhi ng iyong pagkakatisod, dukitin mo ito. Mabuti pa sa iyo na pumasok sa paghahari ng Diyos na iisa ang mata kaysa may dalawang mata na itapon sa impiyerno ng apoy.
    48Doon ay hindi namamatay ang kanilang uod
      at hindi namamatay ang apoy.

   
 49Ito ay sapagkat ang bawat isa ay aasnan ng apoy at ang bawat hain ay aasnan ng asin.

   
 50Mabuti ang asin, ngunit kapag ito ay tumabang, paano pa ito muling aalat? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't isa.

Our Gospel for Feb 23. Another Exorcist.

Mark 9:38-40

John said to Jesus,
“Teacher, we saw someone driving out demons in your name,
and we tried to prevent him because he does not follow us.”
Jesus replied, “Do not prevent him.
There is no one who performs a mighty deed in my name
who can at the same time speak ill of me.
For whoever is not against us is for us.”

Sinumang Hindi Laban sa Atin ay Panig sa Atin
Marcos 9:38-40
38Sumagot sa kaniya si Juan: Guro, nakita namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo. Ngunit hindi siya sumusunod sa atin. Pinagbawalan namin siya sapagkat hindi siya sumusunod sa atin.    
 39Ngunit sinabi ni Jesus: Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat walang taong gumagawa ng himala sa pangalan ko at makakapagsalita agad ng masama laban sa akin. 40Ito ay sapagkat ang hindi laban sa inyo ay panig sa inyo.