John 2:13-22
Since the Passover of the Jews was near,
Jesus went up to Jerusalem.
He found in the temple area those who sold oxen, sheep, and doves,
as well as the money-changers seated there.
He made a whip out of cords and drove them all out of the temple area, with the sheep and oxen, and spilled the coins of the money-changers and overturned their tables, and to those who sold doves he said,
“Take these out of here,
and stop making my Father’s house a marketplace.”
His disciples recalled the words of Scripture,
Zeal for your house will consume me. At this the Jews answered and said to him, “What sign can you show us for doing this?” Jesus answered and said to them, “Destroy this temple and in three days I will raise it up.” The Jews said, “This temple has been under construction for forty-six years, and you will raise it up in three days?” But he was speaking about the temple of his Body. Therefore, when he was raised from the dead, his disciples remembered that he had said this, and they came to believe the Scripture and the word Jesus had spoken.
Nilinis ni Jesus ang Templo
Juan 2:13-22
Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo. Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid ay tinaboy niya silang lahat papalabas sa templo pati na ang mga tupa at ang mga toro. Ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa. Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya: Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.
Naala-ala ng kaniyang mga alagad na nasusulat: Pinagharian ako ng kasigasigan sa iyong bahay.
Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Anong tanda ang maipapakita mo sa amin yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Gibain ninyo ang banal na dakong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.
Sinabi nga ng mga Judio: Apatnapu't-anim na taon ang pagtatayo ng banal na dakong ito at itatayo mo sa loob ng tatlong araw? Ngunit ang banal na dako na kaniyang tinutukoy ay ang kaniyang katawan. Nang ibinangon nga siya mula sa mga patay ay naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito sa kanila. Sumampalataya sila sa kasulatan at sa salita na sinabi ni Jesus.