Mk 3:13-19
Jesus went up the mountain and summoned those whom he wanted
and they came to him.
He appointed Twelve, whom he also named Apostles,
that they might be with him
and he might send them forth to preach
and to have authority to drive out demons:
He appointed the Twelve:
Simon, whom he named Peter;
James, son of Zebedee,
and John the brother of James, whom he named Boanerges,
that is, sons of thunder;
Andrew, Philip, Bartholomew,
Matthew, Thomas, James the son of Alphaeus;
Thaddeus, Simon the Cananean,
and Judas Iscariot who betrayed him.
Tinawag ni Jesus ang Labindalawang Alagad
Marco 3:13-19
13Umahon siya sa bundok, tinawag niya ang kaniyang mga maibigan at sila ay lumapit sa kaniya. 14Humirang siya ng labindalawang lalaki upang makasama niya at suguing mangaral. 15Ito ay upang magkaroon sila ng kapamahalaang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo. 16Si Simon ay tinagurian niyang Pedro. 17Si Santiago, na anak ni Zebedeo at ang kapatid niyang si Juan na tinagurian ni Jesus na mga Boanerges, na ang ibig sabihin ay mga taong tulad ng kulog. 18Sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo at si Simon na kabilang sa mga Makabayan. 19At si Judas na taga-Keriot na siyang nagkanulo sa kaniya.