Saturday, May 7, 2011

"It is I.Do not be afraid." Our Gospel for May 7, 2011.

John 6:16-21
When it was evening, the disciples of Jesus went down to the sea, embarked in a boat, and went across the sea to Capernaum. It had already grown dark, and Jesus had not yet come to them. The sea was stirred up because a strong wind was blowing. When they had rowed about three or four miles, they saw Jesus walking on the sea and coming near the boat, and they began to be afraid. But he said to them, 
“It is I. Do not be afraid.”
They wanted to take him into the boat, 
but the boat immediately arrived at the shore to which they were heading.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
John 6:16-21
 Nang magtakipsilim na, lumusong ang kaniyang mga alagad sa lawa. Sumakay sila sa bangka. Sila ay papatawid ng lawa patungong Capernaum. Dumilim na at hindi pa nila kasama si Jesus. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, ang lawa ay naging maalon. Nang sila ay nakagaod na ng may lima o anim na kilometro nakita nila si Jesus. 
Siya ay lumalakad sa ibabaw ng lawa papalapit sa bangka at sila ay natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila: Ako ito, huwag kayong matakot. Malugod nga nilang pinasakay si Jesus sa bangka. Kapagdaka, ang bangka ay nasa lupa na ng kanilang pupuntahan.

Five loaves, two fish.Our Gospel for May 6, 2011

John 6:1-15


Jesus went across the Sea of Galilee. A large crowd followed him, because they saw the signs he was performing on the sick.
Jesus went up on the mountain, and there he sat down with his disciples. 
The Jewish feast of Passover was near. When Jesus raised his eyes and saw that a large crowd was coming to him,
he said to Philip, 

“Where can we buy enough food for them to eat?”


He said this to test him, because he himself knew what he was going to do. Philip answered him,
“Two hundred days’ wages worth of food would not be enough for each of them to have a little.”
One of his disciples, Andrew, the brother of Simon Peter, said to him,
“There is a boy here who has five barley loaves and two fish;
but what good are these for so many?”
Jesus said, 

“Have the people recline.” 
Now there was a great deal of grass in that place.  So the men reclined, about five thousand in number. Then Jesus took the loaves, gave thanks, and distributed them to those who were reclining, and also as much of the fish as they wanted. When they had had their fill, he said to his disciples,
“Gather the fragments left over, so that nothing will be wasted.”
So they collected them, and filled twelve wicker baskets with fragments from the five barley loaves that had been more than they could eat.



When the people saw the sign he had done, they said, “This is truly the Prophet, the one who is to come into the world.”  Since Jesus knew that they were going to come and carry him off to make him king, he withdrew again to the mountain alone.








Ang Pagpapakain ni Jesus sa Limang Libong Lalaki


Juan 6:1-15




 1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa lawa ng Galilea. Ito ay ang lawa ng Tiberias. 2Maraming mga tao ang sumunod sa kaniya dahil nakita nila ang mga tanda na kaniyang ginawa sa mga maysakit. 3Si Jesus ay umakyat sa bundok at umupo roon na kasama ng kaniyang mga alagad. 4Malapit na ang araw ng Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio.
   
 5Nang tumingin si Jesus sa paligid, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kaniya. Sinabi niya kay Felipe: Saan tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga ito? 6Sinabi niya ito upang subukin si Felipe sapagkat alam na niya kung ano ang kaniyang gagawin.

   
 7Sumagot si Felipe sa kaniya: Ang dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.

   
 8Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya: 9Mayroong isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang maliit na isda. Gasino na ito sa ganitong karaming tao?

   
 10Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo. 11Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya ito sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga nila sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa sa mga isda, ito ay ipinamahagi gaano man ang kanilang ibigin.

   
 12Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis na bahagi upang walang masayang. 13Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bakol ng bahaging mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga kumain.

   
 14Nakita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus. Dahil dito kanilang sinabi: Totoong ito na nga ang propeta na darating sa sanlibutan. 15Nalaman ni Jesus na sila ay papalapit at siya ay susunggaban upang gawing hari. Dahil dito siya ay umalis at pumuntang muli na nag-iisa sa bundok.