Wednesday, October 27, 2010

Our Gospel for Oct 27. The Narrow Door; Salvation and Rejection.

Luke 13:22-30

Jesus passed through towns and villages,
teaching as he went and making his way to Jerusalem.
Someone asked him,
“Lord, will only a few people be saved?”
He answered them,
“Strive to enter through the narrow gate,
for many, I tell you, will attempt to enter
but will not be strong enough.
After the master of the house has arisen and locked the door,
then will you stand outside knocking and saying,
‘Lord, open the door for us.’
He will say to you in reply,
‘I do not know where you are from.’
And you will say,
‘We ate and drank in your company and you taught in our streets.’
Then he will say to you,
‘I do not know where you are from.
Depart from me, all you evildoers!’
And there will be wailing and grinding of teeth
when you see Abraham, Isaac, and Jacob
and all the prophets in the Kingdom of God
and you yourselves cast out.
And people will come from the east and the west
and from the north and the south
and will recline at table in the Kingdom of God.
For behold, some are last who will be first,
and some are first who will be last.”

*********************************************************************************

Ang Makipot na Daan

Lucas 13:22-30


Sa pagdaan ni Jesus sa mga lungsod at nayon, siya ay nagtuturo at patuloy na naglalakbay patungong Jerusalem. May nagsabi sa kaniya: Panginoon, kakaunti ba ang maliligtas?

Sinabi niya sa kanila: Pagsikapan ninyong pumasok sa pamamagitan ng makipot na tarangkahan. Sinasabi ko ito sa inyo dahil marami ang maghahanap upang pumasok ngunit hindi makakapasok. Sa oras na tumindig ang may-ari ng sambahayan at maisara na niya ang pinto kayo ay magsisimulang tumayo sa labas. Kakatok kayo sa pinto na nagsasabi: Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.
  
Sasagot siya at magsasabi sa inyo: Hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling.

Sa oras na iyon ay magsasabi kayo: Kami ay kumain at uminom na kasama ka. Nagturo ka sa aming mga lansangan.

Sasabihin niya: Sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na mga manggagawa ng hindi matuwid. Magkakaroon ng pananangis at pangangalit ng mga ngipin. Mangyayari ito kapag nakita ninyo si Abraham, si Isaac, si Jacob at lahat ng mga propeta na nasa paghahari ng Diyos ngunit kayo ay itataboy palabas. Sila ay manggagaling mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at timog. Sila ay uupo sa paghahari ng Diyos. Narito, may mga huli na mauuna at may mga una na mahuhuli.


*********************************************************************************
Paunawa: Kung gusto po ninyong mag post ng inyong reflection ay i-click lamang ang "comment" sa ibaba. Ito po ay ikalulugod ng marami. Salamat po.