Tuesday, November 30, 2010

Our Gospel for Nov 30. The Call of the First Disciples.

Mt 4:18-22

As Jesus was walking by the Sea of Galilee, he saw two brothers,
Simon who is called Peter, and his brother Andrew, casting a net into the sea; they were fishermen. He said to them, “Come after me, and I will make you fishers of men.”
At once they left their nets and followed him. He walked along from there and saw two other brothers,
James, the son of Zebedee, and his brother John. They were in a boat, with their father Zebedee, mending their nets. He called them, and immediately they left their boat and their father  and followed him.

Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad.

Mateo 4:18-22


Habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid. Sila ay sina Simon na tinatawag na Pedro at ang nakakabata niyang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat sila ay mga mangingisda. Sinabi niya sa kanila: Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao. Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.

 
Sa pagpapatuloy niya sa paglalakad, nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan. Sila ay nasa bangka at nag-aayos ng lambat kasama ang kanilang amang si Zebedeo. At tinawag sila ni Jesus. Agad-agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama at sumunod sa kaniya.

Our Gospel for Nov 29. The Faith of the Centurion.


The Faith of the Centurion.

Matthew 8:5-11

When Jesus entered Capernaum, a centurion approached him and appealed to him, saying,
“Lord, my servant is lying at home paralyzed, suffering dreadfully.” He said to him, “I will come and cure him.”
The centurion said in reply, “Lord, I am not worthy to have you enter under my roof;
only say the word and my servant will  be healed.
For I too am a man subject to authority, with soldiers subject to me. And I say to one, ‘Go,’ and he goes; and to another, ‘Come here,’ and he comes; and to my slave, ‘Do this,’ and he does it.”
When Jesus heard this, he was amazed  and said to those following him, “Amen, I say to you, in no one in  Israel have I found such faith. I say to you, many will come from the east and the west, and will recline with Abraham, Isaac, and Jacob at the banquet in the Kingdom of  heaven.”

Ang Kapitan ay Nanampalataya

Mateo 8:5-11 

Nang pumasok na si Jesus sa  Capernaum, may lumapit sa kaniya na isang kapitan na namamanhik sa kaniya. Sinabi ng kapitan: Panginoon,  ang aking lingkod ay nakaratay sa  bahay, lumpo at lubhang nahihirapan. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ay  paroroon at pagagalingin ko siya.
Ngunit sumagot ang kapitan:  Panginoon, hindi ako karapat-dapat na  ikaw ay pumasok sa aking bahay. Ngunit magsalita ka lamang at mapapagaling mo na ang aking lingkod.  Ito ay sapagkat ako rin naman ay isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan na may nasasakupang mga  kawal. Sinasabi ko sa isang tao: Pumaroon ka. At pumaparoon siya.  Sinasabi ko naman sa iba: Halika. At lumalapit siya. Sa aking alipin naman ay sinasabi ko: Gawin mo ito. At kaniya itong ginagawa.
Namangha si Jesus nang marinig niya ito. Sinabi niya sa mga sumusunod sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kahit sa mga taga-Israel ay hindi ko nasumpungan ang ganito kalaking pananampalataya. Sinasabi ko sa inyo na marami ang manggagaling sa silangan at kanluran at kakaing kasama ni Abraham, Isaac at Jacob sa paghahari ng langit.