Wednesday, March 2, 2011

Our Gospel for Mar 2. The Third Prediction of the Passion and the Ambition of James and John

Mark 10:32-45

The disciples were on the way, going up to Jerusalem,and Jesus went ahead of them.They were amazed, and those who followed were afraid.
Taking the Twelve aside again, he began to tell them what was going to happen to him.“Behold, we are going up to Jerusalem, and the Son of Man will be handed over to the chief priests and the scribes, and they will condemn him to death and hand him over to the Gentiles who will mock him, spit upon him, scourge him, and put him to death,but after three days he will rise.”Then James and John, the sons of Zebedee,came to Jesus and said to him,‘Teacher, we want you to do for us whatever we ask of you.”He replied, ‘What do you wish me to do for you?”They answered him,“Grant that in your glory we may sit one at your right and the other at your left.”Jesus said to them, “You do not know what you are asking.Can you drink the chalice that I drink or be baptized with the baptism with which I am baptized?”They said to him, ‘We can.”Jesus said to them, “The chalice that I drink, you will drink,and with the baptism with which I am baptized, you will be baptized;but to sit at my right or at my left is not mine to give but is for those for whom it has been
prepared.”When the ten heard this, they became indignant at James and John. Jesus summoned them and said to them,“You know that those who are recognized as rulers over the Gentiles lord it over them, and their great ones make their authority over them felt.But it shall not be so among you.
Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant;whoever wishes to be first among you will be the slave of all.For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as a ransom for many.”

Binanggit Muli ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan

Marcos 10:32-45

Nang sila ay nasa daan paahon sa Jerusalem, nagtaka sila na si Jesus ay nasa unahan na nila. At sa kanilang pagsunod kay Jesus, sila ay natakot. Tinipon niyang muli ang labindalawang alagad at sinimulang sabihin sa kanila ang patungkol sa mga bagay na mangyayari na sa kaniya. 
Sinabi ni Jesus: Narito, aahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga pinunong-saserdote at sa mga guro ng kautusan. Siya ay kanilang hahatulan ng kamatayan at ibibigay sa mga Gentil. Siya ay kanilang kukutyain, hahagupitin, luluraan at papatayin. At sa ikatlong araw, siya ay mabubuhay muli.  

Lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sinabi nila: Guro, nais naming gawin mo sa amin ang anumang aming hingin sa iyo.
    
Sinabi ni Jesus sa kanila: Ano ang ibig ninyong gawin ko para sa inyo?
    
Sinabi nila sa kaniya: Ipagkaloob mo sa amin na makaupo kami sa tabi mo sa iyong kaluwalhatian, ang isa ay sa kanan at ang isa ay sa kaliwa.
    
Sinabi sa kanila ni Jesus: Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang sarong aking iinuman? Kaya ba ninyong magpabawtismo ng bawtismong ibinawtismo sa akin?
     
Sinabi nila kay Jesus: Kaya namin.
   Subalit sinabi ni Jesus sa kanila: Ang saro na aking iinuman ay tunay na iinuman ninyo. Ang bawtismo na ibinawtismo sa akin ay ibabawtismo sa inyo. Ngunit ang umupo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi ako ang magkakaloob. Ito ay ipagkakaloob sa kanila na pinaghandaan nito.
    
Nang marinig ito ng sampu, sila ay lubhang nagalit kina Santiago at Juan. Tinawag sila ni Jesus at sinabi: Nalalaman ninyo na ang mga kinikilalang namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila. Ang mga dakila sa kanila ay gumagamit ng kapamahalaan sa kanila. Huwag maging gayon sa inyo. Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging dakila ay magiging tagapaglingkod ninyo. Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging una ay magiging alipin ng lahat. Ito ay sapagkat maging ang Anak ng Tao ay pumarito hindi upang paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa marami.

Our Gospel for Mar 1. Put aside everything to follow Jesus.

Mark 10:28-31

Peter began to say to Jesus,
‘We have given up everything and followed you.”Jesus said, “Amen, I say to you, there is no one who has given up house or brothers or sisters or mother or father or children or lands for my sake and for the sake of the Gospel who will not receive a hundred times more now in this present age: houses and brothers and sisters and mothers and children and lands, with persecutions, and eternal life in the age to come.
But many that are first will be last, and the last will be first.”

Iwan mo ang lahat at sumunod ka kay Cristo.

Marcos 10:28-31 

Pagkatapos, si Pedro ay nagsimulang magsabi sa kaniya: Narito, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.
     Sumagot si Jesus at sinabi: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May mga taong nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o asawang babae, o mga anak o mga bukid dahil sa akin at dahil sa ebanghelyo. 

Ang sinumang nag-iwan ng mga ito ay tatanggap ngayon sa panahong ito ng tig-iisangdaang dami ng gayon. Tatanggap siya ng mga bahay, mga kapatid na lalaki at babae, mga ina, mga anak at mga lupain. 

Tatanggapin niya ang mga ito na may pag-uusig ngunit sa darating na kapanahunan, siya ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Subalit maraming nauna na mahuhuli. Gayundin ang nahuli ay mauuna.