Matthew 2:1-12
When Jesus was born in Bethlehem of Judea,
in the days of King Herod,
behold, magi from the east arrived in Jerusalem, saying,
“Where is the newborn king of the Jews?
We saw his star at its rising
and have come to do him homage.”
When King Herod heard this,
he was greatly troubled,
and all Jerusalem with him.
Assembling all the chief priests and the scribes of the people,
He inquired of them where the Christ was to be born.
They said to him, “In Bethlehem of Judea,
for thus it has been written through the prophet:
And you, Bethlehem, land of Judah,
are by no means least among the rulers of Judah;
since from you shall come a ruler,
who is to shepherd my people Israel.”
Then Herod called the magi secretly
and ascertained from them the time of the star’s appearance.
He sent them to Bethlehem and said,
“Go and search diligently for the child.
When you have found him, bring me word,
that I too may go and do him homage.”
After their audience with the king they set out.
And behold, the star that they had seen at its rising preceded them,
until it came and stopped over the place where the child was.
They were overjoyed at seeing the star,
and on entering the house
they saw the child with Mary his mother.
They prostrated themselves and did him homage.
Then they opened their treasures
and offered him gifts of gold, frankincense, and myrrh.
And having been warned in a dream not to return to Herod,
they departed for their country by another way.
Ang Pagdating ng mga Pantas
Pagkatapos na maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Juda, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may dumating sa Jerusalem mula sa silangan, na mga lalaking pantas sa pag-aaral ng mga bituin. Sinabi nila: Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Ito ay sapagkat nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya.
Nang marinig ni haring Herodes ang mga bagay na ito, naligalig siya at ang lahat ng mga tao sa Jerusalem. 4Tinipon niya ang lahat ng mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ng mga tao. Tinanong niya sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas. Sinabi nila sa kaniya: Sa Bethlehem ng Judea sapagkat ganito ang isinulat ng propeta:
Ikaw Bethlehem sa lupain ng Juda, hindi ikaw
ang pinakamaliit sa mga gobernador ng Juda
sapagkat mula sa iyo ay lalabas ang isang pinuno
na siyang mamumuno sa aking bayang Israel.
Nang magkagayon, tinawag ni Herodes nang palihim ang mga pantas na lalaki. Itinanong niyang mabuti sa kanila kung kailan nagpakita ang bituin. At pinapunta niya sila sa Bethlehem. Sinabi niya: Pumaroon kayo at matiyaga ninyong ipagtanong ang patungkol sa bata. Kapag natagpuan ninyo siya, balitaan ninyo ako upang makapunta rin ako at sambahin siya.
Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Maria.
Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira. At nagbabala ang Diyos sa kanila sa isang panaginip na huwag na silang bumalik kay Herodes. Kaya sila ay nag-iba ng daan pauwi sa kanilang sariling lupain.