Thursday, April 28, 2011

It is written. Our Gospel for April 28, 2011


Luke 24:35-48

The disciples of Jesus recounted what had taken place along the way, and how they had come to recognize him in the breaking of bread.

While they were still speaking about this, he stood in their midst and said to them,
“Peace be with you.”
But they were startled and terrified and thought that they were seeing a ghost. Then he said to them, 

“Why are you troubled? And why do questions arise in your hearts? Look at my hands and my feet, that it is I myself.
Touch me and see, because a ghost does not have flesh and bones as you can see I have.”
And as he said this, he showed them his hands and his feet.
While they were still incredulous for joy and were amazed,
he asked them, 
“Have you anything here to eat?”
They gave him a piece of baked fish; he took it and ate it in front of them. 
He said to them,
“These are my words that I spoke to you while I was still with you, that everything written about me in the law of Moses and in the prophets and psalms must be fulfilled.”
Then he opened their minds to understand the Scriptures.

And he said to them,
“Thus it is written that the Christ would suffer and rise from the dead on the third day and that repentance, for the forgiveness of sins, would be preached in his name
to all the nations, beginning from Jerusalem.
You are witnesses of these things.”





Ito ay nasusulat. 
Lucas 24:35-48 

35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.


 36Habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus sa gitna nila. Sinabi niya sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo.   
 37Sa kanilang pagkasindak at pagkatakot, inakala nilang nakakita sila ng isang espiritu. 38Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo naguguluhan? Bakit kayo nagkakaroon ng mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso? 39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.

   
 40Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. 41Ngunit hindi sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha. Habang sila ay nasa ganitong kalagayan, sinabi niya sa kanila: Mayroon ba kayong anumang makakain dito? 42Binigyan nila siya ng bahagi ng inihaw na isda at pulot. 43Pagkakuha niya, kumain siya sa harapan nila.

44Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.
45Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan.


46Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. 48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.