Tuesday, November 23, 2010

Our Gospel for Nov 23. The Destruction....foretold.

Luke 21:5-11

While some people were speaking about
how the temple was adorned with costly stones and votive offerings,
Jesus said, “All that you see here–
the days will come when there will not be left a stone upon another stone that will not be thrown down.”

Then they asked him, “Teacher, when will this happen? And what sign will there be when all these things are about to happen?” He answered,
“See that you not be deceived,
for many will come in my name, saying, ‘I am he,’ and ‘The time has come.’ Do not follow them!
When you hear of wars and insurrections, do not be terrified; for such things must happen first,
but it will not immediately be the end.” Then he said to them,
“Nation will rise against nation, and kingdom against kingdom. There will be powerful earthquakes, famines, and plagues from place to place; and awesome sights and mighty signs will come from the sky.”

Mga Tanda sa Huling Panahon

Lucas 21:5-11


Habang ang ilan ay nag-uusap patungkol sa templo, na ito ay nagagayakan ng mga naggagandahang bato at mga kaloob, sinabi ni Jesus: Darating ang mga araw na ang mga bagay na inyong nakikita ay gigibain. Walang maiiwang bato na nakapatong sa bato na hindi babagsak.

 
Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na mangyayari na ang mga bagay na ito?

 
Sinabi niya: Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa pangalan ko. Kanilang sasabihin: Ako ang Mesiyas at ang oras ay malapit na. Huwag nga kayong sumunod sa kanila. Kapag kayo ay nakarinig ng mga digmaan at himagsikan, huwag kayong masindak sapagkat ang mga bagay na ito ay dapat munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi agad mangyayari.

 
Pagkatapos nito sinabi niya sa kanila: Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang paghahari laban sa paghahari. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa iba't ibang dako. Magkakaroon ng taggutom at salot. Magkakaroon ng mga nakakatakot na mga pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit.

Our Gospel for Nov 22. Sowing and Reaping.

The Love Offering from the Widow

Luke 21:1-4
When Jesus looked up he saw some wealthy people
putting their offerings into the treasury
and he noticed a poor widow putting in two small coins.
He said, “I tell you truly,
this poor widow put in more than all the rest;
for those others have all made offerings from their surplus wealth,
but she, from her poverty, has offered her whole livelihood.”

Ang Handog ng Babaeng Balo
 Lucas 21:1-4
Sa kaniyang pagtingala, nakita ni Jesus ang mga mayayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman. Nakita rin niya ang isang dukhang balo na naghuhulog doon ng dalawang sentimos. Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat. Ito ay sapagkat mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat niyang kabuhayan. Ang mga mayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa mga labis nila.