Sunday, October 31, 2010

Our Gospel for Oct 31. Zaccheus the Tax Collector.

Luke 19:1-10

At that time, Jesus came to Jericho and intended to pass through the town. Now a man there named Zacchaeus, who was a chief tax collector and also a wealthy man, was seeking to see who Jesus was;
but he could not see him because of the crowd,
for he was short in stature. So he ran ahead and climbed a sycamore tree in order to see Jesus,
who was about to pass that way.

When he reached the place, Jesus looked up and said,
"Zacchaeus, come down quickly, for today I must stay at your house." And he came down quickly and received him with joy.

When they all saw this, they began to grumble, saying,
"He has gone to stay at the house of a sinner."
But Zacchaeus stood there and said to the Lord,
"Behold, half of my possessions, Lord, I shall give to the poor, and if I have extorted anything from anyone
I shall repay it four times over." And Jesus said to him, "Today salvation has come to this house because
this man too is a descendant of Abraham.  For the Son of Man has come to seek and to save what was lost."






********************************************************************************* 
Si Zaqueo, ang Maniningil ng Buwis

Lucas 19:1-10

Pumasok at dumaan si Jesus sa Jerico. Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Zaqueo. Siya ay punongmaniningil ng buwis at siya ay mayaman. Hinahangad niyang makita kung sino si Jesus. Hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay mababa. At tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus sapagkat sa daang iyon daraan si Jesus.

Nang dumating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at nakita niya si Zaqueo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Zaqueo, magmadali kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang manatili ako sa iyong bahay. Nagmamadali siyang bumaba at nagagalak niyang tinanggap si Jesus.

Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilang sinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.

Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham. Ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.

************************************************************************************