Sunday, April 17, 2011

“Eli, Eli, lema sabachthani. Our Gospel for April 17, 2011

Your King comes to you.  (1st part)

Matthew: 21-1-11

When they drew near Jerusalem and came to Bethphage on the Mount of Olives, Jesus sent two disciples, saying to them, "Go into the village opposite you, and immediately you will find an ass tethered, and a colt with her. Untie them and bring them here to me. And if anyone should say anything to you, reply, 'The master has need of them.' Then he will send them at once."
This happened so that what had been spoken through the prophet might be fulfilled.
 
 "Say to daughter Zion, 'Behold, your king comes to you, meek and riding on an ass, and on a colt, the foal of a beast of burden.'"
 
The disciples went and did as Jesus had ordered them. They brought the ass and the colt and laid their cloaks over them, and he sat upon them.  The very large crowd spread their cloaks on the road, while others cut branches from the trees and strewed them on the road.  The crowds preceding him and those following kept crying out and saying: 
 
 
"Hosanna  to the Son of David; 
  blessed is he who comes in the name of the Lord; hosanna in the highest."
 
And when he entered Jerusalem the whole city was shaken and asked, "Who is this?"And the crowds replied, "This is Jesus the prophet, from Nazareth in Galilee."

Jesus Passion and Death (2nd part)

Matthew 27:11-54

Jesus stood before the governor, Pontius Pilate, who questioned him,
“Are you the king of the Jews?”
Jesus said, “You say so.”
And when he was accused by the chief priests and elders, he made no answer.
Then Pilate said to him,
“Do you not hear how many things they are testifying against you?” But he did not answer him one word,
so that the governor was greatly amazed. Now on the occasion of the feast the governor was accustomed to release to the crowd  one prisoner whom they wished.
And at that time they had a notorious prisoner called Barabbas. So when they had assembled, Pilate said to them,
“Which one do you want me to release to you,
Barabbas, or Jesus called Christ?” For he knew that it was out of envy that they had handed him over.
 
While he was still seated on the bench, his wife sent him a message,
“Have nothing to do with that righteous man. I suffered much in a dream today because of him.”
The chief priests and the elders persuaded the crowds
to ask for Barabbas but to destroy Jesus.
The governor said to them in reply,
“Which of the two do you want me to release to you?”
 
They answered, “Barabbas!”
Pilate said to them,
“Then what shall I do with Jesus called Christ?”
They all said,
“Let him be crucified!”
But he said,
“Why? What evil has he done?”
They only shouted the louder,
“Let him be crucified!”
When Pilate saw that he was not succeeding at all,
but that a riot was breaking out instead, he took water and washed his hands in the sight of the crowd,
saying, “I am innocent of this man’s blood.Look to it yourselves.” And the whole people said in reply,
“His blood be upon us and upon our children.”
Then he released Barabbas to them,  but after he had Jesus scourged, he handed him over to be crucified.
Then the soldiers of the governor took Jesus inside the praetorium  and gathered the whole cohort around him. They stripped off his clothes  and threw a scarlet military cloak about him. Weaving a crown out of thorns, they placed it on his head,  and a reed in his right hand. And kneeling before him, they mocked him, saying,
“Hail, King of the Jews!”
They spat upon him and took the reed and kept striking him on the head. And when they had mocked him, they stripped him of the cloak,  dressed him in his own clothes, and led him off to crucify him.
As they were going out, they met a Cyrenian named Simon;  this man they pressed into service
to carry his cross. And when they came to a place called Golgotha — which means Place of the Skull —,
they gave Jesus wine to drink mixed with gall.
But when he had tasted it, he refused to drink.
After they had crucified him, they divided his garments by casting lots;  then they sat down and kept watch over him there. And they placed over his head the written charge against him:
This is Jesus, the King of the Jews.
 
Two revolutionaries were crucified with him, one on his right and the other on his left. Those passing by reviled him, shaking their heads and saying,
“You who would destroy the temple and rebuild it in three days, save yourself, if you are the Son of God,
and come down from the cross!”
Likewise the chief priests with the scribes and elders mocked him and said,
“He saved others; he cannot save himself. So he is the king of Israel! Let him come down from the cross now,
and we will believe in him. He trusted in God; let him deliver him now if he wants him.
For he said, ‘I am the Son of God.’”
The revolutionaries who were crucified with him also kept abusing him in the same way. From noon onward, darkness came over the whole land
until three in the afternoon. And about three o’clock Jesus cried out in a loud voice,
 
Eli, Eli, lema sabachthani?”which means, “My God, my God, why have you forsaken me?”
 
Some of the bystanders who heard it said,
“This one is calling for Elijah.”
Immediately one of them ran to get a sponge;
he soaked it in wine, and putting it on a reed,
gave it to him to drink.
But the rest said,
‘Wait, let us see if Elijah comes to save him.”
But Jesus cried out again in a loud voice, and gave up his spirit.

And behold, the veil of the sanctuary
was torn in two from top to bottom.
The earth quaked, rocks were split, tombs were opened, and the bodies of many saints who had fallen asleep were raised.
And coming forth from their tombs after his resurrection, they entered the holy city and appeared to many. The centurion and the men with him who were keeping watch over Jesus feared greatly when they saw the earthquake and all that was happening, and they said,
“Truly, this was the Son of God!”


Pumasok si Jesus sa Jerusalem na Gaya ng Hari (Unang bahagi)
Mateo 21:1-11
Pagdating sa Betfage, na malapit sa Jerusalem, sa may bundok ng mga Olibo, nagsugo si Jesus ng dalawang alagad. Sinabi niya sa kanila: Pumaroon kayo sa nayong nasa unahan ninyo. Kaagad kayong makakatagpo ng isang nakataling asno na may kasamang isang bisirong asno. Kalagan sila at dalhin sa akin. Kapag may magsabi sa inyo, ito ang sabihin ninyo: Kailangan sila ng Panginoon. At kaagad niyang ipadadala ang mga ito.
   
 Ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na sinasabi:
    Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion, narito, dumarating ang iyong hari. Siya ay maamo at nakasakay sa isang bisirong asno na anak ng isang hayop na nahirati sa hirap. 

Lumakad ang mga alagad at ginawa ang ayon sa iniutos ni Jesus sa kanila. Kinuha nila ang asnong babae at ang batang asno. Pagkatapos, ipinatong nila sa likod ng mga ito ang kanilang mga damit at siya ay umupo sa mga ito. Ang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag sa daan. Ang napakaraming tao na nasa kaniyang unahan at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi:
                                                                   
Hosana sa Anak ni David!  
Papuri sa kaniya na pumaparito  sa pangalan ng Panginoon! 
   Hosana sa kataas-taasan!
   
 Pagpasok niya sa Jerusalem, nagulo ang buong lungsod na sinasabi: Sino ito?
   
 Sinabi ng napakaraming tao: Siya ay si Jesus, ang propeta na taga-Nazaret ng Galilea. 

Ang hirap at kamatayan ni Hesus (Ikalawang bahagi) 



Mateo 27:11-54

 11Si Jesus ay tumayo sa harap ng gobernador. Tinanong siya ng gobernador na sinasabi: Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?
   Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tama ang iyong sinabi.

   
 12Nang siya ay pinaratangan ng mga pinunong-saserdote at ng mga matanda, wala siyang isinagot. 13Sinabi ni Pilato sa kaniya: Narinig mo ba ang marami nilang paratang laban sa iyo? 14Hindi sumagot si Jesus sa kaniya, na lubhang ikinamangha ng gobernador.
   
 15Kinaugalian na ng gobernador na sa tuwing araw ng paggunita ay magpapalaya siya sa karamihan ng isang bilanggo na ibig nila. 16Nang panahong iyon, ay mayroon silang isang kilalang bilanggo na tinatawag na Barabas. 17Nang sila ay nagtipun-tipon sinabi ni Pilato sa kanila: Sino ang nais ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas o si Jesus na tinatawag na Cristo? 18Ito ay sapagkat alam niya na inggit ang dahilan nang ibinigay nila si Jesus sa kaniya.
   
 19Samantalang siya ay nakaupo sa upuan ng hukom, lumapit sa kaniya ang kaniyang asawa. Kaniyang sinabi: Huwag mo nang pakialaman ang matuwid na taong iyan. Ang dahilan ay lubha akong nahirapan sa araw na ito sa isang panaginip dahil sa lalaking iyan.
   
 20Ngunit hinikayat ng mga pinunong-saserdote at ng mga matanda sa mga tao, na hingiin ng karamihan si Barabas at ipapatay si Jesus.
   
 21Sumagot ang gobernador: Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko para sa inyo?
   Sinabi nila: Si Barabas!
   
 22Sinabi ni Pilato sa kanila: Ano nga ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?
   Sinabi nilang lahat sa kaniya: Ipapako siya sa krus!
   
 23Sinabi ng gobernador: Ano ang ginawa niyang masama?
   Ngunit lalo silang sumigaw, na sinasabi: Ipapako siya sa krus!
   
 24Nang makita ni Pilato na wala na siyang magagawa dito at ang mga tao ay nagsimula ng magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng napakaraming tao. Sinabi niya: Wala akong sala sa dugo ng matuwid na lalaking ito. Kayo na ang bahala sa bagay na ito.
   
 25Sumagot ang lahat ng mga tao: Mapasaamin at sa aming mga anak ang kaniyang dugo.
   
 26Pagkatapos nito ay pinalaya niya si Barabas ngunit ipinahagupit niya si Jesus at ibinigay niya sa kanila upang ipako sa krus.
Kinutya ng mga Kawal si Jesus
 27Dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa hukuman at pinalibutan siya ng buong batalyon ng mga kawal. 28Hinubaran nila siya at sinuotan ng isang balabal na kulay ube. 29Nagsalapid sila ng isang koronang tinik at inilagay sa kaniyang ulo. Isang tangkay ng tambo ang inilagay sa kaniyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap ni Jesus at siya ay kinutya. Sinabi nila: Binabati ang Hari ng mga Judio! 30Dinuraan nila siya at kinuha ang tambo at ipinalo sa kaniyang ulo. 31Kinutya nila siya at kinuha sa kaniya ang kaniyang balabal. Isinuot nila sa kaniya ang kaniyang damit at siya ay dinala upang ipako sa krus.
Ipinako nila sa Krus si Jesus
 
 32Nang sila ay papunta na roon, nakita nila ang isang lalaking taga-Cerene na nagngangalang Simon. Isinama nila siya upang ipapasan sa kaniya ang krus. 33Dumating sila sa isang dako na tinatawag na Golgota. Ang kahulugan nito ay Lugar ng mga Bungo. 34Binigyan nila si Jesus ng maasim na alak na hinaluan ng apdo upang inumin. Nang matikman niya ito, ayaw niya itong inumin. 35Nang maipako na nila siya, pinaghati-hatian nila ang kaniyang damit at sila ay nagpalabunutan. Ito ay upang matupad ang sinabi ng propeta na sinasabi: Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpalabunutan sa aking kasuotan. 36Sila ay naupo roon at binantayan siya. 37Inilagay nila sa kaniyang ulunan ang paratang sa kaniya. Ito ang nakasulat: ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO. 38Ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan. Ang isa ay sa kaniyang gawing kanang kamay at ang isa ay sa kaniyang gawing kaliwang kamay. 39Nilait siya ng mga dumaraan na iniiling ang kanilang mga ulo. 40Sinasabi nila: Ikaw na magwawasak ng banal na dako at magtatayo nito sa loob ng tatlong araw, iligtas mo ang iyong sarili. Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka mula sa krus.
   
 41Sa gayunding paraan kinutya siya ng mga pinunong-saserdote kasama ng mga guro ng kautusan at ng mga matanda, na sinasabi: 42Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Kung siya ang hari ng Israel, bumaba siya mula sa krus at sasampalataya kami sa kaniya. 43Nagtiwala siya sa Diyos. Magpaligtas siya sa kaniya, kung ililigtas siya sapagkat sinabi niya: Ako ay ang Anak ng Diyos. 44Gayundin nilibak siya ng mga tulisang ipinakong kasama niya.
Si Jesus ay Namatay
 45Nagkaroon ng kadiliman sa buong lupa mula sa ika-anim na oras hanggang sa ika-siyam na oras. 46Nang mag-iikasiyam na ang oras, si Jesus ay sumigaw nang may malakas na tinig. Sinabi niya: 
Eli, Eli, lama sabachthani? Ang ibig sabihin nito ay: Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?
   
 47Narinig siya ng ilan sa mga nakatayo roon. Sinabi nila: Tinatawag ng lalaking ito si Elias.
   
 48Ang isa sa kanila ay agad-agad na tumakbo at kumuha ng isang espongha. Inilubog niya ito sa maasim na alak at inilagay sa isang tambo upang ipainom sa kaniya. 49Sinabi ng iba: Pabayaan mo siya. Tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya.
   
 50Muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig. Pagkatapos, ipinaubaya niya ang kaniyang espiritu.
Narito, ang telang tabing sa banal na dako ay napunit sa dalawa mula sa itaas pababa. Ang lupa ay nayanig at nabiyak ang mga bato. 52Ang mga libingan ay nabuksan at maraming katawan ng mga banal na namatay ang bumangon. 53Pagkatapos niyang mabuhay muli, lumabas sila sa mga libingan at pumasok sa banal na lungsod. Nagpakita sila roon sa maraming tao.
   
 54Isang kapitan ang naroroon at kasama niya ang mga nagbabantay kay Jesus. Pagkakita nila sa lindol at sa mga bagay na nangyari, lubha silang natakot. Sinabi nila: Totoo ngang ito ang Anak ng Diyos.

Assassination plot against Jesus. Our Gospel for April 16, 2011

John 11:45-56

Many of the Jews who had come to Mary
and seen what Jesus had done began to believe in him. But some of them went to the Pharisees and told them what Jesus had done.  So the chief priests and the Pharisees convened the Sanhedrin and said,
“What are we going to do?  This man is performing many signs. If we leave him alone, all will believe in him, and the Romans will come and take away both our land and our nation.” But one of them, Caiaphas,
who was high priest that year, said to them,
“You know nothing, nor do you consider that it is better for you that one man should die instead of the people, so that the whole nation may not perish.”
He did not say this on his own, but since he was high priest for that year, he prophesied that Jesus was going to die for the nation, and not only for the nation, but also to gather into one the dispersed children of God. 

So from that day on they planned to kill him. So Jesus no longer walked about in public among the Jews, but he left for the region near the desert, to a town called Ephraim, and there he remained with his disciples.

Now the Passover of the Jews was near, and many went up from the country to Jerusalem before Passover to purify themselves. They looked for Jesus and said to one another as they were in the temple area, “What do you think? That he will not come to the feast?”


Ang Banta na Papatayin si Jesus
John 11:45-56
Marami nga sa mga Judio na pumunta kay Maria ang nakakita sa mga bagay na ginawa ni Jesus. Dahil dito, sila ay sumampalataya sa kaniya. Ang ilan sa kanila ay pumunta sa mga Fariseo. Sinabi nila sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus. Ang mga pinunong-saserdote nga at mga Fariseo ay nagtipon ng isang sanggunian.
   Sinabi nila: Ano ang ating ginagawa? Ang taong ito ay gumagawa ng maraming tanda. Kapag pabayaan lang natin siya, ang lahat ng tao ay sasampalataya sa kaniya. Kung magkagayon, ang mga taga-Roma ay darating at aagawin maging ang ating pook at bansa.

   
 Ang isa sa kanila ay si Caifas, ang pinunong-saserdote nang taong iyon. Bilang pinunong-saserdote ay sinabi niya sa kanila: Wala talaga kayong alam. Hindi ninyo pinag-isipan na makakabuti sa atin na mamatay ang isa para sa mga tao. Kung magkagayon, ang buong bansa ay hindi malilipol.
   
 Hindi niya ito sinabi nang sarili niya. Bilang pinunong-saserdote nang taong iyon, inihayag niyang si Jesus ay mamamatay na para sa bansang iyon. Hindi lamang para sa bansang iyon kundi para rin sa mga anak ng Diyos na nangalat. Ito ay upang sila ay tipunin at pag-isahin. Mula nga sa araw na iyon sila ay sumangguni sa isa't isa na siya ay patayin.
   
 Si Jesus nga ay hindi na lumakad ng hayag sa gitna ng mga Judio. Siya ay nagtungo sa isang lalawigang malapit sa ilang, sa lungsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama ang kaniyang mga alagad.
   
 Malapit na ang Paglagpas ng mga Judio. Bago ang Paglagpas, marami ang umahon sa Jerusalem mula sa lalawigan. Ang dahilan ay upang dalisayin ang kanilang mga sarili. Hinanap nga nila si Jesus. Sila ay nag-usap-usap sa kanilang mga sarili habang nakatayo sa templo. Sabi nila: Ano sa palagay ninyo ang dahilan na hindi siya pumunta sa kapistahan?