Sunday, November 14, 2010

Our Gospel for Nov 13. The Power of Prayer.

The Parable of the Persistent Widow

Luke 18:1-8
Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary.
He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being.
And a widow in that town used to come to him and say,‘Render a just decision for me against my adversary.’ For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’”

The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night?

Will he be slow to answer them?
I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily.
But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”


Ang Talinghaga Patungkol sa Matiyagang Balo

Lucas 18:1-8


Nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa kanila upang ipabatid sa kanila na kinakailangang manalangin lagi at huwag manghina. Sinabi niya: Sa isang lungsod ay may isang hukom. Hindi siya natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang tao. Sa lungsod na iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa kaniya. Sinasabi nito: Ipaghiganti mo ako sa aking kalaban.

Sa ilang panahon, ang hukom ay umayaw. Sa bandang huli, sinabi niya sa kaniyang sarili: Hindi ko kinatatakutan ang Diyos at wala akong iginagalang na tao. Ngunit ipaghihiganti ko ang balong ito, kung hindi, papagurin niya ako sa kaniyang patuloy na pagparito.

Sinabi ng Panginoon: Dinggin ninyo kung ano ang sinasabi ng di-makatarungang hukom. Hindi ba ipaghihiganti ng Diyos ang kaniyang mga pinili na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya mapagpasensiya ng lubos sa kanila? Sinasabi ko sa inyo: Agad niya silang ipaghihiganti. Magkagayunman, pagdating ng Anak ng Tao, makasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?