Tuesday, May 10, 2011

The Bread of Life. Our Gospel for May 9,2011


The Bread of Life
John 6:22-29
[After Jesus had fed the five thousand men, his disciples saw him walking on the sea.]
The next day, the crowd that remained across the sea saw that there had been only one boat there,
and that Jesus had not gone along with his disciples in the boat, but only his disciples had left. Other boats came from Tiberias near the place where they had eaten the bread when the Lord gave thanks.
When the crowd saw that neither Jesus nor his disciples were there, they themselves got into boats and came to Capernaum looking for Jesus. And when they found him across the sea they said to him,
“Rabbi, when did you get here?”
Jesus answered them and said,
“Amen, amen, I say to you, you are looking for me not because you saw signs
but because you ate the loaves and were filled. Do not work for food that perishes but for the food that endures for eternal life, which the Son of Man will give you.  For on him the Father, God, has set his seal.” 
So they said to him,
“What can we do to accomplish the works of God?”
Jesus answered and said to them,
“This is the work of God, that you believe in the one he sent.”



Ikaw Jesus ang Tinapay ng Buhay.
Juan 6: 22-29
22Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa kabilang ibayo ng lawa na walang ibang bangka roon. Ang naroroon lang ay ang sinakyan ng mga alagad ni Jesus. Alam nilang hindi sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka at sila lang ang umalis. 23May ibang mga bangkang dumating na mula sa Tiberias. Ito ay malapit sa pook na kung saan sila ay kumain ng tinapay pagkatapos pasalamatan ng Panginoon. 24Nakita nga ng mga tao na wala si Jesus maging ang mga alagad niya. Pagkatapos sumakay rin sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum at hinahanap nila si Jesus.
 25Natagpuan nila siya sa kabilang dako ng lawa. Pagkakita nila, tinanong nila siya: Guro, kailan ka pumunta rito?
   
 26Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hinanap ninyo ako hindi sa dahilang nakita ninyo ang mga tanda. Ang dahilan ay nakakain kayo ng mga tinapay na sebada at nasiyahan.27Huwag kayong gumawa para sa pagkaing nasisira kundi gumawa kayo para sa pagkaing mananatili sa walang hanggang buhay. Ito ay ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.
   
 28Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ang gagawin namin upang aming magawa ang mga gawaing mula sa Diyos?
   
 29Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Ito ang gawain mula sa Diyos, na kayo ay sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama.
   

Sunday, May 8, 2011

We were hoping that he would be the one to redeem Israel.Our Gospel for May 8, 2011

Luke 24:13-35
That very day, the first day of the week,  two of Jesus’ disciples were going to a village seven miles from Jerusalem called Emmaus, and they were conversing about all the things that had occurred. And it happened that while they were conversing and debating, Jesus himself drew near and walked with them, but their eyes were prevented from recognizing him.He asked them, 
“What are you discussing as you walk along?”
They stopped, looking downcast.
One of them, named Cleopas, said to him in reply,
“Are you the only visitor to Jerusalem who does not know of the things that have taken place there in these days?” And he replied to them, “What sort of things?”
They said to him,
“The things that happened to Jesus the Nazarene, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, how our chief priests and rulers both handed him over
to a sentence of death and crucified him. But we were hoping that he would be the one to redeem Israel; and besides all this, it is now the third day since this took place. Some women from our group, however, have astounded us: they were at the tomb early in the morning
and did not find his body; they came back and reported that they had indeed seen a vision of angels who announced that he was alive. Then some of those with us went to the tomb and found things just as the women had described, but him they did not see.” And he said to them, “Oh, how foolish you are! How slow of heart to believe all that the prophets spoke!
Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?”
Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them what referred to him
in all the Scriptures. As they approached the village to which they were going, he gave the impression that he was going on farther. But they urged him, 
“Stay with us, for it is nearly evening and the day is almost over.”
So he went in to stay with them. And it happened that, while he was with them at table,
he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them. With that their eyes were opened and they recognized him, but he vanished from their sight. Then they said to each other, “Were not our hearts burning within us while he spoke to us on the way and opened the Scriptures to us?”
So they set out at once and returned to Jerusalem where they found gathered together
the eleven and those with them who were saying,
“The Lord has truly been raised and has appeared to Simon!”
Then the two recounted  what had taken place on the way and how he was made known to them in the breaking of bread.

Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel.

Lucas 24:13-35 

 13Narito, dalawa sa kanila ay pumunta nang araw ding iyon sa isang nayon na tinatawag na Emaus. May mahigit sa labing-isang kilometro ang layo nito sa Jerusalem. 14Sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15Habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, nangyari na si Jesus ay lumapit at sumama sa kanila. 16Ang kanilang mga mata ay pinapanatiling hindi makakilala sa kaniya.   
 17Sinabi niya sa kanila: Ano ang pinaguusapan ninyo habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mukha?
   
 18Ang isa na nagngangalang Cleopas ay sumagot. Sinabi niya: Ikaw lang ba ang tanging naninirahang pansamantala sa Jerusalem na hindi nakaalam ng nangyari sa mga araw na ito?
   
 19Sinabi niya sa kanila: Anong mga bagay?
   Sinabi nila sa kaniya: Ang mga bagay na patungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Siya ay isang propeta. Sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao siya ay makapangyarihan sa gawa at salita. 20Siya ay ibinigay ng mga pinunong-saserdote at ng mga pinuno namin upang hatulang mamatay at ipako sa krus. 21Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel. Bukod sa mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga bagay na ito. 22Higit pa rito, nagtaka kami sa sinabi sa amin ng ilan sa mga kasama naming babae. Pumunta sila nang maaga sa libingan. 23Sila ay pumunta sa amin nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus. Sinabi rin nila na sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel. Ang mga anghel ay nagsabi: Siya ay buhay. 24Ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan. Nakita nila ang tulad ng sinabi ng mga babae ngunit hindi nila nakita si Jesus.
   
 25Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.
   
 28Sila ay papalapit na sa kanilang pupuntahan at siya ay waring pupunta pa sa malayo. 29Siya ay pinilit nila at sinabi: Manatili ka na muna sa amin sapagkat gumagabi na at patapos na ang araw. At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.
   
 30At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala. Pagkaputol niya nito, ibinigay niya ito sa kanila. 31At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya. At siya ay naglaho mula sa kanila. 32Sinabi nila sa isa't isa: Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan? Hindi ba nag-aalab ito habang ipinaliliwanag niya sa atin ang mga kasulatan?
   
 33At nang oras ding iyon, bumangon sila at bumalik sa Jerusalem. Nasumpungan nilang sama-samang nagkakatipon ang labing-isang alagad at ang kanilang mga kasama. 34Sinabi nila: Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon. 35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.



Saturday, May 7, 2011

"It is I.Do not be afraid." Our Gospel for May 7, 2011.

John 6:16-21
When it was evening, the disciples of Jesus went down to the sea, embarked in a boat, and went across the sea to Capernaum. It had already grown dark, and Jesus had not yet come to them. The sea was stirred up because a strong wind was blowing. When they had rowed about three or four miles, they saw Jesus walking on the sea and coming near the boat, and they began to be afraid. But he said to them, 
“It is I. Do not be afraid.”
They wanted to take him into the boat, 
but the boat immediately arrived at the shore to which they were heading.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
John 6:16-21
 Nang magtakipsilim na, lumusong ang kaniyang mga alagad sa lawa. Sumakay sila sa bangka. Sila ay papatawid ng lawa patungong Capernaum. Dumilim na at hindi pa nila kasama si Jesus. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, ang lawa ay naging maalon. Nang sila ay nakagaod na ng may lima o anim na kilometro nakita nila si Jesus. 
Siya ay lumalakad sa ibabaw ng lawa papalapit sa bangka at sila ay natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila: Ako ito, huwag kayong matakot. Malugod nga nilang pinasakay si Jesus sa bangka. Kapagdaka, ang bangka ay nasa lupa na ng kanilang pupuntahan.

Five loaves, two fish.Our Gospel for May 6, 2011

John 6:1-15


Jesus went across the Sea of Galilee. A large crowd followed him, because they saw the signs he was performing on the sick.
Jesus went up on the mountain, and there he sat down with his disciples. 
The Jewish feast of Passover was near. When Jesus raised his eyes and saw that a large crowd was coming to him,
he said to Philip, 

“Where can we buy enough food for them to eat?”


He said this to test him, because he himself knew what he was going to do. Philip answered him,
“Two hundred days’ wages worth of food would not be enough for each of them to have a little.”
One of his disciples, Andrew, the brother of Simon Peter, said to him,
“There is a boy here who has five barley loaves and two fish;
but what good are these for so many?”
Jesus said, 

“Have the people recline.” 
Now there was a great deal of grass in that place.  So the men reclined, about five thousand in number. Then Jesus took the loaves, gave thanks, and distributed them to those who were reclining, and also as much of the fish as they wanted. When they had had their fill, he said to his disciples,
“Gather the fragments left over, so that nothing will be wasted.”
So they collected them, and filled twelve wicker baskets with fragments from the five barley loaves that had been more than they could eat.



When the people saw the sign he had done, they said, “This is truly the Prophet, the one who is to come into the world.”  Since Jesus knew that they were going to come and carry him off to make him king, he withdrew again to the mountain alone.








Ang Pagpapakain ni Jesus sa Limang Libong Lalaki


Juan 6:1-15




 1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa lawa ng Galilea. Ito ay ang lawa ng Tiberias. 2Maraming mga tao ang sumunod sa kaniya dahil nakita nila ang mga tanda na kaniyang ginawa sa mga maysakit. 3Si Jesus ay umakyat sa bundok at umupo roon na kasama ng kaniyang mga alagad. 4Malapit na ang araw ng Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio.
   
 5Nang tumingin si Jesus sa paligid, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kaniya. Sinabi niya kay Felipe: Saan tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga ito? 6Sinabi niya ito upang subukin si Felipe sapagkat alam na niya kung ano ang kaniyang gagawin.

   
 7Sumagot si Felipe sa kaniya: Ang dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.

   
 8Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya: 9Mayroong isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang maliit na isda. Gasino na ito sa ganitong karaming tao?

   
 10Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo. 11Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya ito sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga nila sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa sa mga isda, ito ay ipinamahagi gaano man ang kanilang ibigin.

   
 12Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis na bahagi upang walang masayang. 13Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bakol ng bahaging mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga kumain.

   
 14Nakita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus. Dahil dito kanilang sinabi: Totoong ito na nga ang propeta na darating sa sanlibutan. 15Nalaman ni Jesus na sila ay papalapit at siya ay susunggaban upang gawing hari. Dahil dito siya ay umalis at pumuntang muli na nag-iisa sa bundok.

Thursday, May 5, 2011

Whoever believes in the Son has eternal life. Our Gospel for May 5, 2011



John 3:31-36

The one who comes from above is above all.
The one who is of the earth is earthly and speaks of earthly things. But the one who comes from heaven is above all.
He testifies to what he has seen and heard, but no one accepts his testimony. Whoever does accept his testimony certifies that God is trustworthy. For the one whom God sent speaks the words of God. He does not ration his gift of the Spirit. The Father loves the Son and has given everything over to him.
Whoever believes in the Son has eternal life, but whoever disobeys the Son will not see life, but the wrath of God remains upon him.

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. 

Juan 3:31-36

31Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat. 32Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo. 33Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo. 34Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat. 35Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. 36Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.