Thursday, April 14, 2011

"Whoever keeps my word will never see death." Our Gospel for April 14, 2011

John 8:51-59

Jesus said to the Jews:
“Amen, amen, I say to you,
whoever keeps my word will never see death.”
So the Jews said to him,
“Now we are sure that you are possessed.
Abraham died, as did the prophets, yet you say,
‘Whoever keeps my word will never taste death.’
Are you greater than our father Abraham, who died?
Or the prophets, who died?
Who do you make yourself out to be?”
Jesus answered, “If I glorify myself, my glory is worth nothing;but it is my Father who glorifies me,
of whom you say, ‘He is our God.’
You do not know him, but I know him.
And if I should say that I do not know him,
I would be like you a liar. But I do know him and I keep his word. Abraham your father rejoiced to see my day;he saw it and was glad.” So the Jews said to him,
“You are not yet fifty years old and you have seen Abraham?” Jesus said to them,
“Amen, amen, I say to you, before Abraham came to be, I AM.”
So they picked up stones to throw at him;
but Jesus hid and went out of the temple area.

"Ang sinumang tutupad sa aking salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman."

Juan 8:51-59

51Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang tutupad sa aking salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman.
   
 52Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Ngayon ay alam na namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay. Sinasabi mo na kung ang sinuman ay tutupad ng iyong salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman. 53Mas dakila ka pa ba kaysa sa aming amang si Abraham? Siya ay namatay, gayundin ang mga propeta. Ano ba ang palagay mo sa iyong sarili?
   
 54Sumagot si Jesus: Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang lumuluwalhati sa akin. Siya ang sinasabi ninyong inyong Diyos. 55Hindi ninyo siya kilala ngunit kilala ko siya. Kapag sinabi kong hindi ko siya kilala ay magiging sinungaling akong tulad ninyo. Kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita. 56Ang inyong amang si Abraham ay nagalak na makita niya ang aking araw. Nakita niya ito at siya ay natuwa.
   
 57Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala ka pang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham?
   
 58Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bago pa si Abraham ay ako na. 59Dumampot nga sila ng mga bato upang siya ay batuhin ngunit si Jesus ay nagtago. Sa paglabas niya sa templo ay dumaan siya sa kalagitnaan nila sa ganoong paraan.


Wednesday, April 13, 2011

I did not come on my own but He sent me. Our Gospel for April 13, 2011

John 8:31-42

Jesus said to those Jews who believed in him,
“If you remain in my word, you will truly be my disciples, and you will know the truth, and the truth will set you free.”
They answered him, “We are descendants of Abraham
and have never been enslaved to anyone.
How can you say, ‘You will become free’?”
Jesus answered them, “Amen, amen, I say to you,
everyone who commits sin is a slave of sin.
A slave does not remain in a household forever,
but a son always remains.
So if the Son frees you, then you will truly be free.
I know that you are descendants of Abraham.
But you are trying to kill me, because my word has no room among you. I tell you what I have seen in the Father’s presence; then do what you have heard from the Father.” They answered and said to him, “Our father is Abraham.”
Jesus said to them, “If you were Abraham’s children,
you would be doing the works of Abraham.
But now you are trying to kill me, a man who has told you the truth that I heard from God;
Abraham did not do this.
You are doing the works of your father!”
So they said to him, “We were not born of fornication.
We have one Father, God.”
Jesus said to them, “If God were your Father, you would love me, for I came from God and am here;
I did not come on my own, but he sent me.”

Hindi ako narito sa aking sarili kundi sinugo niya ako.

Juan 8:31-42

Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.
   
Sila ay sumagot sa kaniya: Kami ay lahi ni Abraham at kailanman ay hindi naging alipin ninuman. Papaano mo nasabi na kami ay magiging malaya?
   
Sumagot si Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay magpakailanman. Ang anak ay nananatili magpakailanman. Kung palalayain nga kayo ng anak, tunay na kayo ay magiging malaya. Nalalaman ko na kayo ay lahi ni Abraham ngunit naghahanap kayo ng pagkakataon na ako ay patayin. Ito ay sapagkat ang aking salita ay walang puwang sa inyo. Sinasabi ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama. Ginagawa naman ninyo ang mga bagay na nakita ninyo sa inyong ama.
   
Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Si Abraham ang aming ama. Sinabi ni Jesus sa kanila: Yamang kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham. Ngunit ngayon ay naghahanap kayo ng pagkakataon upang ako ay patayin. Ako ang taong nagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Ito ay hindi ginawa ni Abraham. Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama.
   
Sinabi nga nila sa kaniya: Kami ay hindi ipinanganak sa pakikiapid. Kami ay mayroong isang ama, ang Diyos.

Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Kung ang Diyos ang inyong Ama, ibigin sana ninyo ako sapagkat ako ay nagmula at dumating mula sa Diyos. Hindi ako narito sa aking sarili kundi sinugo niya ako.

Tuesday, April 12, 2011

Where I am going you cannot come. Our Gospel for April 12, 2011

John 8:21-30

Jesus said to the Pharisees:
“I am going away and you will look for me,
but you will die in your sin.
Where I am going you cannot come.”
So the Jews said,
“He is not going to kill himself, is he,
because he said, ‘Where I am going you cannot come’?”
He said to them, “You belong to what is below,
I belong to what is above.
You belong to this world,
but I do not belong to this world.
That is why I told you that you will die in your sins.
For if you do not believe that I AM,
you will die in your sins.”
So they said to him, “Who are you?”
Jesus said to them, “What I told you from the beginning.
I have much to say about you in condemnation.
But the one who sent me is true,
and what I heard from him I tell the world.”
They did not realize that he was speaking to them of the Father.
So Jesus said to them,
“When you lift up the Son of Man,
then you will realize that I AM,
and that I do nothing on my own,
but I say only what the Father taught me.
The one who sent me is with me.
He has not left me alone,
because I always do what is pleasing to him.”
Because he spoke this way, many came to believe in him.

Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan.

Juan 8:21-30


Muling sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ay aalis at hahanapin ninyo ako. Kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan.
   
Sinabi nga ng mga Judio: Magpapakamatay ba siya kaya niya sinabi: Sa aking pupuntahan ay hindi kayo makakapunta?
   
Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay hindi taga-sanlibutan. Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
   
Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba?
   Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako yaong sinabi ko sa inyo nang pasimula pa. Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo. Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan.
   
 Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa nang sa sarili ko. Subalit kung papaano ako tinuturuan ng Ama ay gayunding sinasabi ko ang mga bagay na ito. Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya. Habang sinabi niya ang mga bagay na ito, marami ang sumampalataya sa kaniya.

Monday, April 11, 2011

Who among you is without sin? Our Gospel for April 11, 2011

John 8:1-11

Jesus went to the Mount of Olives.
But early in the morning he arrived again in the temple area, and all the people started coming to him,
and he sat down and taught them.
Then the scribes and the Pharisees brought a woman
who had been caught in adultery  and made her stand in the middle.They said to him,
“Teacher, this woman was caught
in the very act of committing adultery. Now in the law, Moses commanded us to stone such women.
So what do you say?”
They said this to test him,
so that they could have some charge to bring against him. Jesus bent down and began to write on the ground with his finger. But when they continued asking him, he straightened up and said to them,
“Let the one among you who is without sin
be the first to throw a stone at her.”
Again he bent down and wrote on the ground.
And in response, they went away one by one,
beginning with the elders.
So he was left alone with the woman before him.
Then Jesus straightened up and said to her,
“Woman, where are they? Has no one condemned you?” She replied, “No one, sir.”
Then Jesus said, “Neither do I condemn you.
Go, and from now on do not sin any more.”

Ang Babaeng Nagkakasala ng Pangangalunya
Juan 8:1-11 
Si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Sa pagbubukang-liwayway, siya ay muling pumunta sa templo. Ang lahat ng mga tao ay lumapit sa kaniya. Siya ay umupo at tinuruan sila. Dinala sa kaniya ng mga guro ng kautusan at ng mga Fariseo ang isang babae na nahuling nangangalunya. Inilagay nila siya sa kalagitnaan. Sinabi nila sa kaniya: Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa paggawa ng pangangalunya. Iniutos sa amin ni Moises sa kautusan na batuhin ang katulad nito. Ano ang masasabi mo? Ito ay kanilang sinabi upang subukin siya nang mayroon silang maiparatang laban sa kaniya.
   Yumukod si Jesus, sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang daliri. Sa patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumindig siya. Sinabi niya sa kanila: Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya. Siya ay muling yumukod at sumulat sa lupa.
   
  Sila na nakarinig nito ay sinumbatan ng kanilang mga budhi. Dahil dito, sila ay isa-isang lumabas, simula sa matatanda hanggang sa kahuli-hulihan. Naiwan si Jesus gayundin ang babae na nakatayo sa kalagitnaan. Nang tumindig si Jesus ay wala siyang nakita maliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo?
   
  Sinabi niya: Wala, Ginoo.
   Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.

This is for you! A Love letter from God.