Saturday, March 26, 2011

The Parable of the Lost Son. Our Gospel for March 26, 2011

 Lk 15:1-3, 11-32

Tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus,but the Pharisees and scribes began to complain, saying,“This man welcomes sinners and eats with them.” So to them Jesus addressed this parable. “A man had two sons, and the younger son said to his father,‘Father, give me the share of your estate that should come to me.’
So the father divided the property between them.
After a few days, the younger son collected all his belongings and set off to a distant country where he squandered his inheritance on a life of dissipation.
 
When he had freely spent everything, a severe famine struck that country, and he found himself in dire need.
So he hired himself out to one of the local citizens
who sent him to his farm to tend the swine.
And he longed to eat his fill of the pods on which the swine fed, but nobody gave him any.Coming to his senses he thought, ‘How many of my father’s hired workers have more than enough food to eat, but here am I, dying from hunger. I shall get up and go to my father and I shall say to him,“Father, I have sinned against heaven and against you. I no longer deserve to be called your son; treat me as you would treat one of your hired workers.”’ So he got up and went back to his father.
While he was still a long way off, his father caught sight of him, and was filled with compassion. He ran to his son, embraced him and kissed him.
His son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you; I no longer deserve to be called your son.’ But his father ordered his servants,
‘Quickly, bring the finest robe and put it on him;
put a ring on his finger and sandals on his feet.
Take the fattened calf and slaughter it. Then let us celebrate with a feast, because this son of mine was dead, and has come to life again; he was lost, and has been found.’ Then the celebration began.
Now the older son had been out in the field
and, on his way back, as he neared the house,
he heard the sound of music and dancing.
He called one of the servants and asked what this might mean. The servant said to him,
‘Your brother has returned and your father has slaughtered the fattened calf because he has him back safe and sound.’ He became angry,and when he refused to enter the house, his father came out and pleaded with him. He said to his father in reply,
‘Look, all these years I served you
and not once did I disobey your orders;
yet you never gave me even a young goat to feast on with my friends. But when your son returns
who swallowed up your property with prostitutes,
for him you slaughter the fattened calf.’
He said to him, ‘My son, you are here with me always;
everything I have is yours. But now we must celebrate and rejoice, because your brother was dead and has come to life again; he was lost and has been found.’”

Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
Lucas 15:1-3,11-32
 11Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan. 

   
 13Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. 14Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. 15Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
   
 17Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. 19Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
   
 21Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
   
 22Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.
   
 25At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. 26Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. 27Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.
   
 28Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot.
   
 31Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.


Friday, March 25, 2011

The Handmaid of the Lord. Our Gospel for March 25, 2011

Luke 1:26-38

The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth,to a virgin betrothed to a man named Joseph,of the house of David,and the virgin’s name was Mary.And coming to her, he said,“Hail, full of grace! The Lord is with you.”But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be.Then the angel said to her,“Do not be afraid, Mary,for you have found favor with God.

Behold, you will conceive in your womb and bear a son,and you shall name him Jesus.He will be great and will be called Son of the Most High,and the Lord God will give him the throne of David his father,and he will rule over the house of Jacob forever,and of his Kingdom there will be no end. ”But Mary said to the angel,“How can this be, since I have no relations with a man?” 
And the angel said to her in reply,“The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you.Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God. And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren; for nothing will be impossible for God.”
Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord.
May it be done to me according to your word.”
Then the angel departed from her.

Ang aliping babae ng Panginoon 

Lucas 1:26-38

Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea. Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria. Paglapit ng anghel ay sinabi sa kaniya: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan.
Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kaniyang salita at pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bati ito. Sinabi ng anghel sa kaniya: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ninuno. Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.
   
Sinabi ni Maria sa anghel: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?
    
Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kaniyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.
   
Sinabi ni Maria: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.

Thursday, March 24, 2011

The rich man and Lazarus. Our Gospel for March 24, 2011

Luke 16:19-31

Jesus said to the Pharisees:
“There was a rich man who dressed in purple garments and fine linen and dined sumptuously each day. And lying at his door was a poor man named Lazarus, covered with sores,who would gladly have eaten his fill of the scraps that fell from the rich man’s table.Dogs even used to come and lick his sores.
When the poor man died, he was carried away by angels to the bosom of Abraham.
 
The rich man also died and was buried,
and from the netherworld, where he was in torment,
he raised his eyes and saw Abraham far off
and Lazarus at his side. And he cried out, ‘Father Abraham, have pity on me. Send Lazarus to dip the tip of his finger in water and cool my tongue,for I am suffering torment in these flames.’
Abraham replied, ‘My child,remember that you received what was good during your lifetime while Lazarus likewise received what was bad;but now he is comforted here, whereas you are tormented. Moreover, between us and you a great chasm is established to prevent anyone from crossing who might wish to go from our side to yours or from your side to ours.’
 
He said, ‘Then I beg you, father, send him
to my father’s house,for I have five brothers, so that he may warn them,lest they too come to this place of torment.’But Abraham replied, ‘They have Moses and the prophets. Let them listen to them.’
He said, ‘Oh no, father Abraham,but if someone from the dead goes to them, they will repent.’ 
Then Abraham said, ‘If they will not listen to Moses and the prophets, neither will they be persuaded if someone should rise from the dead.’”

Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro
Lucas 16:19-31 
May isang lalaking mayaman. Nakadamit siya ng kulay ube at pinong lino. Namumuhay siya sa karangyaan araw-araw. Mayroon doong isang lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay puno ng galis. Inilagay siya sa tarangkahan ng mayaman. Mahigpit niyang hinangad na mabusog mula sa mga mumong nahulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Ngunit maging ang mga aso na lumalapit ay humihimod ng kaniyang mga galis. 
Nangyari nga na ang lalaking dukha ay namatay. Siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Ang lalaking mayaman ay namatay din at inilibing. Sa Hades siya ay naghihirap. Sa paghihirap niya ay itinanaw niya ang kaniyang paningin. Nakita niya sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang piling. Tumawag siya nang malakas: Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito.
   
Ngunit sinabi ni Abraham: Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid.
    
Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama. Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusa.
   
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila.
   
Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay.
   
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.


Wednesday, March 23, 2011

Not to be served but to serve. Our Gospel for March 23, 2011

Matthew 20:17-28

As Jesus was going up to Jerusalem,
he took the Twelve disciples aside by themselves,
and said to them on the way,
“Behold, we are going up to Jerusalem,
and the Son of Man will be handed over to the chief priests
and the scribes,
and they will condemn him to death,
and hand him over to the Gentiles
to be mocked and scourged and crucified,
and he will be raised on the third day.”
Then the mother of the sons of Zebedee approached Jesus with her sons
and did him homage, wishing to ask him for something.
He said to her, “What do you wish?”
She answered him,
“Command that these two sons of mine sit,
one at your right and the other at your left, in your kingdom.”
Jesus said in reply,
“You do not know what you are asking.
Can you drink the chalice that I am going to drink?”
They said to him, “We can.”
He replied,
“My chalice you will indeed drink,
but to sit at my right and at my left,
this is not mine to give
but is for those for whom it has been prepared by my Father.”
When the ten heard this,
they became indignant at the two brothers.
But Jesus summoned them and said,
“You know that the rulers of the Gentiles lord it over them,
and the great ones make their authority over them felt.
But it shall not be so among you.
Rather, whoever wishes to be great among you shall be your servant;
whoever wishes to be first among you shall be your slave.
Just so, the Son of Man did not come to be served but to serve
and to give his life as a ransom for many.”

Naparito hindi upang Paglingkuran kundi upang Maglingkod.

Mateo 20:17-28

Nang umaahon si Jesus patungong Jerusalem, isinama niya ang labindalawang alagad. Sa daan, ibinukod niya sila at sinabi: Narito, tayo ay aahon sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga pinunong-saserdote at sa mga guro ng kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan. Ibibigay siya sa mga Gentil upang kutyain, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.

Nang magkagayon, lumapit kay Jesus ang ina ng mga anak ni Zebedeo kasama ang kaniyang mga anak na lalaki, na sumasamba at may hinihingi sa kaniya.
     
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ano ang ibig mo?
   Sinabi niya sa kaniya: Sabihin mo na ang dalawang kong anak ay maupo sa iyong kanan at sa iyong kaliwa, sa iyong paghahari.
    
Ngunit sumagot si Jesus: Hindi mo nalalaman kung ano ang iyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang sarong malapit ko nang iinuman? Mababawtismuhan ba kayo ng bawtismong ibabawtismo sa akin?
   Sinabi nila sa kaniya: Kaya namin.
    
Sinabi niya sa kanila: Makakainom kayo sa aking saro at mababawtismuhan ng bawtismong ibinawtismo sa akin. Ngunit ang pag-upo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi sa akin ang pagkakaloob. Ito ay ipagkakaloob sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.
     
Nang marinig ito ng sampu, lubha silang nagalit sa magkapatid. Ngunit tinawag sila ni Jesus at sinabi: Nalalaman ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila. Sila na mga dakila ang may malaking kapamahalaan sa kanila. Ngunit hindi dapat maging gayon sa inyo. Sa halip, ang sinumang ibig maging dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. 

Sinumang ibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo. Maging katulad siya ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at magbigay ng kaniyang buhay na pantubos sa marami.

Tuesday, March 22, 2011

Practice what you Preach. Our Gospel for March 22, 2011

Matthew 23:1-12

 Jesus spoke to the crowds and to his disciples, saying,
“The scribes and the Pharisees have taken their seat on the chair of Moses. Therefore, do and observe all things whatsoever they tell you, but do not follow their example. For they preach but they do not practice.
 
They tie up heavy burdens hard to carry and lay them on people’s shoulders, but they will not lift a finger to move them. All their works are performed to be seen.
They widen their phylacteries and lengthen their tassels.They love places of honor at banquets, seats of honor in synagogues, greetings in marketplaces, and the salutation ‘Rabbi.’ 

As for you, do not be called ‘Rabbi.’ You have but one teacher, and you are all brothers. Call no one on earth your father; you have but one Father in heaven. Do not be called ‘Master’; you have but one master, the Christ. The greatest among you must be your servant.

Whoever exalts himself will be humbled;
but whoever humbles himself will be exalted.”

Mag-ingat sa mga Mapagpaimbabaw

Mateo 23:1-12
Pagkatapos, si Jesus ay nagsalita sa napakaraming tao at sa kaniyang mga alagad. Kaniyang sinabi: Ang mga guro ng kautusan at ang mga Fariseo ay umupo sa upuan ni Moises. Lahat nga ng kanilang sabihin sa inyo upang sundin ay inyong sundin at gawin. Ngunit huwag ninyong gawin ang kanilang mga ginagawa sapagkat sila ay nagsasalita ngunit hindi gumagawa. 
Ito ay sapagkat sila ay nagtatali ng mga mabibigat na pasanin na mahirap dalhin at inilalagay sa mga balikat ng mga tao. Ngunit ayaw man lamang nila itong maigalaw ng kanilang mga daliri.
Lahat ng kanilang mga gawa ay kanilang ginagawa upang makita ng mga tao. Iyan ang dahilan na pinalalapad nila ang kanilang mga pilakterya at pinalalaki ang mga laylayan ng kanilang mga damit. 

Inibig nila ang pangunahing dako sa mga hapunan at ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga. Inibig din nila ang mga pagpupugay sa mga pamilihang dako at sila ay tawagin: Guro! Guro!
    

Huwag kayong patawag sa mga tao na guro sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo, at kayong lahat ay magkakapatid.Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. Huwag kayong patawag na mga pinuno sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo. Ngunit ang higit na dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. 

Ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba sa kaniyang sarili ay itataas.