Monday, May 2, 2011

Peace be with you. Our Gospel for May 1, 2011



John 20:19-31

On the evening of that first day of the week, when the doors were locked, where the disciples were, for fear of the Jews,
Jesus came and stood in their midst and said to them, 
“Peace be with you.”
When he had said this, he showed them his hands and his side. The disciples rejoiced when they saw the Lord.
Jesus said to them again, 
“Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you.”
And when he had said this, 
he breathed on them and said to them,
“Receive the Holy Spirit. Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained.”
Thomas, called Didymus, one of the Twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples said to him, “We have seen the Lord.”
But he said to them,
“Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger into the nailmarks and put my hand into his side, I will not believe.” 
Now a week later his disciples were again inside and Thomas was with them. Jesus came, although the doors were locked,and stood in their midst and said, 
“Peace be with you.”
Then he said to Thomas, 
“Put your finger here and see my hands, and bring your hand and put it into my side, and do not be unbelieving, but believe.”
Thomas answered and said to him, 
“My Lord and my God!”
Jesus said to him, 
“Have you come to believe because you have seen me?
Blessed are those who have not seen and have believed.”

Now, Jesus did many other signs in the presence of his disciples that are not written in this book. But these are written that you may come to believe that Jesus is the Christ, the Son of God, and that through this belief you may have life in his name.



Nagpakita si Jesus sa Kaniyang mga Alagad
Juan 20:19-31

 Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo, nagtipon ang mga alagad. Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot nila sa mga Judio at dumating si Jesus at tumayo sa kanilang kalagitnaan. Sinabi sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. Kaya nga, nagalak ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.
   
 Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano ako isinugo ng Ama, gayundin, isinusugo ko kayo. Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa kanila. Ang kaninumang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito ay hindi pinatatawad.

Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Jesus. inabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita namin ang Panginoon.
   Sinabi niya sa kanila: Malibang makita ko ang tanda ng mga pako sa kaniyang mga kamay at mailagay ko ang aking mga daliri roon, at maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, kailanman ay hindi ako maniniwala. 

   
 Makalipas ang walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit na nakapinid ang mga pinto dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. At sinabi niya: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkatapos noon, sinabi niya kay Tomas: Ilagay mo ang iyong daliri rito at tingnan mo ang aking mga kamay. Iabot mo ang iyong kamay rito at ipasok sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, kundi sumampalataya ka.
   
 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos.
   
 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.
   
 Marami pang ibang mga tanda ang ginawa ni Jesus sa harapan ng kaniyang mga alagad. Ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay sinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. At ang mga ito ay sinulat upang pagkatapos ninyong sumampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.


Saturday, April 30, 2011

Proclaim the Gospel to every creature. Our Gospel for April 30, 2011

Mark 16:9-15




When Jesus had risen, early on the first day of the week,
he appeared first to Mary Magdalene, out of whom he had driven seven demons. She went and told his companions who were mourning and weeping. When they heard that he was alive and had been seen by her, they did not believe.

After this he appeared in another form to two of them walking along on their way to the country. They returned and told the others; but they did not believe them either.

But later, as the Eleven were at table, he appeared to them
and rebuked them for their unbelief and hardness of heart
because they had not believed those who saw him after he had been raised. He said to them, 

“Go into the whole world and proclaim the Gospel to every creature.”

Ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha.

Marcos 16:9-15

9Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babaeng na may pitong demonyo na pinalabas ni Jesus. 

10Umalis si Maria at isinalaysay ito sa mga naging kasama ni Jesus na namimighati at tumatangis. 11Isinalaysay niya na si Jesus ay buhay at kaniyang nakita. Ngunit nang marinig nila ito, hindi nila ito pinaniwalaan.
  
 12Pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakita si Jesus sa dalawang alagad sa ibang kaanyuan. Siya ay nagpakita habang ang mga ito ay naglalakad patungo sa kanilang bukid. 13Nang bumalik sila ay isinalaysay nila ito sa mga iba nilang kasama. Hindi rin sila naniwala sa kanila.



 14Pagkatapos nito, nagpakita siya sa labing-isang alagad habang sila ay nakadulog sa hapag kainan. Pinagwikaan niya sila sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso. Ito ay sapagkat hindi nila pinaniwalaan ang mga salita ng mga nakakita sa kaniya na muling nabuhay.  
 15Sinabi niya sa kanila: Humayo kayo sa buong sanlibutan. Ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha.

Third appearance. Our Gospel for April 29, 2011



John 21:1-14


Jesus revealed himself again to his disciples at the Sea of Tiberias. He revealed himself in this way. Together were Simon Peter, Thomas called Didymus, Nathanael from Cana in Galilee, Zebedee’s sons, and two others of his disciples. Simon Peter said to them, “I am going fishing.” They said to him, “We also will come with you.” So they went out and got into the boat, but that night they caught nothing. When it was already dawn, Jesus was standing on the shore; but the disciples did not realize that it was Jesus. Jesus said to them, 
“Children, have you caught anything to eat?”
They answered him, “No.”
So he said to them, 
“Cast the net over the right side of the boat and you will find something.”
So they cast it, and were not able to pull it in because of the number of fish. So the disciple whom Jesus loved said to Peter, 
“It is the Lord.”
When Simon Peter heard that it was the Lord, he tucked in his garment, for he was lightly clad, and jumped into the sea. The other disciples came in the boat, for they were not far from shore, only about a hundred yards, dragging the net with the fish. When they climbed out on shore, they saw a charcoal fire with fish on it and bread. Jesus said to them, “Bring some of the fish you just caught.”
So Simon Peter went over and dragged the net ashore full of one hundred fifty-three large fish. Even though there were so many, the net was not torn. Jesus said to them, 
“Come, have breakfast.”
And none of the disciples dared to ask him, 
“Who are you?”
because they realized it was the Lord. Jesus came over and took the bread and gave it to them, and in like manner the fish. This was now the third time Jesus was revealed to his disciples after being raised from the dead.



Si Jesus at ang Mahimalang Paghuli ng Isda
Juan 21:1-14
1Pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakitang muli si Jesus sa kaniyang mga alagad sa lawa ng Tiberias. Ganito siya nagpakita: 2Magkakasama sina Simon Pedro at Tomas na tinatawag na Kambal at si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pang mga alagad. 3Sinabi ni Simon Pedro sa kanila: Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya: Sasama rin kami sa iyo. Lumabas sila mula roon at agad-agad na sumakay sa bangka. Wala silang nahuli nang gabing iyon.  
 4Nang magbubukang-liwayway na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat. Gayunman, hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus.

  
 5Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Mga anak, may pagkain ba kayo?
   Sumagot sila sa kaniya: Wala.

  
 6At sinabi niya sa kanila: Ihagis ninyo ang lambat sa dakong kanan ng bangka at makakasumpong kayo. Inihagis nga nila at hindi na nila kayang hilahin ang kanilang lambat dahil sa dami ng isda.

  
 7Kaya ang alagad na iyon na inibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro: Ang Panginoon iyon. Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-itaas na damit dahil siya ay nakahubad. At tumalon siya sa lawa. 8Ang ibang mga alagad ay dumating na sakay ng maliit na bangka. Hinihila nila ang lambat na may mga isda sapagkat hindi gaanong malayo sa pampang kundi may dalawang-daang siko lamang ang layo mula sa lupa. 9Pagkalunsad nila sa lupa, nakakita sila ng mga nagbabagang uling. May mga isdang nakapatong doon. May mga tinapay rin.

  
 10Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga isda na ngayon lang ninyo nahuli.

  
 11Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa dalampasigan. Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda. Isang daan at limampu't tatlo ang kanilang bilang. Kahit na ganoon karami ang isda, hindi napunit ang lambat.12Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo at mag-agahan. Walang sinuman sa mga alagad ang naglakas ng loob na magtanong kung sino siya dahil alam nila na siya ang Panginoon. 13Kaya nga, lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. 14Ito na ang ikatlong ulit na nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.

Thursday, April 28, 2011

It is written. Our Gospel for April 28, 2011


Luke 24:35-48

The disciples of Jesus recounted what had taken place along the way, and how they had come to recognize him in the breaking of bread.

While they were still speaking about this, he stood in their midst and said to them,
“Peace be with you.”
But they were startled and terrified and thought that they were seeing a ghost. Then he said to them, 

“Why are you troubled? And why do questions arise in your hearts? Look at my hands and my feet, that it is I myself.
Touch me and see, because a ghost does not have flesh and bones as you can see I have.”
And as he said this, he showed them his hands and his feet.
While they were still incredulous for joy and were amazed,
he asked them, 
“Have you anything here to eat?”
They gave him a piece of baked fish; he took it and ate it in front of them. 
He said to them,
“These are my words that I spoke to you while I was still with you, that everything written about me in the law of Moses and in the prophets and psalms must be fulfilled.”
Then he opened their minds to understand the Scriptures.

And he said to them,
“Thus it is written that the Christ would suffer and rise from the dead on the third day and that repentance, for the forgiveness of sins, would be preached in his name
to all the nations, beginning from Jerusalem.
You are witnesses of these things.”





Ito ay nasusulat. 
Lucas 24:35-48 

35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.


 36Habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus sa gitna nila. Sinabi niya sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo.   
 37Sa kanilang pagkasindak at pagkatakot, inakala nilang nakakita sila ng isang espiritu. 38Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo naguguluhan? Bakit kayo nagkakaroon ng mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso? 39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.

   
 40Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. 41Ngunit hindi sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha. Habang sila ay nasa ganitong kalagayan, sinabi niya sa kanila: Mayroon ba kayong anumang makakain dito? 42Binigyan nila siya ng bahagi ng inihaw na isda at pulot. 43Pagkakuha niya, kumain siya sa harapan nila.

44Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.
45Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan.


46Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. 48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.


Wednesday, April 27, 2011

In the breaking of the bread. Our Gospel for April 27, 2011

Luke 24:13-35


That very day, the first day of the week,
two of Jesus’ disciples were going to a village seven miles from Jerusalem called Emmaus, and they were conversing about all the things that had occurred. And it happened that while they were conversing and debating, Jesus himself drew near and walked with them, but their eyes were prevented from recognizing him. He asked them, 
“What are you discussing as you walk along?”
They stopped, looking downcast. One of them, named Cleopas, said to him in reply,
“Are you the only visitor to Jerusalem who does not know of the things that have taken place there in these days?”

And he replied to them, “What sort of things?”
They said to him, 
“The things that happened to Jesus the Nazarene, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, how our chief priests and rulers both handed him over to a sentence of death and crucified him.


But we were hoping that he would be the one to redeem Israel; and besides all this, it is now the third day since this took place. Some women from our group, however, have astounded us: they were at the tomb early in the morning 
and did not find his Body;they came back and reported
that they had indeed seen a vision of angels who announced that he was alive. Then some of those with us went to the tomb and found things just as the women had described,
but him they did not see.” And he said to them, 

“Oh, how foolish you are!
How slow of heart to believe all that the prophets spoke!
Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?”
Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them what referred to him in all the Scriptures. As they approached the village to which they were going, he gave the impression that he was going on farther. But they urged him, 

“Stay with us, for it is nearly evening and the day is almost over.”
So he went in to stay with them. And it happened that, while he was with them at table, he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them.


With that their eyes were opened and they recognized him,
but he vanished from their sight.
Then they said to each other,
“Were not our hearts burning within us while he spoke to us on the way and opened the Scriptures to us?”
So they set out at once and returned to Jerusalem where they found gathered together the Eleven and those with them who were saying,
“The Lord has truly been raised and has appeared to Simon!”
Then the two recounted what had taken place on the way
and how he was made known to them in the breaking of the bread.



Sa pagputol ng tinapay
Lucas 24:13-35

 13Narito, dalawa sa kanila ay pumunta nang araw ding iyon sa isang nayon na tinatawag na Emaus. May mahigit sa labing-isang kilometro ang layo nito sa Jerusalem. 14Sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15Habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, nangyari na si Jesus ay lumapit at sumama sa kanila. 16Ang kanilang mga mata ay pinapanatiling hindi makakilala sa kaniya.   
 17Sinabi niya sa kanila: Ano ang pinaguusapan ninyo habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mukha?

   
 18Ang isa na nagngangalang Cleopas ay sumagot. Sinabi niya: Ikaw lang ba ang tanging naninirahang pansamantala sa Jerusalem na hindi nakaalam ng nangyari sa mga araw na ito?

   
 19Sinabi niya sa kanila: Anong mga bagay?
   Sinabi nila sa kaniya: Ang mga bagay na patungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Siya ay isang propeta. Sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao siya ay makapangyarihan sa gawa at salita. 20Siya ay ibinigay ng mga pinunong-saserdote at ng mga pinuno namin upang hatulang mamatay at ipako sa krus. 21Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel. Bukod sa mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga bagay na ito. 22Higit pa rito, nagtaka kami sa sinabi sa amin ng ilan sa mga kasama naming babae. Pumunta sila nang maaga sa libingan. 23Sila ay pumunta sa amin nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus. Sinabi rin nila na sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel. Ang mga anghel ay nagsabi: Siya ay buhay. 24Ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan. Nakita nila ang tulad ng sinabi ng mga babae ngunit hindi nila nakita si Jesus.

   
 25Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.

   
 28Sila ay papalapit na sa kanilang pupuntahan at siya ay waring pupunta pa sa malayo. 29Siya ay pinilit nila at sinabi: Manatili ka na muna sa amin sapagkat gumagabi na at patapos na ang araw. At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.

   
 30At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala. Pagkaputol niya nito, ibinigay niya ito sa kanila. 31At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya. At siya ay naglaho mula sa kanila. 32Sinabi nila sa isa't isa: Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan? Hindi ba nag-aalab ito habang ipinaliliwanag niya sa atin ang mga kasulatan?

   
 33At nang oras ding iyon, bumangon sila at bumalik sa Jerusalem. Nasumpungan nilang sama-samang nagkakatipon ang labing-isang alagad at ang kanilang mga kasama. 34Sinabi nila: Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon. 35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.