Thursday, March 31, 2011

Our Gospel for March 30, 2011. The Law.

Matthew 5:17-19

Jesus said to his disciples:
“Do not think that I have come to abolish the law or the prophets.
I have come not to abolish but to fulfill.
Amen, I say to you, until heaven and earth pass away, not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law, until all things have taken place. Therefore, whoever breaks one of the least of these commandments and teaches others to do so will be called least in the Kingdom of heaven.
But whoever obeys and teaches these commandments
will be called greatest in the Kingdom of heaven.”

Ang Katuparan ng Kautusan
Mateo 5:17-19
Huwag ninyong isiping naparito ako upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang sirain kundi upang tuparin ang mga ito. 
Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Lilipas ang langit at ang lupa ngunit kahit isang tuldok o isang kudlit sa Kautusan ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang matupad ang lahat. Kaya ang sinumang lumabag sa isa sa mga utos na ito, kahit na ang kaliit-liitan, at ituro sa mga tao ang gayon, ay tatawaging pinakamababa sa paghahari ng langit. Ngunit ang sinumang gumaganap at nagtuturong ganapin ito ay tatawaging dakila sa paghahari ng langit.

The unforgiving servant. Our Gospel for March 29, 2011

Matthew 18:21-35

Peter approached Jesus and asked him,
“Lord, if my brother sins against me,
how often must I forgive him?
As many as seven times?”
Jesus answered, “I say to you, not seven times but seventy-seven times.
That is why the Kingdom of heaven may be likened to a king
who decided to settle accounts with his servants.
When he began the accounting,
a debtor was brought before him who owed him a huge amount.
Since he had no way of paying it back,
his master ordered him to be sold,
along with his wife, his children, and all his property,
in payment of the debt.
At that, the servant fell down, did him homage, and said,
‘Be patient with me, and I will pay you back in full.’
Moved with compassion the master of that servant
let him go and forgave him the loan.
When that servant had left, he found one of his fellow servants
who owed him a much smaller amount.
He seized him and started to choke him, demanding,
‘Pay back what you owe.’
Falling to his knees, his fellow servant begged him,
‘Be patient with me, and I will pay you back.’
But he refused.
Instead, he had him put in prison
until he paid back the debt.
Now when his fellow servants saw what had happened,
they were deeply disturbed, and went to their master
and reported the whole affair.
His master summoned him and said to him, ‘You wicked servant!
I forgave you your entire debt because you begged me to.
Should you not have had pity on your fellow servant,
as I had pity on you?’
Then in anger his master handed him over to the torturers
until he should pay back the whole debt.
So will my heavenly Father do to you,
unless each of you forgives your brother from your heart.”

Ang Talinghaga Patungkol sa Alipin na di Marunong Magpatawad

Mateo 18:21-35

 21Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba?
   
 22Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.
   
 23Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na ibig maningil sa kaniyang mga alipin. 24Nang magsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang sa kaniya ng sampung libong talento. 25Ngunit sa dahilang wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kaniyang asawa, mga anak at lahat ng kaniyang tinatangkilik upang makabayad.
   
 26Ang alipin nga ay lumuhod at sinamba siya na sinasabi: Panginoon, pagpasensyahan mo muna ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko. 27Kaya ang panginoon ng aliping iyon ay nahabag at pinawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
   
 28Ngunit paglabas ng alipin ding iyon, nakita niya ang kaniyang kapwa alipin na may utang sa kaniya ng isangdaang denaryo. Hinawakan niya ito at sinakal na sinabi: Bayaran mo ang utang mo sa akin.
   
 29Ang kaniyang kapwa alipin ay nagpatirapa sa kaniyang paanan. Nagmakaawa siya sa kaniya na sinasabi: Pagpasensyahan mo ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko.
   
 30Ngunit ayaw niyang pumayag. Sa halip, ipinabilanggo niya ito hanggang sa makabayad ng kaniyang utang. 31Kaya nang makita ng mga kapwa niya alipin ang nangyari, labis silang namighati. Lumapit sila sa kanilang panginoon at sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.
   
 32Kaya, nang maipatawag na siya ng kaniyang panginoon, sinabi sa kaniya: O, ikaw na masamang alipin, pinatawad ko ang lahat mong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. 33Hindi ba nararapat na mahabag ka rin sa iyong kapwa alipin katulad nang pagkahabag ko sa iyo? 34Sa matinding galit ng kaniyang panginoon, ibinigay siya sa mga tagapagpahirap sa bilangguan hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang utang.
   
 35Gayundin naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kapag hindi kayo nagpatawad nang taos sa inyong puso sa bawat kapatid sa kanilang pagsalangsang.

Tuesday, March 29, 2011

Our Gospel for March 28. Sent not only to the Jews!

 Luke 4:24-30

Jesus said to the people in the synagogue at Nazareth:
“Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place.
Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah
when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent,but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.”When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury.
They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

Ipinadala hindi lamang para sa mga Judio. 


Lucas 4:24-30

Sinabi niya: Totoong sinasabi ko sa inyo, walang propetang tinatanggap sa kaniyang sariling bayan.

Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sa panahon ni Elias ay maraming mga babaeng balo sa Israel. Ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Nagkaroon ng malaking taggutom sa lahat ng lupain. Sa panahong iyon ay hindi isinugo si Elias sa mga babaeng balo maliban sa isang babaeng balo sa Sarepat. Ang Sarepat ay isang bayan sa Sidon. Sa panahon ng propetang si Eliseo ay maraming ketongin sa Israel. Walang nilinis sa kanila maliban kay Naaman na taga-Siria.

Sa pagkarinig ng mga bagay na ito, ang lahat ng nasa sinagoga ay nag-alab sa galit. Sila ay tumindig at itinaboy si Jesus sa labas ng lungsod. Siya ay dinala nila sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang lungsod upang ihulog siya. Gayunman, siya ay umalis na dumaan sa kanilang kalagitnaan.

Monday, March 28, 2011

The Samaritan woman. Our Gospel for Sunday, March 27, 2011

John 4:5-42
Jesus came to a town of Samaria called Sychar,
near the plot of land that Jacob had given to his son Joseph.
Jacob’s well was there.
Jesus, tired from his journey, sat down there at the well.
It was about noon.

A woman of Samaria came to draw water.
Jesus said to her,
“Give me a drink.”
His disciples had gone into the town to buy food.
The Samaritan woman said to him,
“How can you, a Jew, ask me, a Samaritan woman, for a drink?”
—For Jews use nothing in common with Samaritans.—
Jesus answered and said to her,
“If you knew the gift of God
and who is saying to you, ‘Give me a drink, ‘
you would have asked him and he would have given you living water.” The woman said to him,
“Sir, you do not even have a bucket and the cistern is deep;
where then can you get this living water? Are you greater than our father Jacob, who gave us this cistern and drank from it himself with his children and his flocks?”
Jesus answered and said to her,
“Everyone who drinks this water will be thirsty again;
but whoever drinks the water I shall give will never thirst;
the water I shall give will become in him a spring of water welling up to eternal life.”
The woman said to him, “Sir, give me this water, so that I may not be thirsty or have to keep coming here to draw water.”Jesus said to her,
“Go call your husband and come back.”
The woman answered and said to him, “I do not have a husband.” Jesus answered her,
“You are right in saying, ‘I do not have a husband.’
For you have had five husbands, and the one you have now is not your husband. What you have said is true.” The woman said to him,“Sir, I can see that you are a prophet.
Our ancestors worshiped on this mountain;
but you people say that the place to worship is in Jerusalem.” Jesus said to her, “Believe me, woman, the hour is coming when you will worship the Father neither on this mountain nor in Jerusalem. You people worship what you do not understand;  we worship what we understand, because salvation is from the Jews. But the hour is coming, and is now here,  when true worshipers will worship the Father in Spirit and truth;  and indeed the Father seeks such people to worship him. God is Spirit, and those who worship him
must worship in Spirit and truth.”
The woman said to him,
“I know that the Messiah is coming, the one called the Christ;
when he comes, he will tell us everything.”Jesus said to her,
“I am he, the one speaking with you.”

At that moment his disciples returned, and were amazed that he was talking with a woman,  but still no one said, “What are you looking for?”  or “Why are you talking with her?”
The woman left her water jar  and went into the town and said to the people, “Come see a man who told me everything I have done. Could he possibly be the Christ?”
They went out of the town and came to him.
Meanwhile, the disciples urged him, “Rabbi, eat.”
But he said to them, “I have food to eat of which you do not know.” So the disciples said to one another,  “Could someone have brought him something to eat?”
Jesus said to them,“My food is to do the will of the one who sent me and to finish his work. Do you not say, ‘In four months the harvest will be here’? I tell you, look up and see the fields ripe for the harvest.The reaper is already receiving payment and gathering crops for eternal life, so that the sower and reaper can rejoice together. For here the saying is verified that ‘One sows and another reaps.’ I sent you to reap what you have not worked for;  others have done the work,
and you are sharing the fruits of their work.”

Many of the Samaritans of that town began to believe in him
because of the word of the woman who testified,
“He told me everything I have done.”
When the Samaritans came to him, they invited him to stay with them;  and he stayed there two days. Many more began to believe in him because of his word,  and they said to the woman, “We no longer believe because of your word;
for we have heard for ourselves, and we know that this is truly the savior of the world.”

Nakipag-usap si Jesus sa Babaeng Taga-Samaria
Juan 4:5-42
 

Pumunta si Jesus sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa tabi ng balon. Noon ay mag-iikaanim na ang oras ng araw. 
Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom. Ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain. 
Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay. 
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay? Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. 
Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop. 
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. 
Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan. 
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw ni pumunta rito upang sumalok. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang sinabi mong wala kang asawa. Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang iyong sinabi.
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta. Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi ninyo na ang pook na dapat sumamba ay sa Jerusalem. 
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga Judio. Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama, sa espiritu at sa katotohanan sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya. Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan. Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Cristo ay darating. Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
 
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
 
Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?
Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki: Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas? Lumabas nga sila sa lungsod at pumunta kay Jesus. Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka.
 
Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam.Sinabi ng mga alagad sa isa't isa: May nagdala ba sa kaniya ng makakain? 

Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain. Hindi ba sinasabi ninyo: Apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Narito, sinasabi ko sa inyo: Itaas ninyo ang inyong paningin at tingnan ang mga bukid. Ito ay hinog na para anihin. Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nag-iipon ng bunga patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapwa magkasamang magalak. Sa gayong paraan, totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani. Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran. 
Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpatotoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya ay manatili na kasama nila. At siya ay nanatili roon ng dalawang araw. Marami pa ang mga nagsisampalataya dahil sa kaniyang salita.
 
Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang Mesiyas. Alam namin na totoong siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.



 






Saturday, March 26, 2011

The Parable of the Lost Son. Our Gospel for March 26, 2011

 Lk 15:1-3, 11-32

Tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus,but the Pharisees and scribes began to complain, saying,“This man welcomes sinners and eats with them.” So to them Jesus addressed this parable. “A man had two sons, and the younger son said to his father,‘Father, give me the share of your estate that should come to me.’
So the father divided the property between them.
After a few days, the younger son collected all his belongings and set off to a distant country where he squandered his inheritance on a life of dissipation.
 
When he had freely spent everything, a severe famine struck that country, and he found himself in dire need.
So he hired himself out to one of the local citizens
who sent him to his farm to tend the swine.
And he longed to eat his fill of the pods on which the swine fed, but nobody gave him any.Coming to his senses he thought, ‘How many of my father’s hired workers have more than enough food to eat, but here am I, dying from hunger. I shall get up and go to my father and I shall say to him,“Father, I have sinned against heaven and against you. I no longer deserve to be called your son; treat me as you would treat one of your hired workers.”’ So he got up and went back to his father.
While he was still a long way off, his father caught sight of him, and was filled with compassion. He ran to his son, embraced him and kissed him.
His son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you; I no longer deserve to be called your son.’ But his father ordered his servants,
‘Quickly, bring the finest robe and put it on him;
put a ring on his finger and sandals on his feet.
Take the fattened calf and slaughter it. Then let us celebrate with a feast, because this son of mine was dead, and has come to life again; he was lost, and has been found.’ Then the celebration began.
Now the older son had been out in the field
and, on his way back, as he neared the house,
he heard the sound of music and dancing.
He called one of the servants and asked what this might mean. The servant said to him,
‘Your brother has returned and your father has slaughtered the fattened calf because he has him back safe and sound.’ He became angry,and when he refused to enter the house, his father came out and pleaded with him. He said to his father in reply,
‘Look, all these years I served you
and not once did I disobey your orders;
yet you never gave me even a young goat to feast on with my friends. But when your son returns
who swallowed up your property with prostitutes,
for him you slaughter the fattened calf.’
He said to him, ‘My son, you are here with me always;
everything I have is yours. But now we must celebrate and rejoice, because your brother was dead and has come to life again; he was lost and has been found.’”

Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
Lucas 15:1-3,11-32
 11Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan. 

   
 13Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. 14Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. 15Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
   
 17Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. 19Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
   
 21Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
   
 22Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.
   
 25At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. 26Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. 27Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.
   
 28Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot.
   
 31Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.