Saturday, March 12, 2011

Tinawag ni Jesus si Levi. Ang ating Banal na Ebanghelyo para sa Marso 12.

Lucas 5:27-32
Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis. Nakita niya ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi. Siya ay nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Sa pagtindig ni Levi iniwanan niya ang lahat at sumunod sa kaniya.
     
Si Levi ay naghanda ng isang malaking piging sa kaniyang bahay para kay Jesus. Naroroon ang napakaraming mga maniningil ng buwis at mga iba pang kasalo nila. Nagbulong-bulungan ang mga guro ng kautusan at ang mga Fariseo laban sa kaniyang mga alagad. Sinabi nila: Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
    
Sumagot si Jesus sa kanila: Sila na malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid. Ako ay naparito upang tawagin ang mga makasalanan sa pagsisisi. 

I have come to call the Sinners.

Luke 5:27-32

Jesus saw a tax collector named Levi sitting at the customs post.
He said to him, “Follow me.”
And leaving everything behind, he got up and followed him.Then Levi gave a great banquet for him in his house, and a large crowd of tax collectors and others were at table with them. The Pharisees and their scribes complained to his disciples, saying,
“Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?”
Jesus said to them in reply,
“Those who are healthy do not need a physician, but the sick do.
I have not come to call the righteous to repentance but sinners.”

Friday, March 11, 2011

The Question about Fasting - Our Gospel for March 11

Matthew 9:14-15

The disciples of John approached Jesus and said,
“Why do we and the Pharisees fast much, but your disciples do not fast?”Jesus

answered them, “Can the wedding guests mourn as long as the bridegroom is with them?
The days will come when the bridegroom is taken away from them, and then they will fast.”
 

Tinanong ng mga Alagad ni Juan si Jesus Patungkol sa Pag-aayuno

Mateo 9:14-15


Nang magkagayon, lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi: Bakit kami at ang mga Fariseo ay madalas mag-ayuno ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?

Sinabi ni Jesus sa kanila: Maaari bang mamighati ang mga abay sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay aalisin sa kanila. Kung magkagayon, mag-aayuno na sila.

Thursday, March 10, 2011

Our Gospel for Mar 10. Losing life to save it.

Luke 9:22-25

Jesus said to his disciples:
“The Son of Man must suffer greatly and be rejected by the elders, the chief priests, and the scribes,and be killed and on the third day be raised.” Then he said to all,
“If anyone wishes to come after me, he must deny himself and take up his cross daily and follow me.For whoever wishes to save his life will lose it,but whoever loses his life for my sake will save it. What profit is there for one to gain the whole world yet lose or forfeit himself?”
  
Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin

Lucas 9:22-25

Sinabi niya: Kinakailangang ang Anak ng tao ay dumanas ng maraming bagay. At siya ay tanggihan ng mga matanda at mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Siya ay papatayin at ibabangon sa ikatlong araw.
Sinabi niya sa lahat: Kung ang sinuman magnanais na sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili. Pasanin niya araw-araw ang kaniyang krus at sumunod sa akin. Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay ay mawawala niya ito. 
Ang sinumang mawalan ng buhay alang-alang sa akin ay maililigtas niya ito. Ito ay sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao kung matamo man niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kaniyang sarili?





Wednesday, March 9, 2011

Our Gospel for Mar 9. Almsgiving,Prayer,Fasting


Mt 6:1-6, 16-18

Jesus said to his disciples:
“Take care not to perform righteous deeds
in order that people may see them;
otherwise, you will have no recompense from your heavenly Father.
When you give alms,
do not blow a trumpet before you,
as the hypocrites do in the synagogues and in the streets
to win the praise of others.
Amen, I say to you,
they have received their reward.
But when you give alms, do not let your left hand know what your right is doing,so that your almsgiving may be secret.
And your Father who sees in secret will repay you.

“When you pray,
do not be like the hypocrites, who love to stand and pray in the synagogues and on street corners so that others may see them. Amen, I say to you,they have received their reward.
But when you pray, go to your inner room,
close the door, and pray to your Father in secret.
And your Father who sees in secret will repay you.

“When you fast, do not look gloomy like the hypocrites.
They neglect their appearance, so that they may appear to others to be fasting. Amen, I say to you, they have received their reward. But when you fast, anoint your head and wash your face, so that you may not appear to be fasting,except to your Father who is hidden. And your Father who sees what is hidden will repay you.”

Ang Pagtulong sa Nangangailangan
Mateo 6:1-6, 16-18

Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit.
    
Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 
Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan.
Nagturo si Jesus Patungkol sa Pananalangin
 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid. Kapag naisara mo na ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

Ang Pag-aayuno
 Kapag kayo ay mag-aayuno, huwag ninyong tularan ang mga mapagpaimbabaw na pinapalungkot ang kanilang mukha. Ito ay sapagkat pinasasama nila ang anyo ng kanilang mga mukha upang makita ng mga tao na sila ay nag-aayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung mag-aayuno ka, langisan mo ang iyong ulo at maghilamos ka ng iyong mukha. Sa ganoon, hindi makikita ng mga tao na nag-aayuno ka kundi ng iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

Tuesday, March 8, 2011

Our Gospel for Mar 8. Paying Taxes to the Emperor.

Mark 12:13-17

Some Pharisees and Herodians were sent
to Jesus to ensnare him in his speech.
They came and said to him, “Teacher, we know that you are a truthful man
and that you are not concerned with anyone’s opinion.
You do not regard a person’s status but teach the way of God in accordance with the truth. Is it lawful to pay the census tax to Caesar or not?
Should we pay or should we not pay?”
Knowing their hypocrisy he said to them,
“Why are you testing me?
Bring me a denarius to look at.”
They brought one to him and he said to them,
“Whose image and inscription is this?”
They replied to him, “Caesar’s.”
So Jesus said to them,
“Repay to Caesar what belongs to Caesar
and to God what belongs to God.”
They were utterly amazed at him.

Pagbabayad ng Buwis-pandayuhan kay Cesar
 Marcos 12:13-17 
 Isinugo nila kay Jesus ang ilan sa mga Fariseo at ilan sa mga Herodiano upang hulihin siya sa kaniyang salita. Lumapit sila kay Jesus at sinabi: Guro, alam naming ang sinasabi mo ay totoo. Alam din namin na hindi ka nagtatangi ng sinuman sapagkat hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Sa halip ay itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan. Naaayon ba sa kautusan na magbigay kami kay Cesar ng buwis-pandayuhan o hindi? 
Dapat ba tayong magbigay nito o hindi?
   Ngunit alam ni Jesus ang kanilang pagpapaimbabaw. Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng isang denaryo upang makita ko. At dinalhan nila siya nito. Sinabi niya sa kanila: Kaninong anyo ang narito at patungkol kanino ang nakasulat dito?
   Sinabi nila: Kay Cesar.

Sinabi sa kanila ni Jesus: Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar. Ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.
   At namangha sila sa kaniya.