Monday, February 28, 2011

Our Gospel for Feb 28. The Rich Man.

Mark 10:17-27

As Jesus was setting out on a journey, a man ran up,
knelt down before him, and asked him,
“Good teacher, what must I do to inherit eternal life?”
Jesus answered him, “Why do you call me good?
No one is good but God alone.
You know the commandments: You shall not kill;
you shall not commit adultery;
you shall not steal;
you shall not bear false witness;
you shall not defraud;
honor your father and your mother.
He replied and said to him,
“Teacher, all of these I have observed from my youth.”
Jesus, looking at him, loved him and said to him,
“You are lacking in one thing.
Go, sell what you have, and give to the poor
and you will have treasure in heaven; then come, follow me.”

At that statement, his face fell,
and he went away sad, for he had many possessions.
Jesus looked around and said to his disciples,
“How hard it is for those who have wealth
to enter the Kingdom of God!”
The disciples were amazed at his words.

So Jesus again said to them in reply,
“Children, how hard it is to enter the Kingdom of God!
It is easier for a camel to pass through the eye of a needle
than for one who is rich to enter the Kingdom of God.”
They were exceedingly astonished and said among themselves,
“Then who can be saved?”
Jesus looked at them and said,
“For men it is impossible, but not for God.
All things are possible for God.”

Ang Mayamang Pinuno

Marcos 10:17-27

Nang papaalis na si Jesus, may isang lalaking patakbong lumapit sa kaniya. Ang lalaki ay lumuhod sa harapan niya at tinanong siya: Mabuting guro, ano ang gagawin ko upang magmana ng buhay na walang hanggan?
    
Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Bakit mo ako tinawag na mabuti? 

Walang mabuti kundi isa lang, ang Diyos. Alam mo ang mga utos: Huwag kang mangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnakaw, huwag kang sumaksi sa kasinungalingan, huwag kang mandaya. Igalang mo ang iyong ama at ina.
     
Sinabi ng lalaki sa kaniya: Guro, ang lahat ng mga bagay na ito ay aking sinunod mula sa aking kabataan.
     
Tiningnan siya ni Jesus at inibig siya. Sinabi niya sa kaniya: Isang bagay ang kulang sa iyo. Humayo ka at ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik. Ibigay mo ang salapi sa mga dukha at magkakaroon ka ng nakaimbak na kayamanan sa langit. Pagkatapos pumarito ka, pasanin mo ang krus at sumunod ka sa akin.
     
Ang lalaki ay nalungkot sa salitang ito at siya ay umalis na namimighati sapagkat marami siyang pag-aari.
    
Sa pagtingin sa palibot, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Napakahirap para sa mga mayroong kayamanan ang pumasok sa paghahari ng Diyos.
     
Namangha ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Muling sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Mga anak, napakahirap makapasok sa paghahari ng Diyos ang mga nagtitiwala sa kanilang kayamanan. 

Madali pang dumaan ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa pumasok ang isang mayaman sa paghahari ng Diyos.
     
Sila ay lubhang nanggilalas at nagtanungan sa isa't isa: Sino kaya ang maaaring maligtas?
     
Ngunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi: Ang mga ito ay hindi maaaring magawa ng mga tao subalit hindi gayon sa Diyos sapagkat ang lahat ng mga bagay ay maaaring magawa ng Diyos.


Sunday, February 27, 2011

Our Gospel for Feb 27. Dependence on God.

Matthew 6:24-34

Jesus said to his disciples:
“No one can serve two masters.
He will either hate one and love the other,
or be devoted to one and despise the other.
You cannot serve God and mammon.
“Therefore I tell you, do not worry about your life,
what you will eat or drink,
or about your body, what you will wear.
Is not life more than food and the body more than clothing?
Look at the birds in the sky;
they do not sow or reap, they gather nothing into barns,
yet your heavenly Father feeds them.
Are not you more important than they?
Can any of you by worrying add a single moment to your life-span?
Why are you anxious about clothes?

Learn from the way the wild flowers grow.
They do not work or spin.
But I tell you that not even Solomon in all his splendor
was clothed like one of them.
If God so clothes the grass of the field,
which grows today and is thrown into the oven tomorrow,
will he not much more provide for you, O you of little faith?
So do not worry and say, ‘What are we to eat?’
or ‘What are we to drink?’or ‘What are we to wear?’
All these things the pagans seek.
Your heavenly Father knows that you need them all.
But seek first the kingdom of God and his righteousness,
and all these things will be given you besides.
Do not worry about tomorrow; tomorrow will take care of itself.
Sufficient for a day is its own evil.”

Huwag Mabalisa

Mateo 6:24-34

Walang taong makapaglilingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kapootan niya ang isa at ibigin ang ikalawa. 

Maaaring maging tapat siya sa isa at pawalang-halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan.
Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: 
Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit?
Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. 
Hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila? Sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa kaniyang tangkad?
Bakit kayo nababalisa patungkol sa damit? Masdan ninyo ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kahit si Solomon, sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian, ay hindi nakapaggayak katulad ng isa sa mga ito. Dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buhay at bukas ay susunugin. Kung dinaramtan niya ang damo sa ganoong paraan, hindi ba niya kayo daramtan, kayong maliliit ang pananampalataya? 
Kaya nga, huwag kayong mabalisa at inyong sasabihin: Ano ang aming kakainin, ano ang aming iinumin at ano ang aming daramtin? Ang mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga Gentil. Alam ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. 

Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. Huwag nga kayong mabalisa patungkol sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa kaniyang sarili. Sapat na sa bawat araw ang kasamaan nito.



Saturday, February 26, 2011

Our Gospel for Feb 26. The Blessing of the Children.

Mark 10:13-16

People were bringing children to Jesus that he might touch them,
but the disciples rebuked them.
When Jesus saw this he became indignant and said to them,
“Let the children come to me; do not prevent them,
for the Kingdom of God belongs to such as these.
Amen, I say to you,
whoever does not accept the Kingdom of God like a child
will not enter it.”
Then he embraced the children and blessed them,
placing his hands on them.

Si Jesus at ang Maliliit na Bata



Marcos 10:13-16


Dinala nila kay Jesus ang maliliit na bata upang mahipo niya, ngunit sinaway ng mga alagad ang nagdala sa mga bata.

Subalit lubhang nagalit si Jesus nang makita ito. Sinabi niya sa kanila: Pahintulutan ninyong lumapit sa akin ang mga bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.

Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos nang tulad sa isang maliit na bata ay hindi makakapasok doon sa anumang paraan.

Nang makalong ni Jesus at maipatong ang kaniyang mga kamay sa mga bata, pinagpala niya sila.

Thursday, February 24, 2011

Our Gospel for Feb 24. Temptations to Sin and the Simile of Salt and Light.

Mark 9: 41-50

Jesus said to his disciples:
“Anyone who gives you a cup of water to drink
because you belong to Christ,
amen, I say to you, will surely not lose his reward.

“Whoever causes one of these little ones who believe in me to sin,
it would be better for him if a great millstone
were put around his neck
and he were thrown into the sea.
If your hand causes you to sin, cut it off.
It is better for you to enter into life maimed
than with two hands to go into Gehenna,
into the unquenchable fire.
And if your foot causes you to sin, cut if off.
It is better for you to enter into life crippled
than with two feet to be thrown into Gehenna.
And if your eye causes you to sin, pluck it out.
Better for you to enter into the Kingdom of God with one eye
than with two eyes to be thrown into Gehenna,
where their worm does not die, and the fire is not quenched


“Everyone will be salted with fire.
Salt is good, but if salt becomes insipid,
with what will you restore its flavor?
Keep salt in yourselves and you will have peace with one another.”


Ang Sanhi ng Pagkakasala


Marcos 9:41-50

41Dahil kayo ay kay Cristo maaaring may magbigay sa inyo ng isang basong tubig sa pangalan ko. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tiyak na hindi mawawalan ng gantimpala ang taong iyon. 
42Ang sinuman ay maaaring maging sanhi ng pagkatisod ng isa sa mga maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Mabuti pa sa kaniya na talian ng gilingang-bato sa leeg at itapon siya sa dagat. 
43Kapag ang kamay mo ang naging sanhi ng iyong pagkakatisod, putulin mo ito. Mabuti pa sa iyo na pumasok sa buhay na putol ang isang kamay kaysa may dalawang kamay na pumunta sa impiyerno. Ang apoy doon ay hindi namamatay.
44Doon ay hindi namamatay ang kanilang uod at hindi namamatay ang apoy. 45Gayundin kapag ang isang paa mo ang naging sanhi ng iyong pagkakatisod, putulin mo ito. Mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na putol ang isang paa kaysa may dalawang paa na itapon sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. 46Doon ay hindi namamatay ang kanilang uod at hindi namamatay ang apoy. 47Kapag ang mata mo ang naging sanhi ng iyong pagkakatisod, dukitin mo ito. Mabuti pa sa iyo na pumasok sa paghahari ng Diyos na iisa ang mata kaysa may dalawang mata na itapon sa impiyerno ng apoy.
    48Doon ay hindi namamatay ang kanilang uod
      at hindi namamatay ang apoy.

   
 49Ito ay sapagkat ang bawat isa ay aasnan ng apoy at ang bawat hain ay aasnan ng asin.

   
 50Mabuti ang asin, ngunit kapag ito ay tumabang, paano pa ito muling aalat? Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili at magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa't isa.

Our Gospel for Feb 23. Another Exorcist.

Mark 9:38-40

John said to Jesus,
“Teacher, we saw someone driving out demons in your name,
and we tried to prevent him because he does not follow us.”
Jesus replied, “Do not prevent him.
There is no one who performs a mighty deed in my name
who can at the same time speak ill of me.
For whoever is not against us is for us.”

Sinumang Hindi Laban sa Atin ay Panig sa Atin
Marcos 9:38-40
38Sumagot sa kaniya si Juan: Guro, nakita namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo. Ngunit hindi siya sumusunod sa atin. Pinagbawalan namin siya sapagkat hindi siya sumusunod sa atin.    
 39Ngunit sinabi ni Jesus: Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat walang taong gumagawa ng himala sa pangalan ko at makakapagsalita agad ng masama laban sa akin. 40Ito ay sapagkat ang hindi laban sa inyo ay panig sa inyo.