Sunday, February 20, 2011

Teaching about Retaliation.
 
Matthew 5:38-48

Jesus said to his disciples:
“You have heard that it was said,
An eye for an eye and a tooth for a tooth.

But I say to you, offer no resistance to one who is evil.
When someone strikes you on your right cheek,
turn the other one as well.
If anyone wants to go to law with you over your tunic,
hand over your cloak as well.
Should anyone press you into service for one mile,
go for two miles.
Give to the one who asks of you,
and do not turn your back on one who wants to borrow.

“You have heard that it was said,
 You shall love your neighbor and hate your enemy.
But I say to you, love your enemies
and pray for those who persecute you,
that you may be children of your heavenly Father,
for he makes his sun rise on the bad and the good,
and causes rain to fall on the just and the unjust.
For if you love those who love you, what recompense will you have?
Do not the tax collectors do the same?
And if you greet your brothers only,
what is unusual about that?
Do not the pagans do the same?
So be perfect, just as your heavenly Father is perfect.”



Mata sa Mata
Mateo 5:38-48
 38Narinig ninyong sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. 39Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong kalabanin ang masamang tao. Ngunit ang sinumang sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila. 40Kung may ibig magsakdal sa iyo at kunin ang iyong damit, payagan mo na rin siyang kunin ang iyong balabal. 41Sinumang pumilit sa iyo na lumakad ng higit sa isang kilometro, lumakad ka ng higit pa sa dalawang kilometro na kasama niya. 42Bigyan mo ang humihingi sa iyo at huwag mong talikdan ang ibig humiram sa iyo.   
43Narinig ninyong sinabi: Ibigin mo ang iyong kapwa at kapootan mo ang iyong kaaway. 44Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. 45Ito ay upang kayo ay magiging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti. At binibigyan niya ng ulan ang mga matuwid at ang mga hindi matuwid. 46Ito ay sapagkat kung ang iibigin lamang ninyo ay ang mga umiibig sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba ganyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 47Kapag ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kahigitan ninyo sa iba? Hindi ba ganyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 48Kaya nga, kayo ay magpakasakdal tulad ng inyong Ama na nasa langit ay sakdal.

Our Gospel for Feb 19. The Transfiguration of Jesus.

Mark 9:2-13

Jesus took Peter, James, and John
and led them up a high mountain apart by themselves.
And he was transfigured before them,
and his clothes became dazzling white,
such as no fuller on earth could bleach them.
Then Elijah appeared to them along with Moses,
and they were conversing with Jesus.
Then Peter said to Jesus in reply,
“Rabbi, it is good that we are here!
Let us make three tents:
one for you, one for Moses, and one for Elijah.”
He hardly knew what to say, they were so terrified.
Then a cloud came, casting a shadow over them;
then from the cloud came a voice,
“This is my beloved Son. Listen to him.”
Suddenly, looking around, the disciples no longer saw anyone
but Jesus alone with them.

As they were coming down from the mountain,
he charged them not to relate what they had seen to anyone,
except when the Son of Man had risen from the dead.
So they kept the matter to themselves,
questioning what rising from the dead meant.
Then they asked him,
“Why do the scribes say that Elijah must come first?”
He told them, “Elijah will indeed come first and restore all things,
yet how is it written regarding the Son of Man
that he must suffer greatly and be treated with contempt?
But I tell you that Elijah has come
and they did to him whatever they pleased,
as it is written of him.”



Ang Pagbabagong Anyo
Marcos 9:2-13
 2Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan. Dinala niya silang bukod sa mataas na bundok na sila lang ang naroroon. Siya ay nagbagong anyo sa harap nila. 3Ang kaniyang kasuotan ay naging makinang, pumuti na gaya ng niyebe. Walang tagapagpaputi ng damit sa lupa ang makapagpapaputi ng ganoon. 4Si Elias, kasama ni Moises ay nagpakita sa kanila na nakikipag-usap kay Jesus.    
 5Si Pedro ay nagsabi kay Jesus: Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Magtatayo kami ng tatlong kubol, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias. 6Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin sapagkat sila ay takot na takot.

   
 7At dumating ang isang ulap at nililiman sila. Narinig nila ang isang tinig mula sa ulap na nagsasabi: Ito ang minamahal kong Anak, pakinggan ninyo siya.

   
 8Ngunit kapagdaka sa pagtingin nila sa paligid, wala na silang nakitang sinuman kundi si Jesus na lamang na kasama nila.

   
 9Habang sila ay bumababa mula sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus na huwag nilang sabihin kaninuman ang kanilang nakita malibang mabuhay mula sa mga patay ang Anak ng Tao. 10Iningatan nila sa kanilang sarili ang pananalitang ito at nagtatanungan sila kung ano ang ibig sabihin ng pagkabuhay mula sa mga patay.

   
 11Tinanong nila si Jesus: Bakit sinasabi ng mga guro ng kautusan na dapat munang dumating si Elias?

   
 12Sumagot si Jesus: Tunay na darating muna si Elias, at kaniyang pananauliin ang lahat ng mga bagay. Bakit isinulat ang patungkol sa Anak ng Tao na siya ay magdurusa ng maraming mga bagay at siya ay hahamakin? 13Subalit sinasabi ko sa inyo: Si Elias ay dumating na. Ginawa sa kaniya ang anumang inibig nila ayon sa nasusulat patungkol sa kaniya.

Saturday, February 19, 2011

Our Gospel for Feb 18. The Conditions of Discipleship.

Mark 8:34-38, 9:1

Jesus summoned the crowd with his disciples and said to them,
“Whoever wishes to come after me must deny himself,
take up his cross, and follow me.
For whoever wishes to save his life will lose it,
but whoever loses his life for my sake
and that of the Gospel will save it.
What profit is there for one to gain the whole world
and forfeit his life?
What could one give in exchange for his life?
Whoever is ashamed of me and of my words
in this faithless and sinful generation,
the Son of Man will be ashamed of
when he comes in his Father’s glory with the holy angels.”

He also said to them,
“Amen, I say to you,
there are some standing here who will not taste death
until they see that the Kingdom of God has come in power.”


Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin
Marcos 8:34-38, 9:1
 34Pinalapit ni Jesus ang mga tao kasama ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin. 
35Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Datapuwat ang sinumang mawalan ng buhay dahil sa akin at sa ebanghelyo ay maililigtas niya ito. 36Ano ang mapapakinabangan ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan at mawala ang kaniyang kaluluwa? 37Ano ang maibibigay ng tao bilang kapalit ng kaniyang kaluluwa? 38Ito ay sapagkat ang sinumang magkakahiya sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na mapangalunya at makasalanan ay ikakahiya rin ng Anak ng Tao pagdating niya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel. 

1Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Mayroong ilang nakatayo rito na sa anumang paraan ay hindi makakaranas ng kamatayan hangga't hindi nila nakikita ang paghahari ng Diyos na dumating na may kapangyarihan. 

Friday, February 18, 2011

Our Gospel for Feb 17. You are the Christ.

Mark 8:27-23

Jesus and his disciples set out for the villages of Caesarea Philippi. Along
the way he asked his disciples,
“Who do people say that I am?”
They said in reply,
“John the Baptist, others Elijah, still others one of the prophets.”And he asked them, “But who do you say that I am?” Peter said to him in reply,
“You are the Christ.”
 

Then he warned them not to tell anyone about him.
He began to teach them that the Son of Man must suffer greatly
and be rejected by the elders, the chief priests, and the scribes,
and be killed, and rise after three days.
He spoke this openly. Then Peter took him aside and began to rebuke him. At this he turned around and, looking at his disciples,
rebuked Peter and said, “Get behind me, Satan.
You are thinking not as God does, but as human beings do.” 


Ang Pahayag ni Pedro Patungkol sa Mesiyas
 Marcos 8:27-33
 27Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay umalis patungo sa mga nayon ng Cesarea Filipo. Habang sila ay nasa daan, tinanong sila ni Jesus: Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ako?    
 28Sumagot sila: Ang sabi ng iba: Si Juan na tagapagbawtismo. Ang sabi ng ilan: Si Elias. Ngunit ang iba ay nagsabing ikaw ay isa sa mga propeta.

   
 29Sinabi niya sa kanila: Ngunit ayon sa inyo, sino ako?
   Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya: Ikaw ang Mesiyas.

   
 30Kaya mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag nilang sasabihin sa kaninuman ang patungkol sa kaniya.

 31Sinimulan niyang magturo sa kanila: Kinakailangang ang Anak ng Tao ay maghirap ng maraming bagay at tanggihan ng mga matanda, mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan at ipapapatay. At pagkalipas ng tatlong araw ay muling mabubuhay. 32Hayagang sinabi ito ni Jesus sa kanila. Gayunman, isinama siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang sawayin siya.    
 33Ngunit sa paglingon at pagkakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad, sinaway niya si Pedro na sinasabi: Pumunta ka sa likuran ko, Satanas. Ito ay sapagkat hindi ukol sa Diyos ang iniisip mong mga bagay kundi ukol sa mga tao.

Wednesday, February 16, 2011

Our Gospel for Feb 16. Blind Person Cured.

Mark 8:22-26

They came to Bethsaida, and some people brought a blind man and begged Jesus to touch him. He took the blind man by the hand and led him outside the village. When he had spit on the man’s eyes and put his hands on him, Jesus asked, “Do you see anything?”
He looked up and said, “I see people; they look like trees walking around.”

Once more Jesus put his hands on the man’s eyes. Then his eyes were opened, his sight was restored, and he saw everything clearly. Jesus sent him home, saying, “Don’t even go into the village.”

Ang Pagpapagaling sa Lalaking Bulag na Taga-Betsaida
Marcos 8:22-26
Siya ay pumunta sa Betsaida at kanilang dinala sa kaniya ang isang lalaking bulag. Ipinamanhik nila sa kaniya na siya ay hipuin ni Jesus. 

Sa paghawak ni Jesus sa kamay ng lalaking bulag, kaniyang inakay siya na palabas sa nayon. Niluraan niya ang mga mata ng bulag at ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniya. Tinanong siya ni Jesus: May nakita ka bang anuman?
   
Pagtingala niya ay kaniyang sinabi: Nakikita ko ang mga tao na parang mga punong-kahoy na lumalakad.

   
Muling ipinatong ni Jesus ang kamay niya sa kaniyang mga mata at muli siyang pinatingala. Siya ay napanauli at malinaw niyang nakikita ang lahat ng mga tao. Pinauwi siya ni Jesus sa kaniyang bahay na sinasabi: Huwag kang papasok sa anumang nayon at huwag mo itong sasabihin sa kaninuman.