Monday, November 15, 2010

Our Gospel for Nov 14. Signs of the End Times...

Luke 21:5-19
While some people were speaking about
how the temple was adorned with costly stones and votive offerings,
Jesus said, "All that you see here--
the days will come when there will not be left
a stone upon another stone that will not be thrown down."

Then they asked him,
"Teacher, when will this happen?
And what sign will there be when all these things are about to happen?"
He answered,
"See that you not be deceived,
for many will come in my name, saying,
'I am he,’ and 'The time has come.’
Do not follow them!
When you hear of wars and insurrections,
do not be terrified; for such things must happen first,
but it will not immediately be the end."
Then he said to them,
"Nation will rise against nation, and kingdom against kingdom.
There will be powerful earthquakes, famines, and plagues
from place to place;
and awesome sights and mighty signs will come from the sky.

"Before all this happens, however,
they will seize and persecute you,
they will hand you over to the synagogues and to prisons,
and they will have you led before kings and governors
because of my name.
It will lead to your giving testimony.
Remember, you are not to prepare your defense beforehand,
for I myself shall give you a wisdom in speaking
that all your adversaries will be powerless to resist or refute.
You will even be handed over by parents, brothers, relatives, and friends,
and they will put some of you to death.
You will be hated by all because of my name,
but not a hair on your head will be destroyed.
By your perseverance you will secure your lives."


Mga Tanda sa Huling Panahon

Lucas 21:5-19


Habang ang ilan ay nag-uusap patungkol sa templo, na ito ay nagagayakan ng mga naggagandahang bato at mga kaloob, sinabi ni Jesus: Darating ang mga araw na ang mga bagay na inyong nakikita ay gigibain. Walang maiiwang bato na nakapatong sa bato na hindi babagsak.

  
Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na mangyayari na ang mga bagay na ito?

  
Sinabi niya: Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa pangalan ko. Kanilang sasabihin: Ako ang Mesiyas at ang oras ay malapit na. Huwag nga kayong sumunod sa kanila. Kapag kayo ay nakarinig ng mga digmaan at himagsikan, huwag kayong masindak sapagkat ang mga bagay na ito ay dapat munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi agad mangyayari.

  
Pagkatapos nito sinabi niya sa kanila: Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang paghahari laban sa paghahari. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa iba't ibang dako. Magkakaroon ng taggutom at salot. Magkakaroon ng mga nakakatakot na mga pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit.

  
Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, huhulihin nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan. Ihaharap nila kayo sa mga hari at gobernador dahil sa aking pangalan. Ngunit ito ay magiging isang pagkakataon ng inyong pagpapatotoo. Ilagay nga ninyo sa inyong mga puso na huwag paghandaan ang pagtatanggol. Ito ay sapagkat bibigyan ko kayo ng kapangyarihang magsalita at ng karunungan. Sa pamamagitan nito ay hindi makakasagot ni makakatanggi ang lahat ng mga kumakalaban sa inyo. Ngunit kayo ay ipagkakanulo maging ng mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan. Papatayin nila ang ilan sa inyo. Kayo ay kapopootan ng lahat ng dahil sa aking pangalan. Kailanman ay hindi mawawala ang isa mang buhok sa inyong ulo. Sa pamamagitan ng inyong matiyagang pagtitiis, tatamuhin ninyo ang inyong buhay.

Sunday, November 14, 2010

Our Gospel for Nov 13. The Power of Prayer.

The Parable of the Persistent Widow

Luke 18:1-8
Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary.
He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being.
And a widow in that town used to come to him and say,‘Render a just decision for me against my adversary.’ For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’”

The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night?

Will he be slow to answer them?
I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily.
But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”


Ang Talinghaga Patungkol sa Matiyagang Balo

Lucas 18:1-8


Nagsabi si Jesus ng isang talinghaga sa kanila upang ipabatid sa kanila na kinakailangang manalangin lagi at huwag manghina. Sinabi niya: Sa isang lungsod ay may isang hukom. Hindi siya natatakot sa Diyos at hindi niya iginagalang ang tao. Sa lungsod na iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa kaniya. Sinasabi nito: Ipaghiganti mo ako sa aking kalaban.

Sa ilang panahon, ang hukom ay umayaw. Sa bandang huli, sinabi niya sa kaniyang sarili: Hindi ko kinatatakutan ang Diyos at wala akong iginagalang na tao. Ngunit ipaghihiganti ko ang balong ito, kung hindi, papagurin niya ako sa kaniyang patuloy na pagparito.

Sinabi ng Panginoon: Dinggin ninyo kung ano ang sinasabi ng di-makatarungang hukom. Hindi ba ipaghihiganti ng Diyos ang kaniyang mga pinili na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya mapagpasensiya ng lubos sa kanila? Sinasabi ko sa inyo: Agad niya silang ipaghihiganti. Magkagayunman, pagdating ng Anak ng Tao, makasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

Friday, November 12, 2010

Our Gospel for Nov 12. Are you ready for the coming...?

Luke 17:26-37

Jesus said to his disciples:
“As it was in the days of Noah, so it will be in the days of the Son of Man; they were eating and drinking, marrying and giving in marriage up to the day that Noah entered the ark, and the flood came and destroyed them all.  Similarly, as it was in the days of Lot: they were eating, drinking, buying, selling, planting, building; on the day when Lot left Sodom, fire and brimstone rained from the sky to destroy them all.

So it will be on the day the Son of Man is revealed. On that day, someone who is on the  housetop and whose belongings are in the house must not go down to get them, and likewise one in the field must not return to what was left behind. Remember the wife of Lot. Whoever seeks to preserve his life will  lose it, but whoever loses it will save it.

I tell you, on that night there will be two people in one bed; one will be taken, the other left. And there will be two women grinding meal together; one will be taken, the other left.” They said to him in reply, “Where, Lord?” He said to them, “Where the body is, there also the vultures will gather.”

*********************************************************************************

Lucas 17:26-37

Kung papaano noong mga araw ni Noe, magiging gayundin sa mga araw ng Anak ng Tao. Sila ay kumakain at umiinom. Sila ay nag-aasawa at ipinakakasal. Ginawa nila ang mga ito hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong at dumating ang baha at nalipol silang lahat.

Gayundin naman ang nangyari noong mga araw ni Lot. Sila ay kumakain at umiinom. Sila ay bumibili at nagtitinda. Sila ay nagtatanim at nagtatayo. Ngunit nang araw na si Lot ay lumabas mula sa Sodom, ang apoy at asupre ay bumabang tulad ng ulan. Ito ay nagmula sa langit at silang lahat ay nalipol.

Ganito ang mangyayari sa araw na ang Anak ng Tao ay maihayag. Sa araw na iyon, siya na nasa bubong ng bahay ay huwag nang bumaba. Huwag mo na siyang pababain upang kunin ang kaniyang mga gamit na nasa loob ng bahay. Siya na nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ang sinumang mawalan ng buhay ay makakapagpanatili nito.

Sinasabi ko sa inyo: Sa gabing iyon, mayroong dalawang tao sa isang kama. Ang isa ay kukunin at ang isa ay maiiwan. Dalawang babae ang magkasamang naggigiling. Ang isa ay kukunin at ang isa ay maiiwan. Dalawang lalaki ang nasa bukid. Ang isa ay kukunin at ang isa ay maiiwan.

Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Panginoon, saan? Sinabi niya sa kanila: Kung saan naroroon ang bangkay, doon nagtitipon ang mga buwitre.

Thursday, November 11, 2010

Our Gospel for Nov 11. The Coming .....

Luke 17:20-25

Asked by the Pharisees when the Kingdom of God would come, Jesus said in reply, “The coming of the Kingdom of God cannot be observed, and no one will announce, ‘Look, here it is,’ or, ‘There it is.’ For behold, the Kingdom of God is among you.”

Then he said to his disciples,
“The days will come when you will long to see
one of the days of the Son of Man, but you will not see it. There will be those who will say to you, ‘Look, there he is,’ or ‘Look, here he is.’
Do not go off, do not run in pursuit. For just as lightning flashes and lights up the sky from one side to the other, so will the Son of Man be in his day. But first he must suffer greatly and be rejected by this generation.”

 
Ang Pagdating ng Paghahari ng Diyos

Lucas 17:20-25


Ang mga Fariseo ay nagtanong sa kaniya kung kailan darating ang paghahari ng Diyos. Sinagot niya sila at sinabi: Ang paghahari ng Diyos ay darating na hindi mamamasdan. Ito ay darating na hindi nila masasabi: Tingnan ninyo rito! Tingnan ninyo roon! Ito ay sapagkat ang paghahari ng Diyos ay nasa kalagitnaan ninyo.
 
Sinabi ni Jesus sa mga alagad: Darating ang mga araw na kayo ay maghahangad na makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao at hindi ninyo ito makikita. Kung sasabihin nila sa inyo: Tingnan ninyo rito! Tingnan ninyo roon! Huwag kayong pumunta o sumunod. 

Ito ay sapagkat kung papaano nagliliwanag ang kidlat, magiging gayon ang Anak ng Tao. Sa pagkislap ng kidlat, ito ay nagliliwanag mula sa isang dulo sa ilalim ng langit hanggang sa isang dulo sa ilalim ng langit. Ngunit bago ito, kailangan muna niyang magbata ng maraming bagay at tanggihan ng lahing ito.

Wednesday, November 10, 2010

Our Gospel for Nov 10. The Cleansing of Ten Lepers.

Luke 17:11-19

As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voice, saying,“Jesus, Master! Have pity on us!”
And when he saw them, he said,“Go show yourselves to the priests.” As they were going they were cleansed.

And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan.

Jesus said in reply, “Ten were cleansed, were they not?
Where are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?”Then he said to him, “Stand up and go; your faith has saved you.”
 
Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Lucas 17:11-19


Umahon si Jesus patungong Jerusalem. Nangyari na siya ay dumaan sa gitna ng Samaria at Galilea. Sa kaniyang pagpasok sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may ketong. Ang mga ito ay nakatayo sa malayo. Nilakasan nila ang kanilang tinig at kanilang sinabi: Guro, kahabagan mo kami.

Nakita sila ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: Humayo kayo at magpakita kayo sa mga saserdote. At nangyari, sa paghayo nila, sila ay nalinis.

Nang makita ng isa sa kanila na siya ay gumaling, bumalik siya. Sa malakas na tinig, niluwalhati niya ang Diyos. Nagpatirapa siya na nagpapasalamat kay Jesus. Ang lalaking ito ay isang taga-Samaria.

Sinabi ni Jesus: Hindi ba sampu ang nilinis? Nasaan ang siyam? Ang dayuhan lang bang ito ang bumalik upang magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos? Sinabi niya sa kaniya: Bumangon ka at humayo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.