Thursday, March 31, 2011

A kingdom divided. Our Gospel for March 31, 2011

Luke 11:14-23

Jesus was driving out a demon that was mute,
and when the demon had gone out, the mute man spoke and the crowds were amazed.
Some of them said, “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.”
Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them,
“Every kingdom divided against itself will be laid waste
and house will fall against house.
And if Satan is divided against himself,
how will his kingdom stand?
For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons.
If I, then, drive out demons by Beelzebul,
by whom do your own people drive them out?
Therefore they will be your judges.
But if it is by the finger of God that I drive out demons,
then the Kingdom of God has come upon you.
When a strong man fully armed guards his palace,
his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils.
Whoever is not with me is against me,
and whoever does not gather with me scatters.”

Paanong Mapalabas ni Satanas si Satanas?
Lucas 11:14-23
 14Si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo, iyon ay pipi. Nangyari, nang lumabas ang demonyo, ang pipi ay nagsalita at ang mga tao ay namangha. 15Ang ilan sa kanila ay nagsabi: Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo. 16Sinusubok siya ng ibang mga tao kaya hinahanapan nila siya ng tanda mula sa langit.
   
 17Alam niya ang kanilang iniisip. Dahil dito, sinabi niya sa kanila: Ang bawat paghaharing nahati laban sa kaniyang sarili ay napupunta sa kapanglawan. Ang sambahayang nahati laban sa sambahayan ay bumabagsak. 18Kung si Satanas ay nahahati laban sa kaniyang sarili, papaano makakatayo ang kaniyang paghahari. Sinabi ko ito dahil sinabi ninyong ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub. 19Kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Sa pamamagitan nito sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 20Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, ang paghahari ng Diyos ay dumating sa inyo.
   
 21Kung ang isang lalaking malakas ay nasasandatahan upang magbantay ng kaniyang tinitirahan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas. 22Ngunit sa pagdating ng higit na malakas kaysa sa kaniya, siya ay malulupig. Kukunin nito ang buong baluting pinagtitiwalaan niya at hahatiin ang mga naagaw sa kaniya.
   
 23Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin at siya na hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.


Our Gospel for March 30, 2011. The Law.

Matthew 5:17-19

Jesus said to his disciples:
“Do not think that I have come to abolish the law or the prophets.
I have come not to abolish but to fulfill.
Amen, I say to you, until heaven and earth pass away, not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law, until all things have taken place. Therefore, whoever breaks one of the least of these commandments and teaches others to do so will be called least in the Kingdom of heaven.
But whoever obeys and teaches these commandments
will be called greatest in the Kingdom of heaven.”

Ang Katuparan ng Kautusan
Mateo 5:17-19
Huwag ninyong isiping naparito ako upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang sirain kundi upang tuparin ang mga ito. 
Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Lilipas ang langit at ang lupa ngunit kahit isang tuldok o isang kudlit sa Kautusan ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang matupad ang lahat. Kaya ang sinumang lumabag sa isa sa mga utos na ito, kahit na ang kaliit-liitan, at ituro sa mga tao ang gayon, ay tatawaging pinakamababa sa paghahari ng langit. Ngunit ang sinumang gumaganap at nagtuturong ganapin ito ay tatawaging dakila sa paghahari ng langit.

The unforgiving servant. Our Gospel for March 29, 2011

Matthew 18:21-35

Peter approached Jesus and asked him,
“Lord, if my brother sins against me,
how often must I forgive him?
As many as seven times?”
Jesus answered, “I say to you, not seven times but seventy-seven times.
That is why the Kingdom of heaven may be likened to a king
who decided to settle accounts with his servants.
When he began the accounting,
a debtor was brought before him who owed him a huge amount.
Since he had no way of paying it back,
his master ordered him to be sold,
along with his wife, his children, and all his property,
in payment of the debt.
At that, the servant fell down, did him homage, and said,
‘Be patient with me, and I will pay you back in full.’
Moved with compassion the master of that servant
let him go and forgave him the loan.
When that servant had left, he found one of his fellow servants
who owed him a much smaller amount.
He seized him and started to choke him, demanding,
‘Pay back what you owe.’
Falling to his knees, his fellow servant begged him,
‘Be patient with me, and I will pay you back.’
But he refused.
Instead, he had him put in prison
until he paid back the debt.
Now when his fellow servants saw what had happened,
they were deeply disturbed, and went to their master
and reported the whole affair.
His master summoned him and said to him, ‘You wicked servant!
I forgave you your entire debt because you begged me to.
Should you not have had pity on your fellow servant,
as I had pity on you?’
Then in anger his master handed him over to the torturers
until he should pay back the whole debt.
So will my heavenly Father do to you,
unless each of you forgives your brother from your heart.”

Ang Talinghaga Patungkol sa Alipin na di Marunong Magpatawad

Mateo 18:21-35

 21Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba?
   
 22Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.
   
 23Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang hari na ibig maningil sa kaniyang mga alipin. 24Nang magsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang sa kaniya ng sampung libong talento. 25Ngunit sa dahilang wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na ipagbili siya, gayundin ang kaniyang asawa, mga anak at lahat ng kaniyang tinatangkilik upang makabayad.
   
 26Ang alipin nga ay lumuhod at sinamba siya na sinasabi: Panginoon, pagpasensyahan mo muna ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko. 27Kaya ang panginoon ng aliping iyon ay nahabag at pinawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
   
 28Ngunit paglabas ng alipin ding iyon, nakita niya ang kaniyang kapwa alipin na may utang sa kaniya ng isangdaang denaryo. Hinawakan niya ito at sinakal na sinabi: Bayaran mo ang utang mo sa akin.
   
 29Ang kaniyang kapwa alipin ay nagpatirapa sa kaniyang paanan. Nagmakaawa siya sa kaniya na sinasabi: Pagpasensyahan mo ako at babayaran kita sa lahat ng utang ko.
   
 30Ngunit ayaw niyang pumayag. Sa halip, ipinabilanggo niya ito hanggang sa makabayad ng kaniyang utang. 31Kaya nang makita ng mga kapwa niya alipin ang nangyari, labis silang namighati. Lumapit sila sa kanilang panginoon at sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari.
   
 32Kaya, nang maipatawag na siya ng kaniyang panginoon, sinabi sa kaniya: O, ikaw na masamang alipin, pinatawad ko ang lahat mong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. 33Hindi ba nararapat na mahabag ka rin sa iyong kapwa alipin katulad nang pagkahabag ko sa iyo? 34Sa matinding galit ng kaniyang panginoon, ibinigay siya sa mga tagapagpahirap sa bilangguan hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang utang.
   
 35Gayundin naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kapag hindi kayo nagpatawad nang taos sa inyong puso sa bawat kapatid sa kanilang pagsalangsang.

Tuesday, March 29, 2011

Our Gospel for March 28. Sent not only to the Jews!

 Luke 4:24-30

Jesus said to the people in the synagogue at Nazareth:
“Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place.
Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah
when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent,but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.”When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury.
They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

Ipinadala hindi lamang para sa mga Judio. 


Lucas 4:24-30

Sinabi niya: Totoong sinasabi ko sa inyo, walang propetang tinatanggap sa kaniyang sariling bayan.

Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sa panahon ni Elias ay maraming mga babaeng balo sa Israel. Ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Nagkaroon ng malaking taggutom sa lahat ng lupain. Sa panahong iyon ay hindi isinugo si Elias sa mga babaeng balo maliban sa isang babaeng balo sa Sarepat. Ang Sarepat ay isang bayan sa Sidon. Sa panahon ng propetang si Eliseo ay maraming ketongin sa Israel. Walang nilinis sa kanila maliban kay Naaman na taga-Siria.

Sa pagkarinig ng mga bagay na ito, ang lahat ng nasa sinagoga ay nag-alab sa galit. Sila ay tumindig at itinaboy si Jesus sa labas ng lungsod. Siya ay dinala nila sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang lungsod upang ihulog siya. Gayunman, siya ay umalis na dumaan sa kanilang kalagitnaan.

Monday, March 28, 2011

The Samaritan woman. Our Gospel for Sunday, March 27, 2011

John 4:5-42
Jesus came to a town of Samaria called Sychar,
near the plot of land that Jacob had given to his son Joseph.
Jacob’s well was there.
Jesus, tired from his journey, sat down there at the well.
It was about noon.

A woman of Samaria came to draw water.
Jesus said to her,
“Give me a drink.”
His disciples had gone into the town to buy food.
The Samaritan woman said to him,
“How can you, a Jew, ask me, a Samaritan woman, for a drink?”
—For Jews use nothing in common with Samaritans.—
Jesus answered and said to her,
“If you knew the gift of God
and who is saying to you, ‘Give me a drink, ‘
you would have asked him and he would have given you living water.” The woman said to him,
“Sir, you do not even have a bucket and the cistern is deep;
where then can you get this living water? Are you greater than our father Jacob, who gave us this cistern and drank from it himself with his children and his flocks?”
Jesus answered and said to her,
“Everyone who drinks this water will be thirsty again;
but whoever drinks the water I shall give will never thirst;
the water I shall give will become in him a spring of water welling up to eternal life.”
The woman said to him, “Sir, give me this water, so that I may not be thirsty or have to keep coming here to draw water.”Jesus said to her,
“Go call your husband and come back.”
The woman answered and said to him, “I do not have a husband.” Jesus answered her,
“You are right in saying, ‘I do not have a husband.’
For you have had five husbands, and the one you have now is not your husband. What you have said is true.” The woman said to him,“Sir, I can see that you are a prophet.
Our ancestors worshiped on this mountain;
but you people say that the place to worship is in Jerusalem.” Jesus said to her, “Believe me, woman, the hour is coming when you will worship the Father neither on this mountain nor in Jerusalem. You people worship what you do not understand;  we worship what we understand, because salvation is from the Jews. But the hour is coming, and is now here,  when true worshipers will worship the Father in Spirit and truth;  and indeed the Father seeks such people to worship him. God is Spirit, and those who worship him
must worship in Spirit and truth.”
The woman said to him,
“I know that the Messiah is coming, the one called the Christ;
when he comes, he will tell us everything.”Jesus said to her,
“I am he, the one speaking with you.”

At that moment his disciples returned, and were amazed that he was talking with a woman,  but still no one said, “What are you looking for?”  or “Why are you talking with her?”
The woman left her water jar  and went into the town and said to the people, “Come see a man who told me everything I have done. Could he possibly be the Christ?”
They went out of the town and came to him.
Meanwhile, the disciples urged him, “Rabbi, eat.”
But he said to them, “I have food to eat of which you do not know.” So the disciples said to one another,  “Could someone have brought him something to eat?”
Jesus said to them,“My food is to do the will of the one who sent me and to finish his work. Do you not say, ‘In four months the harvest will be here’? I tell you, look up and see the fields ripe for the harvest.The reaper is already receiving payment and gathering crops for eternal life, so that the sower and reaper can rejoice together. For here the saying is verified that ‘One sows and another reaps.’ I sent you to reap what you have not worked for;  others have done the work,
and you are sharing the fruits of their work.”

Many of the Samaritans of that town began to believe in him
because of the word of the woman who testified,
“He told me everything I have done.”
When the Samaritans came to him, they invited him to stay with them;  and he stayed there two days. Many more began to believe in him because of his word,  and they said to the woman, “We no longer believe because of your word;
for we have heard for ourselves, and we know that this is truly the savior of the world.”

Nakipag-usap si Jesus sa Babaeng Taga-Samaria
Juan 4:5-42
 

Pumunta si Jesus sa Sicar na isang lungsod ng Samaria. Ito ay malapit sa lupaing ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose. Naroroon ang bukal ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay kaya umupo siya sa tabi ng balon. Noon ay mag-iikaanim na ang oras ng araw. 
Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bigyan mo ako ng maiinom. Ang kaniyang mga alagad ay pumunta na sa lungsod upang bumili ng pagkain. 
Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay. 
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay? Mas dakila ka ba sa aming amang si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balon. 
Siya ay uminom dito, gayundin ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga hayop. 
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ang bawat isang uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw. 
Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan. 
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw ni pumunta rito upang sumalok. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa at pumarito kayo.
Sumagot ang babae at sinabi: Wala akong asawa.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Mabuti ang sinabi mong wala kang asawa. Ito ay sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang iyong sinabi.
Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, sa pakiwari ko ikaw ay isang propeta. Sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno. Sinasabi ninyo na ang pook na dapat sumamba ay sa Jerusalem. 
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, maniwala ka sa akin. Darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang sinasamba ninyo. Kilala namin ang aming sinasamba sapagkat ang kaligtasan ay sa mga Judio. Darating ang oras at ngayon na nga, na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama, sa espiritu at sa katotohanan sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayong sumasamba sa kaniya. Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan. Sinabi ng babae sa kaniya: Alam ko na ang Mesiyas na tinatawag na Cristo ay darating. Sa kaniyang pagdating ay sasabihin niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
 
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ako iyon, ako na nagsasalita sa iyo.
 
Nang sandaling iyon ay dumating ang kaniyang mga alagad. Sila ay namangha na siya ay nakikipag-usap sa isang babae. Gayunman walang isa mang nagtanong: Ano ang iyong hinahanap o bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?
Iniwan nga ng babae ang kaniyang banga at pumunta sa lungsod. Sinabi niya sa mga lalaki: Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa. Hindi kaya ito na ang Mesiyas? Lumabas nga sila sa lungsod at pumunta kay Jesus. Samantala, ipinakikiusap sa kaniya ng mga alagad na nagsasabi: Guro, kumain ka.
 
Sinabi niya sa kanila: Mayroon akong kakaining pagkain na hindi ninyo alam.Sinabi ng mga alagad sa isa't isa: May nagdala ba sa kaniya ng makakain? 

Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain. Hindi ba sinasabi ninyo: Apat na buwan pa bago dumating ang tag-ani? Narito, sinasabi ko sa inyo: Itaas ninyo ang inyong paningin at tingnan ang mga bukid. Ito ay hinog na para anihin. Ang nag-aani ay tumatanggap ng upa. Siya ay nag-iipon ng bunga patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay upang ang naghahasik at ang nag-aani ay kapwa magkasamang magalak. Sa gayong paraan, totoo ang kasabihan: Iba ang naghahasik at iba ang nag-aani. Sinugo ko kayo upang mag-ani ng hindi ninyo pinagpaguran. Ibang tao ang nagpagod at kayo ang nakinabang sa kanilang pinagpaguran. 
Marami sa mga taga-Samaria sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa salita ng babaeng nagpatotoo: Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. Kaya nga, nang pumunta kay Jesus ang mga lalaking taga-Samaria ay hiniling nilang siya ay manatili na kasama nila. At siya ay nanatili roon ng dalawang araw. Marami pa ang mga nagsisampalataya dahil sa kaniyang salita.
 
Sinabi nila sa babae: Sumasampalataya kami ngayon hindi na dahil sa sinabi mo. Kami ang nakarinig at aming nalaman na ito na nga ang Mesiyas. Alam namin na totoong siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.



 






Saturday, March 26, 2011

The Parable of the Lost Son. Our Gospel for March 26, 2011

 Lk 15:1-3, 11-32

Tax collectors and sinners were all drawing near to listen to Jesus,but the Pharisees and scribes began to complain, saying,“This man welcomes sinners and eats with them.” So to them Jesus addressed this parable. “A man had two sons, and the younger son said to his father,‘Father, give me the share of your estate that should come to me.’
So the father divided the property between them.
After a few days, the younger son collected all his belongings and set off to a distant country where he squandered his inheritance on a life of dissipation.
 
When he had freely spent everything, a severe famine struck that country, and he found himself in dire need.
So he hired himself out to one of the local citizens
who sent him to his farm to tend the swine.
And he longed to eat his fill of the pods on which the swine fed, but nobody gave him any.Coming to his senses he thought, ‘How many of my father’s hired workers have more than enough food to eat, but here am I, dying from hunger. I shall get up and go to my father and I shall say to him,“Father, I have sinned against heaven and against you. I no longer deserve to be called your son; treat me as you would treat one of your hired workers.”’ So he got up and went back to his father.
While he was still a long way off, his father caught sight of him, and was filled with compassion. He ran to his son, embraced him and kissed him.
His son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you; I no longer deserve to be called your son.’ But his father ordered his servants,
‘Quickly, bring the finest robe and put it on him;
put a ring on his finger and sandals on his feet.
Take the fattened calf and slaughter it. Then let us celebrate with a feast, because this son of mine was dead, and has come to life again; he was lost, and has been found.’ Then the celebration began.
Now the older son had been out in the field
and, on his way back, as he neared the house,
he heard the sound of music and dancing.
He called one of the servants and asked what this might mean. The servant said to him,
‘Your brother has returned and your father has slaughtered the fattened calf because he has him back safe and sound.’ He became angry,and when he refused to enter the house, his father came out and pleaded with him. He said to his father in reply,
‘Look, all these years I served you
and not once did I disobey your orders;
yet you never gave me even a young goat to feast on with my friends. But when your son returns
who swallowed up your property with prostitutes,
for him you slaughter the fattened calf.’
He said to him, ‘My son, you are here with me always;
everything I have is yours. But now we must celebrate and rejoice, because your brother was dead and has come to life again; he was lost and has been found.’”

Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
Lucas 15:1-3,11-32
 11Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang kabuhayan. 

   
 13Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong pamumuhay. 14Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. 15Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
   
 17Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. 19Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
   
 21Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
   
 22Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.
   
 25At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugin at sayawan. 26Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. 27Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.
   
 28Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29Sumagot siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot.
   
 31Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.


Friday, March 25, 2011

The Handmaid of the Lord. Our Gospel for March 25, 2011

Luke 1:26-38

The angel Gabriel was sent from God to a town of Galilee called Nazareth,to a virgin betrothed to a man named Joseph,of the house of David,and the virgin’s name was Mary.And coming to her, he said,“Hail, full of grace! The Lord is with you.”But she was greatly troubled at what was said and pondered what sort of greeting this might be.Then the angel said to her,“Do not be afraid, Mary,for you have found favor with God.

Behold, you will conceive in your womb and bear a son,and you shall name him Jesus.He will be great and will be called Son of the Most High,and the Lord God will give him the throne of David his father,and he will rule over the house of Jacob forever,and of his Kingdom there will be no end. ”But Mary said to the angel,“How can this be, since I have no relations with a man?” 
And the angel said to her in reply,“The Holy Spirit will come upon you, and the power of the Most High will overshadow you.Therefore the child to be born will be called holy, the Son of God. And behold, Elizabeth, your relative, has also conceived a son in her old age, and this is the sixth month for her who was called barren; for nothing will be impossible for God.”
Mary said, “Behold, I am the handmaid of the Lord.
May it be done to me according to your word.”
Then the angel departed from her.

Ang aliping babae ng Panginoon 

Lucas 1:26-38

Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea. Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria. Paglapit ng anghel ay sinabi sa kaniya: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan.
Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kaniyang salita at pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bati ito. Sinabi ng anghel sa kaniya: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ninuno. Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.
   
Sinabi ni Maria sa anghel: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?
    
Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kaniyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.
   
Sinabi ni Maria: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.

Thursday, March 24, 2011

The rich man and Lazarus. Our Gospel for March 24, 2011

Luke 16:19-31

Jesus said to the Pharisees:
“There was a rich man who dressed in purple garments and fine linen and dined sumptuously each day. And lying at his door was a poor man named Lazarus, covered with sores,who would gladly have eaten his fill of the scraps that fell from the rich man’s table.Dogs even used to come and lick his sores.
When the poor man died, he was carried away by angels to the bosom of Abraham.
 
The rich man also died and was buried,
and from the netherworld, where he was in torment,
he raised his eyes and saw Abraham far off
and Lazarus at his side. And he cried out, ‘Father Abraham, have pity on me. Send Lazarus to dip the tip of his finger in water and cool my tongue,for I am suffering torment in these flames.’
Abraham replied, ‘My child,remember that you received what was good during your lifetime while Lazarus likewise received what was bad;but now he is comforted here, whereas you are tormented. Moreover, between us and you a great chasm is established to prevent anyone from crossing who might wish to go from our side to yours or from your side to ours.’
 
He said, ‘Then I beg you, father, send him
to my father’s house,for I have five brothers, so that he may warn them,lest they too come to this place of torment.’But Abraham replied, ‘They have Moses and the prophets. Let them listen to them.’
He said, ‘Oh no, father Abraham,but if someone from the dead goes to them, they will repent.’ 
Then Abraham said, ‘If they will not listen to Moses and the prophets, neither will they be persuaded if someone should rise from the dead.’”

Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro
Lucas 16:19-31 
May isang lalaking mayaman. Nakadamit siya ng kulay ube at pinong lino. Namumuhay siya sa karangyaan araw-araw. Mayroon doong isang lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay puno ng galis. Inilagay siya sa tarangkahan ng mayaman. Mahigpit niyang hinangad na mabusog mula sa mga mumong nahulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Ngunit maging ang mga aso na lumalapit ay humihimod ng kaniyang mga galis. 
Nangyari nga na ang lalaking dukha ay namatay. Siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Ang lalaking mayaman ay namatay din at inilibing. Sa Hades siya ay naghihirap. Sa paghihirap niya ay itinanaw niya ang kaniyang paningin. Nakita niya sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang piling. Tumawag siya nang malakas: Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito.
   
Ngunit sinabi ni Abraham: Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid.
    
Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama. Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusa.
   
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila.
   
Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay.
   
Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.


Wednesday, March 23, 2011

Not to be served but to serve. Our Gospel for March 23, 2011

Matthew 20:17-28

As Jesus was going up to Jerusalem,
he took the Twelve disciples aside by themselves,
and said to them on the way,
“Behold, we are going up to Jerusalem,
and the Son of Man will be handed over to the chief priests
and the scribes,
and they will condemn him to death,
and hand him over to the Gentiles
to be mocked and scourged and crucified,
and he will be raised on the third day.”
Then the mother of the sons of Zebedee approached Jesus with her sons
and did him homage, wishing to ask him for something.
He said to her, “What do you wish?”
She answered him,
“Command that these two sons of mine sit,
one at your right and the other at your left, in your kingdom.”
Jesus said in reply,
“You do not know what you are asking.
Can you drink the chalice that I am going to drink?”
They said to him, “We can.”
He replied,
“My chalice you will indeed drink,
but to sit at my right and at my left,
this is not mine to give
but is for those for whom it has been prepared by my Father.”
When the ten heard this,
they became indignant at the two brothers.
But Jesus summoned them and said,
“You know that the rulers of the Gentiles lord it over them,
and the great ones make their authority over them felt.
But it shall not be so among you.
Rather, whoever wishes to be great among you shall be your servant;
whoever wishes to be first among you shall be your slave.
Just so, the Son of Man did not come to be served but to serve
and to give his life as a ransom for many.”

Naparito hindi upang Paglingkuran kundi upang Maglingkod.

Mateo 20:17-28

Nang umaahon si Jesus patungong Jerusalem, isinama niya ang labindalawang alagad. Sa daan, ibinukod niya sila at sinabi: Narito, tayo ay aahon sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga pinunong-saserdote at sa mga guro ng kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan. Ibibigay siya sa mga Gentil upang kutyain, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.

Nang magkagayon, lumapit kay Jesus ang ina ng mga anak ni Zebedeo kasama ang kaniyang mga anak na lalaki, na sumasamba at may hinihingi sa kaniya.
     
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ano ang ibig mo?
   Sinabi niya sa kaniya: Sabihin mo na ang dalawang kong anak ay maupo sa iyong kanan at sa iyong kaliwa, sa iyong paghahari.
    
Ngunit sumagot si Jesus: Hindi mo nalalaman kung ano ang iyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang sarong malapit ko nang iinuman? Mababawtismuhan ba kayo ng bawtismong ibabawtismo sa akin?
   Sinabi nila sa kaniya: Kaya namin.
    
Sinabi niya sa kanila: Makakainom kayo sa aking saro at mababawtismuhan ng bawtismong ibinawtismo sa akin. Ngunit ang pag-upo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi sa akin ang pagkakaloob. Ito ay ipagkakaloob sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.
     
Nang marinig ito ng sampu, lubha silang nagalit sa magkapatid. Ngunit tinawag sila ni Jesus at sinabi: Nalalaman ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila. Sila na mga dakila ang may malaking kapamahalaan sa kanila. Ngunit hindi dapat maging gayon sa inyo. Sa halip, ang sinumang ibig maging dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. 

Sinumang ibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo. Maging katulad siya ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at magbigay ng kaniyang buhay na pantubos sa marami.

Tuesday, March 22, 2011

Practice what you Preach. Our Gospel for March 22, 2011

Matthew 23:1-12

 Jesus spoke to the crowds and to his disciples, saying,
“The scribes and the Pharisees have taken their seat on the chair of Moses. Therefore, do and observe all things whatsoever they tell you, but do not follow their example. For they preach but they do not practice.
 
They tie up heavy burdens hard to carry and lay them on people’s shoulders, but they will not lift a finger to move them. All their works are performed to be seen.
They widen their phylacteries and lengthen their tassels.They love places of honor at banquets, seats of honor in synagogues, greetings in marketplaces, and the salutation ‘Rabbi.’ 

As for you, do not be called ‘Rabbi.’ You have but one teacher, and you are all brothers. Call no one on earth your father; you have but one Father in heaven. Do not be called ‘Master’; you have but one master, the Christ. The greatest among you must be your servant.

Whoever exalts himself will be humbled;
but whoever humbles himself will be exalted.”

Mag-ingat sa mga Mapagpaimbabaw

Mateo 23:1-12
Pagkatapos, si Jesus ay nagsalita sa napakaraming tao at sa kaniyang mga alagad. Kaniyang sinabi: Ang mga guro ng kautusan at ang mga Fariseo ay umupo sa upuan ni Moises. Lahat nga ng kanilang sabihin sa inyo upang sundin ay inyong sundin at gawin. Ngunit huwag ninyong gawin ang kanilang mga ginagawa sapagkat sila ay nagsasalita ngunit hindi gumagawa. 
Ito ay sapagkat sila ay nagtatali ng mga mabibigat na pasanin na mahirap dalhin at inilalagay sa mga balikat ng mga tao. Ngunit ayaw man lamang nila itong maigalaw ng kanilang mga daliri.
Lahat ng kanilang mga gawa ay kanilang ginagawa upang makita ng mga tao. Iyan ang dahilan na pinalalapad nila ang kanilang mga pilakterya at pinalalaki ang mga laylayan ng kanilang mga damit. 

Inibig nila ang pangunahing dako sa mga hapunan at ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga. Inibig din nila ang mga pagpupugay sa mga pamilihang dako at sila ay tawagin: Guro! Guro!
    

Huwag kayong patawag sa mga tao na guro sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo, at kayong lahat ay magkakapatid.Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. Huwag kayong patawag na mga pinuno sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo. Ngunit ang higit na dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. 

Ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba sa kaniyang sarili ay itataas.


Monday, March 21, 2011

Be Merciful. Our Gospel for Mar 21, 2011

Luke 6:36-38

Jesus said to his disciples:
“Be merciful, just as your Father is merciful.
“Stop judging and you will not be judged.
Stop condemning and you will not be condemned.
Forgive and you will be forgiven.
Give and gifts will be given to you;
a good measure, packed together, shaken down, and overflowing,
will be poured into your lap.
For the measure with which you measure
will in return be measured out to you.”

Ang Panukat para sa iyo

Lucas 6:36-38

Maging mga maawain nga kayo, gaya rin naman ng inyong Ama na maawain.
    
Huwag kayong humatol upang hindi kayo hatulan. Huwag kayong magbigay hatol upang hindi kayo bigyang hatol. Magpatawad kayo upang kayo ay patawarin. Magbigay kayo at ito ay ibibigay sa inyo, mabuting sukat, siniksik, niliglig at umaapaw sapagkat ang panukat na inyong ipinangsukat ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.

Jesus is Transfigured. Our Gospel for March 20.

Matthew 17:1-9

Jesus took Peter, James, and John his brother,
and led them up a high mountain by themselves.
And he was transfigured before them;
his face shone like the sun
and his clothes became white as light.
And behold, Moses and Elijah appeared to them,
conversing with him.
Then Peter said to Jesus in reply,
“Lord, it is good that we are here.
If you wish, I will make three tents here,
one for you, one for Moses, and one for Elijah.”
While he was still speaking, behold,
a bright cloud cast a shadow over them,
then from the cloud came a voice that said,
“This is my beloved Son, with whom I am well pleased;
listen to him.”
When the disciples heard this, they fell prostrate
and were very much afraid.
But Jesus came and touched them, saying,
“Rise, and do not be afraid.”
And when the disciples raised their eyes,
they saw no one else but Jesus alone.
As they were coming down from the mountain,
Jesus charged them,
“Do not tell the vision to anyone
until the Son of Man has been raised from the dead.”

Ang Pagbabagong Anyo ni Hesus
Mateo 17:1-9
 Pagkaraan ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro at Santiago, at si Juan na kaniyang kapatid. Dinala niya silang bukod sa isang mataas na bundok. Nagbagong-anyo siya sa harap nila. Nagliwanag ang kaniyang mukha na parang araw. Pumuti ang kaniyang mga damit na gaya ng busilak ng liwanag. Narito, biglang nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.
   
 Sinabi ni Pedro kay Jesus: Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung ibig mo, gagawa kami rito ng tatlong kubol. Isa ang para sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.
   
 Habang nagsasalita pa siya, narito, nililiman sila ng isang maningning na ulap. Narito, may isang tinig na buhat sa ulap na nagsasabi: Ito ang pinakamamahal kong Anak na labis kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.
   
 Nang marinig ito ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa at sila ay lubhang natakot. Lumapit si Jesus at hinipo niya sila. Sinabi niya: Tumayo kayo at huwag kayong matakot. Nang tumingin sila sa paligid, wala silang ibang nakita kundi si Jesus lamang.
   
 Habang bumababa sila sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus na sinabi: Huwag ninyong sabihin kaninuman ang pangitaing ito hanggang sa muling mabuhay mula sa mga patay ang Anak ng Tao.

Our gospel for Mar 19. Joseph did as commanded

Mt 1:16, 18-21, 24a

Jacob was the father of Joseph, the husband of Mary.
Of her was born Jesus who is called the Christ.

Now this is how the birth of Jesus Christ came about.
When his mother Mary was betrothed to Joseph,
but before they lived together,
she was found with child through the Holy Spirit.
Joseph her husband, since he was a righteous man,
yet unwilling to expose her to shame,
decided to divorce her quietly. Such was his intention when, behold,
the angel of the Lord appeared to him in a dream and said,
“Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home.

For it is through the Holy Spirit that this child has been conceived in her.She will bear a son and you are to name him Jesus,because he will save his people from their sins.”When Joseph awoke,he did as the angel of the Lord had commanded him
and took his wife into his home.

Friday, March 18, 2011

Our Gospel for March 18. Reconcile! Reconcile! Reconcile!

Matthew 5:20-26

Jesus said to his disciples:
“I tell you, unless your righteousness surpasses that of the scribes and Pharisees,you will not enter into the Kingdom of heaven.
“You have heard that it was said to your ancestors,
You shall not kill; and whoever kills will be liable to judgment.
But I say to you, whoever is angry with his brother will be liable to judgment,and whoever says to his brother, Raqa, will be answerable to the Sanhedrin,and whoever says, ‘You fool,’ will be liable to fiery Gehenna.
Therefore,if you bring your gift to the altar,and there recall that your brother has anything against you, leave your gift there at the altar, go first and be reconciled with your brother,and then come and offer your gift.  


Settle with your opponent quickly while on the way to court.Otherwise your opponent will hand you over to the judge,and the judge will hand you over to the guard,and you will be thrown into prison.Amen, I say to you,you will not be released until you have paid the last penny.”


Makipagkasundo...Makipagbati...Makipagayos!
 
Mateo 5:20-26

Sinasabi ko sa inyo: Maliban na ang inyong katuwiran ay hihigit sa katuwiran ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo, sa anumang paraan ay hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit.

Narinig ninyong sinabi nila noong unang panahon: Huwag kang papatay. Ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib sa paghatol. Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang sinumang nagagalit sa kaniyang kapatid ng walang dahilan ay mapapasapanganib ng kahatulan. Ang sinumang magsabi sa kaniyang kapatid: Hangal ka, siya ay mapapasapanganib sa Sanhedrin. Ngunit ang sinumang magsabi: Wala kang kabuluhan, siya ay mapapasapanganib sa apoy ng impiyerno.
    
Kaya nga, kapag ikaw ay magdala ng iyong kaloob sa dambana at doon ay maala-ala mo na ang iyong kapatid ay may laban sa iyo, iwanan mo roon sa harap ng dambana ang iyong kaloob. Lumakad ka at makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid. Pagkatapos ay bumalik ka at maghandog ng iyong kaloob.
    
Makipagkasundo ka muna sa nagsasakdal sa iyo habang ikaw ay kasama niya sa daan. Kung hindi ay baka ibigay ka ng nagsasakdal sa iyo sa hukom at ibigay ka naman ng hukom sa opisyal at ipabilanggo ka. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa anumang paraan ay hindi ka makakalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang huling sentimo.



Thursday, March 17, 2011

Our Gospel for March 17. Do to others whatever you would have them do to you.

Matthew 7:7-12

Jesus said to his disciples:
“Ask and it will be given to you;seek and you will find;knock and the door will be opened to you.For everyone who asks, receives; and the one who seeks, finds;and to the one who knocks, the door will be opened. 
Which one of you would hand his son a stone when he asked for a loaf of bread,or a snake when he asked for a fish? If you then, who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will your heavenly Father give good things to those who ask him.

“Do to others whatever you would have them do to you. This is the law and the prophets.”

Humingi, Maghanap, Kumatok
Mateo 7:7-12

Humingi kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at makakasumpong kayo. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo. Ito ay sapagkat ang bawat isang humihingi ay tumatanggap. Siya na naghahanap ay nakakasumpong. Ang kumakatok ay pinagbubuksan.
     
Sino kaya sa inyo ang magbibigay ng isang bato sa kaniyang anak kung ito ay humingi ng tinapay? Kung humingi siya sa kaniya ng isda, bibigyan ba niya ito ng ahas? Kayo, bagaman masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Hindi ba niya ibibigay ang mabubuting bagay sa kanila na humihingi sa kaniya? Kaya nga, ang lahat ng bagay na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo ay gayundin ang gawin ninyo sa kanila sapagkat ito ang kabuuan ng Kautusan at ng mga Propeta.

Wednesday, March 16, 2011

Our Gospel for March 16. The sign of Jonah.

Luke 11:29-32

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them,
“This generation is an evil generation;
it seeks a sign, but no sign will be given it,
except the sign of Jonah.
Just as Jonah became a sign to the Ninevites,
so will the Son of Man be to this generation.
At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them,
because she came from the ends of the earth
to hear the wisdom of Solomon,and there is something greater than Solomon here.
At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it,because at the preaching of Jonah they repented,and there is something greater than Jonah here.”

Si Jonas Bilang Isang Tanda
Lucas 11:29-32
Nang nagkatipon ang napakaraming tao, siya ay nagsimulang magsalita. Sinabi niya: Ang lahing ito ay masama. Mahigpit na naghahangad sila ng tanda. Walang tanda na ibibigay sa kanila maliban ang tanda ni Jonas na propeta. Kung papaanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa lahing ito. Ang reyna ng timog ay titindig sa paghuhukom kasama ang mga lalaki ng lahing ito at siya ang hahatol sa lahing ito. Ito ay sapagkat galing siya sa kadulu-duluhan ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. Narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon ay naririto.
   
Ang mga lalaki sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng lahing ito at hahatulan nila ang lahing ito, sapagkat ang mga lalaki ng Nineve ay nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas. Narito, isang lalong higit kaysa kay Jonas ay naririto na.

Tuesday, March 15, 2011

Our Gospel for March 15. The Lord's Prayer.

Matthew 6:7-15

Jesus said to his disciples:
“In praying, do not babble like the pagans,
who think that they will be heard because of their many words.
Do not be like them.
Your Father knows what you need before you ask him.
 “This is how you are to pray:


Our Father who art in heaven,
hallowed be thy name,
thy Kingdom come,
thy will be done,
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread;
and forgive us our trespasses,
as we forgive those who trespass against us;
and lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
“If you forgive men their transgressions,
your heavenly Father will forgive you.
But if you do not forgive men,
neither will your Father forgive your transgressions.”

Ang Panalangin ng ating Panginoon.

Mateo 6:7-15

Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tularan sapagkat alam na ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan bago pa man kayo humingi sa kaniya.
   
 Manalangin kayo sa ganitong paraan:
   Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.
    Dumating nawa ang paghahari mo. Mangyari nawa ang kalooban mo dito sa lupa gaya ng sa langit. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
    Patawarin mo kami sa aming pagkakautang, gaya
   naman ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip iligtas mo kami sa masama, sapagkat iyo ang paghahari,ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian magpakailanman.
   Siya nawa.
    Ito ay sapagkat kung patawarin ninyo ang mga tao sa kanilang pagsalangsang, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo patawarin ang mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong pagsalangsang.

Monday, March 14, 2011

Our Gospel for March 14. The Judgment of the Nations.

Matthew 25:31-46


Jesus said to his disciples:
“When the Son of Man comes in his glory,
and all the angels with him,
he will sit upon his glorious throne,
and all the nations will be assembled before him.
And he will separate them one from another,
as a shepherd separates the sheep from the goats.
He will place the sheep on his right and the goats on his left.
Then the king will say to those on his right,
‘Come, you who are blessed by my Father.
Inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world.
For I was hungry and you gave me food,
I was thirsty and you gave me drink,
a stranger and you welcomed me,
naked and you clothed me,
ill and you cared for me,
in prison and you visited me.’
Then the righteous will answer him and say,
‘Lord, when did we see you hungry and feed you,
or thirsty and give you drink?
When did we see you a stranger and welcome you,
or naked and clothe you?
When did we see you ill or in prison, and visit you?’
And the king will say to them in reply,
‘Amen, I say to you, whatever you did
for one of these least brothers of mine, you did for me.’
Then he will say to those on his left,
‘Depart from me, you accursed,
into the eternal fire prepared for the Devil and his angels.
For I was hungry and you gave me no food,
I was thirsty and you gave me no drink,
a stranger and you gave me no welcome,
naked and you gave me no clothing,
ill and in prison, and you did not care for me.’
Then they will answer and say,
‘Lord, when did we see you hungry or thirsty
or a stranger or naked or ill or in prison,
and not minister to your needs?’
He will answer them, ‘Amen, I say to you,
what you did not do for one of these least ones,
you did not do for me.’
And these will go off to eternal punishment,
but the righteous to eternal life.”

Ang mga Tupa at ang mga Kambing

Mateo 25:31-46

Darating ang Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian kasama ng mga banal na anghel. Kapag siya ay dumating, siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian. Titipunin niya ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan. Ihihiwalay niya sila sa isa't isa katulad ng paghihiwalay ng pastol sa mga tupa mula sa mga kambing. Itatalaga niya ang mga tupa sa kaniyang kanang kamay, ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
     
Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa mga nasa kaniyang kanang kamay: Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang paghaharing inihanda sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan. Ito ay sapagkat nagutom ako at binigyan ninyo ako ng makakain. Nauhaw ako at binigyan ninyo ako ng maiiinom. Ako ay naging taga-ibang bayan at ako ay inyong pinatuloy. Ako ay naging hubad at dinamitan ninyo. Nagkasakit ako at ako ay inyong dinalaw. Nabilanggo ako at ako ay inyong pinuntahan.
     
Sasagot naman ang mga matuwid sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain ka namin o nauhaw at binigyan ng maiinom? Kailan ka namin nakitang naging taga-ibang bayan at pinatuloy ka o naging hubad at dinamitan ka namin? Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at dumalaw kami sa iyo?
     
Sasagot ang hari sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.
     
Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel. Ito ay sapagkat nagutom ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng makakain. Nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng maiinom. Ako ay naging taga-ibang bayan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan. Nagkasakit ako at nabilanggo ngunit hindi ninyo ako dinalaw.
    
Sasagot din sila sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging taga-ibang bayan, o naging hubad o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?
     
Siya ay sasagot sa kanila na sinasabi: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, hindi rin ninyo ito ginawa sa akin.
    
Ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan. Ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.

Sunday, March 13, 2011

Jesus Fasts and Tempted. Our Gospel for March 13, 2011

Matthew 4:1-11

At that time Jesus was led by the Spirit into the desert
to be tempted by the devil.
He fasted for forty days and forty nights,
and afterwards he was hungry.
The tempter approached and said to him,
“If you are the Son of God,
command that these stones become loaves of bread.”
He said in reply,
“It is written:
One does not live on bread alone,

but on every word that comes forth

from the mouth of God
.”
Then the devil took him to the holy city,
and made him stand on the parapet of the temple,
and said to him, “If you are the Son of God, throw yourself down.
For it is written:
He will command his angels concerning you

and with their hands they will support you,

lest you dash your foot against a stone.

Jesus answered him,
“Again it is written,
You shall not put the Lord, your God, to the test
.”
Then the devil took him up to a very high mountain,
and showed him all the kingdoms of the world in their magnificence,
and he said to him, "All these I shall give to you,
if you will prostrate yourself and worship me.”
At this, Jesus said to him,
“Get away, Satan!
It is written:
The Lord, your God, shall you worship

and him alone shall you serve.
Then the devil left him and, behold,
angels came and ministered to him.

Tinukso ng Diyablo si Jesus
Mateo 4:1-11
Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya. Lumapit ang manunukso sa kaniya at sinabi: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.
   
Sumagot si Jesus sa kaniya, na sinasabi: Nasusulat:
      Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao
      kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig
      ng Diyos.
   
Nang magkagayon, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod. Pinatayo siya sa taluktok ng templo. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka sapagkat nasusulat:
      Uutusan niya ang kaniyang mga anghel
      patungkol sa iyo. Bubuhatin ka at dadalhin ka
      ng kanilang mga kamay upang hindi tumama
      ang iyong paa sa bato.
    
Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:
      Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.
    
Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanlibutan at ang kaluwalhatian nito. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.
     
Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniya: Lumayo ka, Satanas, sapagkat nasusulat:
      Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at
      siya lamang ang iyong paglingkuran.
     
Nang magkagayon, iniwan siya ng diyablo. Narito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.