Sunday, May 29, 2011

Bible Sharing Online blog

Please be advised that my latest posting of our Daily Gospel is now at biblesharingonline.wordpress.com

Please click this link and you will be redirected to the site. I encourage you to share your reflection in Tagalog or English, English or Tagalog or Taglish.

May God continue to shower you with abundant blessings!

Ed

Wednesday, May 18, 2011

Bible sharing online blog

Hi there, 


Please be advised that my latest posting of our Holy Gospel can be found at biblesharingonline.wordpress.com


Sorry for the inconvenience this might have caused you. 


Thank you and God bless. 


Ed 

Thursday, May 12, 2011

The Living Bread. Our Gospel for May 12, 2011


John 6:44-51

Jesus said to the crowds:
“No one can come to me unless the Father who sent me draw him, and I will raise him on the last day. 
It is written in the prophets:
They shall all be taught by God.  Everyone who listens to my Father and learns from him comes to me. Not that anyone has seen the Father except the one who is from God; he has seen the Father.  Amen, amen, I say to you, whoever believes has eternal life.  I am the bread of life. Your ancestors ate the manna in the desert, but they died; this is the bread that comes down from heaven so that one may eat it and not die.  I am the living bread that came down from heaven; whoever eats this bread will live forever; and the bread that I will give is my Flesh for the life of the world.”

Tinapay na Buhay.

Juan 6:44-51

44Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at ibabangon ko siya sa huling araw. 45Nasusulat sa aklat ng mga propeta: At silang lahat ay tuturuan ng Diyos. Ang bawat isa nga na nakarinig sa Ama at natuto ay lumalapit sa akin. 46Ito ay hindi dahil sa nakita ng sinuman ang Ama. Ang tanging nakakita sa Ama ay siya na mula sa Diyos. 47Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48Ako ang tinapay ng buhay. 49Ang inyong mga magulang na kumain ng tinapay sa ilang ay nangamatay na. 50Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit. Maaaring kumain nito ang sinuman at hindi mamamatay. 51Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Ang sinumang makakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman. Ito ang aking ibibigay para sa buhay ng sanlibutan.

Wednesday, May 11, 2011

The will of the Father. Our Gospel for May 11, 2011

John 6:35-40
Jesus said to the crowds,
“I am the bread of life;
whoever comes to me will never hunger, and whoever believes in me will never thirst. But I told you that although you have seen me,
you do not believe. Everything that the Father gives me will come to me,
and I will not reject anyone who comes to me, because I came down from heaven not to do my own will but the will of the one who sent me. And this is the will of the one who sent me,that I should not lose anything of what he gave me, but that I should raise it on the last day. For this is the will of my Father, that everyone who sees the Son and believes in him may have eternal life, and I shall raise him on the last day.”

Ang Kalooban ng Ama
Juan 6:35-40 
Sinabi ni Jesus sa kanila:Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman. Siya na sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.
Sinabi ko sa inyo, na nakita rin ninyo ako at hindi kayo sumampalataya. Ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin. Siya na lalapit sa akin ay hindi ko itataboy kailanman. Ito ay sapagkat ako ay bumaba mula sa langit hindi upang gawin ang sarili kong kalooban kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. Ito ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin: Wala akong iwawaglit sa lahat nang ibinigay niya sa akin ngunit ibabangon siya sa huling araw. Ito ang kalooban niya na nagsugo sa akin: Ang bawat isa na nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ibabangon ko siya sa huling araw.

Tuesday, May 10, 2011

Bread from Heaven. Our Gospel for May 10, 2011

John 6:30-35

The crowd said to Jesus:
“What sign can you do, that we may see and believe in you? What can you do?
Our ancestors ate manna in the desert, as it is written:
He gave them bread from heaven to eat.”
So Jesus said to them,
“Amen, amen, I say to you,
it was not Moses who gave the bread from heaven; my Father gives you the true bread from heaven.
For the bread of God is that which comes down from heaven
and gives life to the world.”
So they said to Jesus,
“Sir, give us this bread always.”
Jesus said to them, “I am the bread of life;
whoever comes to me will never hunger,
and whoever believes in me will never thirst.”

Tinapay mula sa Langit.

Juan 6:30-35

 30Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ngayon ang tandang gagawin mo upang makita namin at sumampalataya kami sa iyo? Ano ang gagawin mo? 31Ang mga ninuno namin ay kumain ng mana sa ilang. Katulad ng nasusulat: 



Binigyan niya sila ng tinapay na kakainin na nagmula sa langit.
  
 32Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi kayo binigyan ni Moises ng tinapay mula sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33Ito ay sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumabang mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.

  
 34Kanila ngang sinabi sa kaniya: Panginoon, bigyan mo kami ng tinapay na ito.

  
 35Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman. Siya na sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

The Bread of Life. Our Gospel for May 9,2011


The Bread of Life
John 6:22-29
[After Jesus had fed the five thousand men, his disciples saw him walking on the sea.]
The next day, the crowd that remained across the sea saw that there had been only one boat there,
and that Jesus had not gone along with his disciples in the boat, but only his disciples had left. Other boats came from Tiberias near the place where they had eaten the bread when the Lord gave thanks.
When the crowd saw that neither Jesus nor his disciples were there, they themselves got into boats and came to Capernaum looking for Jesus. And when they found him across the sea they said to him,
“Rabbi, when did you get here?”
Jesus answered them and said,
“Amen, amen, I say to you, you are looking for me not because you saw signs
but because you ate the loaves and were filled. Do not work for food that perishes but for the food that endures for eternal life, which the Son of Man will give you.  For on him the Father, God, has set his seal.” 
So they said to him,
“What can we do to accomplish the works of God?”
Jesus answered and said to them,
“This is the work of God, that you believe in the one he sent.”



Ikaw Jesus ang Tinapay ng Buhay.
Juan 6: 22-29
22Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa kabilang ibayo ng lawa na walang ibang bangka roon. Ang naroroon lang ay ang sinakyan ng mga alagad ni Jesus. Alam nilang hindi sumama si Jesus sa kaniyang mga alagad sa bangka at sila lang ang umalis. 23May ibang mga bangkang dumating na mula sa Tiberias. Ito ay malapit sa pook na kung saan sila ay kumain ng tinapay pagkatapos pasalamatan ng Panginoon. 24Nakita nga ng mga tao na wala si Jesus maging ang mga alagad niya. Pagkatapos sumakay rin sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum at hinahanap nila si Jesus.
 25Natagpuan nila siya sa kabilang dako ng lawa. Pagkakita nila, tinanong nila siya: Guro, kailan ka pumunta rito?
   
 26Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hinanap ninyo ako hindi sa dahilang nakita ninyo ang mga tanda. Ang dahilan ay nakakain kayo ng mga tinapay na sebada at nasiyahan.27Huwag kayong gumawa para sa pagkaing nasisira kundi gumawa kayo para sa pagkaing mananatili sa walang hanggang buhay. Ito ay ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.
   
 28Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ang gagawin namin upang aming magawa ang mga gawaing mula sa Diyos?
   
 29Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Ito ang gawain mula sa Diyos, na kayo ay sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama.
   

Sunday, May 8, 2011

We were hoping that he would be the one to redeem Israel.Our Gospel for May 8, 2011

Luke 24:13-35
That very day, the first day of the week,  two of Jesus’ disciples were going to a village seven miles from Jerusalem called Emmaus, and they were conversing about all the things that had occurred. And it happened that while they were conversing and debating, Jesus himself drew near and walked with them, but their eyes were prevented from recognizing him.He asked them, 
“What are you discussing as you walk along?”
They stopped, looking downcast.
One of them, named Cleopas, said to him in reply,
“Are you the only visitor to Jerusalem who does not know of the things that have taken place there in these days?” And he replied to them, “What sort of things?”
They said to him,
“The things that happened to Jesus the Nazarene, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, how our chief priests and rulers both handed him over
to a sentence of death and crucified him. But we were hoping that he would be the one to redeem Israel; and besides all this, it is now the third day since this took place. Some women from our group, however, have astounded us: they were at the tomb early in the morning
and did not find his body; they came back and reported that they had indeed seen a vision of angels who announced that he was alive. Then some of those with us went to the tomb and found things just as the women had described, but him they did not see.” And he said to them, “Oh, how foolish you are! How slow of heart to believe all that the prophets spoke!
Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?”
Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them what referred to him
in all the Scriptures. As they approached the village to which they were going, he gave the impression that he was going on farther. But they urged him, 
“Stay with us, for it is nearly evening and the day is almost over.”
So he went in to stay with them. And it happened that, while he was with them at table,
he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them. With that their eyes were opened and they recognized him, but he vanished from their sight. Then they said to each other, “Were not our hearts burning within us while he spoke to us on the way and opened the Scriptures to us?”
So they set out at once and returned to Jerusalem where they found gathered together
the eleven and those with them who were saying,
“The Lord has truly been raised and has appeared to Simon!”
Then the two recounted  what had taken place on the way and how he was made known to them in the breaking of bread.

Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel.

Lucas 24:13-35 

 13Narito, dalawa sa kanila ay pumunta nang araw ding iyon sa isang nayon na tinatawag na Emaus. May mahigit sa labing-isang kilometro ang layo nito sa Jerusalem. 14Sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15Habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, nangyari na si Jesus ay lumapit at sumama sa kanila. 16Ang kanilang mga mata ay pinapanatiling hindi makakilala sa kaniya.   
 17Sinabi niya sa kanila: Ano ang pinaguusapan ninyo habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mukha?
   
 18Ang isa na nagngangalang Cleopas ay sumagot. Sinabi niya: Ikaw lang ba ang tanging naninirahang pansamantala sa Jerusalem na hindi nakaalam ng nangyari sa mga araw na ito?
   
 19Sinabi niya sa kanila: Anong mga bagay?
   Sinabi nila sa kaniya: Ang mga bagay na patungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Siya ay isang propeta. Sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao siya ay makapangyarihan sa gawa at salita. 20Siya ay ibinigay ng mga pinunong-saserdote at ng mga pinuno namin upang hatulang mamatay at ipako sa krus. 21Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel. Bukod sa mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga bagay na ito. 22Higit pa rito, nagtaka kami sa sinabi sa amin ng ilan sa mga kasama naming babae. Pumunta sila nang maaga sa libingan. 23Sila ay pumunta sa amin nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus. Sinabi rin nila na sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel. Ang mga anghel ay nagsabi: Siya ay buhay. 24Ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan. Nakita nila ang tulad ng sinabi ng mga babae ngunit hindi nila nakita si Jesus.
   
 25Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.
   
 28Sila ay papalapit na sa kanilang pupuntahan at siya ay waring pupunta pa sa malayo. 29Siya ay pinilit nila at sinabi: Manatili ka na muna sa amin sapagkat gumagabi na at patapos na ang araw. At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.
   
 30At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala. Pagkaputol niya nito, ibinigay niya ito sa kanila. 31At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya. At siya ay naglaho mula sa kanila. 32Sinabi nila sa isa't isa: Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan? Hindi ba nag-aalab ito habang ipinaliliwanag niya sa atin ang mga kasulatan?
   
 33At nang oras ding iyon, bumangon sila at bumalik sa Jerusalem. Nasumpungan nilang sama-samang nagkakatipon ang labing-isang alagad at ang kanilang mga kasama. 34Sinabi nila: Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon. 35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.



Saturday, May 7, 2011

"It is I.Do not be afraid." Our Gospel for May 7, 2011.

John 6:16-21
When it was evening, the disciples of Jesus went down to the sea, embarked in a boat, and went across the sea to Capernaum. It had already grown dark, and Jesus had not yet come to them. The sea was stirred up because a strong wind was blowing. When they had rowed about three or four miles, they saw Jesus walking on the sea and coming near the boat, and they began to be afraid. But he said to them, 
“It is I. Do not be afraid.”
They wanted to take him into the boat, 
but the boat immediately arrived at the shore to which they were heading.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
John 6:16-21
 Nang magtakipsilim na, lumusong ang kaniyang mga alagad sa lawa. Sumakay sila sa bangka. Sila ay papatawid ng lawa patungong Capernaum. Dumilim na at hindi pa nila kasama si Jesus. Sa pag-ihip ng malakas na hangin, ang lawa ay naging maalon. Nang sila ay nakagaod na ng may lima o anim na kilometro nakita nila si Jesus. 
Siya ay lumalakad sa ibabaw ng lawa papalapit sa bangka at sila ay natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila: Ako ito, huwag kayong matakot. Malugod nga nilang pinasakay si Jesus sa bangka. Kapagdaka, ang bangka ay nasa lupa na ng kanilang pupuntahan.

Five loaves, two fish.Our Gospel for May 6, 2011

John 6:1-15


Jesus went across the Sea of Galilee. A large crowd followed him, because they saw the signs he was performing on the sick.
Jesus went up on the mountain, and there he sat down with his disciples. 
The Jewish feast of Passover was near. When Jesus raised his eyes and saw that a large crowd was coming to him,
he said to Philip, 

“Where can we buy enough food for them to eat?”


He said this to test him, because he himself knew what he was going to do. Philip answered him,
“Two hundred days’ wages worth of food would not be enough for each of them to have a little.”
One of his disciples, Andrew, the brother of Simon Peter, said to him,
“There is a boy here who has five barley loaves and two fish;
but what good are these for so many?”
Jesus said, 

“Have the people recline.” 
Now there was a great deal of grass in that place.  So the men reclined, about five thousand in number. Then Jesus took the loaves, gave thanks, and distributed them to those who were reclining, and also as much of the fish as they wanted. When they had had their fill, he said to his disciples,
“Gather the fragments left over, so that nothing will be wasted.”
So they collected them, and filled twelve wicker baskets with fragments from the five barley loaves that had been more than they could eat.



When the people saw the sign he had done, they said, “This is truly the Prophet, the one who is to come into the world.”  Since Jesus knew that they were going to come and carry him off to make him king, he withdrew again to the mountain alone.








Ang Pagpapakain ni Jesus sa Limang Libong Lalaki


Juan 6:1-15




 1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumawid si Jesus sa lawa ng Galilea. Ito ay ang lawa ng Tiberias. 2Maraming mga tao ang sumunod sa kaniya dahil nakita nila ang mga tanda na kaniyang ginawa sa mga maysakit. 3Si Jesus ay umakyat sa bundok at umupo roon na kasama ng kaniyang mga alagad. 4Malapit na ang araw ng Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio.
   
 5Nang tumingin si Jesus sa paligid, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kaniya. Sinabi niya kay Felipe: Saan tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga ito? 6Sinabi niya ito upang subukin si Felipe sapagkat alam na niya kung ano ang kaniyang gagawin.

   
 7Sumagot si Felipe sa kaniya: Ang dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.

   
 8Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya: 9Mayroong isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang maliit na isda. Gasino na ito sa ganitong karaming tao?

   
 10Sinabi ni Jesus: Paupuin ninyo ang mga tao. Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang dami ay humigit-kumulang sa limang libo. 11Kinuha ni Jesus ang mga tinapay. Nang makapagpasalamat siya, ipinamahagi niya ito sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga nila sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa sa mga isda, ito ay ipinamahagi gaano man ang kanilang ibigin.

   
 12Nang sila ay mabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Ipunin ninyo ang mga lumabis na bahagi upang walang masayang. 13Inipon nga nila ang mga lumabis. Nakapuno sila ng labindalawang bakol ng bahaging mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga kumain.

   
 14Nakita ng mga tao ang tandang ginawa ni Jesus. Dahil dito kanilang sinabi: Totoong ito na nga ang propeta na darating sa sanlibutan. 15Nalaman ni Jesus na sila ay papalapit at siya ay susunggaban upang gawing hari. Dahil dito siya ay umalis at pumuntang muli na nag-iisa sa bundok.

Thursday, May 5, 2011

Whoever believes in the Son has eternal life. Our Gospel for May 5, 2011



John 3:31-36

The one who comes from above is above all.
The one who is of the earth is earthly and speaks of earthly things. But the one who comes from heaven is above all.
He testifies to what he has seen and heard, but no one accepts his testimony. Whoever does accept his testimony certifies that God is trustworthy. For the one whom God sent speaks the words of God. He does not ration his gift of the Spirit. The Father loves the Son and has given everything over to him.
Whoever believes in the Son has eternal life, but whoever disobeys the Son will not see life, but the wrath of God remains upon him.

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. 

Juan 3:31-36

31Siya na nagmula sa itaas ay higit sa lahat. Siya na nagmula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita ng ukol sa lupa. Siya na nagmula sa langit ay higit sa lahat. 32Siya ay nagpapatotoo sa kaniyang nakita at narinig at walang sinumang tumatanggap ng kaniyang patotoo. 33Siya na tumanggap ng kaniyang patotoo ay nagpatunay na ang Diyos ay totoo. 34Ito ay sapagkat siya na isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos. Ibinibigay ng Diyos ang Espiritu nang walang sukat. 35Iniibig ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. 36Siya na sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kaniya.

God so loved the world. Our Gospel for May 4, 2011





John 3:16-21


God so loved the world that he gave his only-begotten Son,
so that everyone who believes in him might not perish
but might have eternal life.
For God did not send his Son into the world to condemn the world,
but that the world might be saved through him.
Whoever believes in him will not be condemned,
but whoever does not believe has already been condemned,
because he has not believed in the name of the only-begotten Son of God.
And this is the verdict,
that the light came into the world,
but people preferred darkness to light,
because their works were evil.
For everyone who does wicked things hates the light
and does not come toward the light,
so that his works might not be exposed.
But whoever lives the truth comes to the light,
so that his works may be clearly seen as done in God.









Iniibig ng Diyos ang sanlibutan.


Juan 3:16-21


16Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. 18Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. 19Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. 20Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. 21Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.

Wednesday, May 4, 2011

Attention!





The Maker of all human beings (GOD) is recalling all units manufactured, regardless of make or year, due to a serious defect in the primary and central component of the heart.
This is due to a malfunction in the original prototype units code named Adam and Eve, resulting in the reproduction of the same defect in all subsequent units. This defect has been technically termed "Sub-sequential Internal Non-Morality," or more commonly known as S.I.N., as it is primarily expressed. 

Some 
of the symptoms include

1. Loss of direction
2. Foul vocal emissions
3. Amnesia of origin
4. Lack of peace and joy
5. Selfish or violent behavior
6. Depression or confusion in the mental component
7. Fearfulness
8. Idolatry
9. Rebellion


The Manufacturer, who is neither liable nor at fault for this defect, is providing factory-authorized repair and service free of charge to correct this defect.
 
The Repair Technician, JESUS, has most generously offered to bear the entire burden of the staggering cost of these repairs. There is no additional fee required
The number to call for repair in all areas is: P-R-A-Y-E-R.
Once connected, please upload your burden of SIN through the REPENTANCE procedure. Next, download ATONEMENT from the Repair Technician,Jesus, into the heart component. 


No matter how big or small the SIN defect is,Jesus will replace it with: 

1. Love
2. Joy
3. Peace
4. Patience
5. Kindness
6. Goodness
7. Faithfulness
8. Gentleness
9. Self control 


Please see the operating manual, theB.I.B.L.E. (Basic Instructions Before Leaving Earth) for further details on the use of these fixes. 

WARNING:
 Continuing to operate the human being unit without correction voids any manufacturer warranties, exposing the unit to dangers and problems too numerous to list and will result in the human unit being permanently impounded. For free emergency service, call on Jesus

DANGER:
 The human being units not responding to this recall action will have to be scrapped in the furnace. The SIN defect will not be permitted to enter Heaven so as to prevent contamination of that facility. Thank you for your attention! 

- GOD
 


P.S. Please assist where possible by notifying others of this important recall notice, and you may contact the Father any time by 'Knee mail'! 


Because He Lives!


If you ask anything of me in my name, I will do it.Our Gospel for May 3,2011

John 14:6-14

Jesus said to Thomas, 
“I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.
If you know me, then you will also know my Father.
From now on you do know him and have seen him.”
Philip said to him,
“Master, show us the Father, and that will be enough for us.”
Jesus said to him, 
“Have I been with you for so long a time and you still do not know me, Philip? Whoever has seen me has seen the Father.
How can you say, ‘Show us the Father’?
Do you not believe that I am in the Father and the Father is in me? The words that I speak to you I do not speak on my own. The Father who dwells in me is doing his works.
Believe me that I am in the Father and the Father is in me,
or else, believe because of the works themselves.
Amen, amen, I say to you,
whoever believes in me will do the works that I do, and will do greater ones than these, because I am going to the Father. 

And whatever you ask in my name, I will do,
so that the Father may be glorified in the Son.
If you ask anything of me in my name, I will do it.”

Kung hihingi kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.

Juan 14: 6-14

6Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko. 7Kung ako ay kilala na ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at nakita na ninyo siya.
   
 8Sinabi ni Felipe sa kaniya: Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at iyon ay sapat na sa amin.

   
 9Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi: Ipakita mo sa amin ang Ama? 10Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama at ang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain. 11Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa mga gawa. 12Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawang ginagawa ko. Higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa Ama. 



13Anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14Kung hihingi kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.

Monday, May 2, 2011

Born of the Spirit. Our Gospel for May 2, 2011

John 3:1-8


There was a Pharisee named Nicodemus, a ruler of the Jews.
He came to Jesus at night and said to him,
“Rabbi, we know that you are a teacher who has come from God, for no one can do these signs that you are doing
unless God is with him.”
Jesus answered and said to him,
“Amen, amen, I say to you, unless one is born from above, he cannot see the Kingdom of God.” 
Nicodemus said to him,
“How can a man once grown old be born again? Surely he cannot reenter his mother’s womb and be born again, can he?” Jesus answered,
“Amen, amen, I say to you, unless one is born of water and Spirit he cannot enter the Kingdom of God.



What is born of flesh is flesh and what is born of spirit is spirit.
Do not be amazed that I told you,
‘You must be born from above.’
The wind blows where it wills, and you can hear the sound it makes, but you do not know where it comes from or where it goes;
so it is with everyone who is born of the Spirit.”





Ipinanganak sa Espiritu.
Juan 3:1-8


 1May isang lalaki sa mga Fariseo na ang pangalan ay Nicodemo. Siya ay isang pinuno ng mga Judio. 2Pumunta siya kay Jesus nang gabi at sinasabi niya: Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na mula sa Diyos. Ito ay sapagkat walang makakagawa ng mga tanda na iyong ginagawa malibang sumasakaniya ang Diyos.
   
 3Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya maaaring makita ang paghahari ng Diyos.

   
 4Itinanong ni Nicodemo sa kaniya: Papaano maipanganganak ang taong matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak?

   
 5Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos. 6Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. 7Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kinakailangang ipanganak kang muli.8Ang hangin ay umiihip kung saan nito ibig. Naririnig mo ang ugong nito ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Gayon ang bawat ipinanganak sa Espiritu.

   

Peace be with you. Our Gospel for May 1, 2011



John 20:19-31

On the evening of that first day of the week, when the doors were locked, where the disciples were, for fear of the Jews,
Jesus came and stood in their midst and said to them, 
“Peace be with you.”
When he had said this, he showed them his hands and his side. The disciples rejoiced when they saw the Lord.
Jesus said to them again, 
“Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you.”
And when he had said this, 
he breathed on them and said to them,
“Receive the Holy Spirit. Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained.”
Thomas, called Didymus, one of the Twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples said to him, “We have seen the Lord.”
But he said to them,
“Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger into the nailmarks and put my hand into his side, I will not believe.” 
Now a week later his disciples were again inside and Thomas was with them. Jesus came, although the doors were locked,and stood in their midst and said, 
“Peace be with you.”
Then he said to Thomas, 
“Put your finger here and see my hands, and bring your hand and put it into my side, and do not be unbelieving, but believe.”
Thomas answered and said to him, 
“My Lord and my God!”
Jesus said to him, 
“Have you come to believe because you have seen me?
Blessed are those who have not seen and have believed.”

Now, Jesus did many other signs in the presence of his disciples that are not written in this book. But these are written that you may come to believe that Jesus is the Christ, the Son of God, and that through this belief you may have life in his name.



Nagpakita si Jesus sa Kaniyang mga Alagad
Juan 20:19-31

 Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo, nagtipon ang mga alagad. Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot nila sa mga Judio at dumating si Jesus at tumayo sa kanilang kalagitnaan. Sinabi sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. Kaya nga, nagalak ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.
   
 Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano ako isinugo ng Ama, gayundin, isinusugo ko kayo. Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa kanila. Ang kaninumang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito ay hindi pinatatawad.

Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Jesus. inabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita namin ang Panginoon.
   Sinabi niya sa kanila: Malibang makita ko ang tanda ng mga pako sa kaniyang mga kamay at mailagay ko ang aking mga daliri roon, at maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, kailanman ay hindi ako maniniwala. 

   
 Makalipas ang walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit na nakapinid ang mga pinto dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. At sinabi niya: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkatapos noon, sinabi niya kay Tomas: Ilagay mo ang iyong daliri rito at tingnan mo ang aking mga kamay. Iabot mo ang iyong kamay rito at ipasok sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, kundi sumampalataya ka.
   
 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos.
   
 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.
   
 Marami pang ibang mga tanda ang ginawa ni Jesus sa harapan ng kaniyang mga alagad. Ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay sinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. At ang mga ito ay sinulat upang pagkatapos ninyong sumampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.