Sunday, October 3, 2010

Our Gospel for Sept 29. Please share your reflections. Everyone is welcome to join.

Wednesday, September 29, 2010

 Juan 1: 47-51
Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Hesus," Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Nathanel, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Hesus,"Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng Igos." "Rabi kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Nathanel. Sinabi ni Hesus, "Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!"At sinabi nya sa lahat, "Tandaan ninyo, makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga Anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!"

My reflection:

Tayo man ay tinatawag ni Hesus upang ipalaganap ang kanyang mga "Gawa at Salita" sa ating kapwa. Dahil sa ating Faith o pananampalataya,tayo man ay makakakita din ng mga bagay na higit pa sa ating nakakamtan sa kasalukuyan dahil sa kanyang ipinangako na mas higit pa ang ating masasaksihan pag dating ng araw. Ito ay hindi nating kayang ipaliwanag subalit tayo ay umaasa dito dahil sa ating Faith!Bilang isang Kristiyano, nakakamit natin ang Pagpapala sa Diyos, dahil sa ating pananampalatay na tayo'y hindi pababayaan kahit ano man ang mangyari. Joshua 1:5,Hebrews 13:5 (NAB)

God bless you! 

No comments:

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.