Saturday, March 12, 2011

Tinawag ni Jesus si Levi. Ang ating Banal na Ebanghelyo para sa Marso 12.

Lucas 5:27-32
Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis. Nakita niya ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi. Siya ay nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Sa pagtindig ni Levi iniwanan niya ang lahat at sumunod sa kaniya.
     
Si Levi ay naghanda ng isang malaking piging sa kaniyang bahay para kay Jesus. Naroroon ang napakaraming mga maniningil ng buwis at mga iba pang kasalo nila. Nagbulong-bulungan ang mga guro ng kautusan at ang mga Fariseo laban sa kaniyang mga alagad. Sinabi nila: Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
    
Sumagot si Jesus sa kanila: Sila na malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid. Ako ay naparito upang tawagin ang mga makasalanan sa pagsisisi. 

I have come to call the Sinners.

Luke 5:27-32

Jesus saw a tax collector named Levi sitting at the customs post.
He said to him, “Follow me.”
And leaving everything behind, he got up and followed him.Then Levi gave a great banquet for him in his house, and a large crowd of tax collectors and others were at table with them. The Pharisees and their scribes complained to his disciples, saying,
“Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?”
Jesus said to them in reply,
“Those who are healthy do not need a physician, but the sick do.
I have not come to call the righteous to repentance but sinners.”