Sunday, May 8, 2011

We were hoping that he would be the one to redeem Israel.Our Gospel for May 8, 2011

Luke 24:13-35
That very day, the first day of the week,  two of Jesus’ disciples were going to a village seven miles from Jerusalem called Emmaus, and they were conversing about all the things that had occurred. And it happened that while they were conversing and debating, Jesus himself drew near and walked with them, but their eyes were prevented from recognizing him.He asked them, 
“What are you discussing as you walk along?”
They stopped, looking downcast.
One of them, named Cleopas, said to him in reply,
“Are you the only visitor to Jerusalem who does not know of the things that have taken place there in these days?” And he replied to them, “What sort of things?”
They said to him,
“The things that happened to Jesus the Nazarene, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, how our chief priests and rulers both handed him over
to a sentence of death and crucified him. But we were hoping that he would be the one to redeem Israel; and besides all this, it is now the third day since this took place. Some women from our group, however, have astounded us: they were at the tomb early in the morning
and did not find his body; they came back and reported that they had indeed seen a vision of angels who announced that he was alive. Then some of those with us went to the tomb and found things just as the women had described, but him they did not see.” And he said to them, “Oh, how foolish you are! How slow of heart to believe all that the prophets spoke!
Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?”
Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them what referred to him
in all the Scriptures. As they approached the village to which they were going, he gave the impression that he was going on farther. But they urged him, 
“Stay with us, for it is nearly evening and the day is almost over.”
So he went in to stay with them. And it happened that, while he was with them at table,
he took bread, said the blessing, broke it, and gave it to them. With that their eyes were opened and they recognized him, but he vanished from their sight. Then they said to each other, “Were not our hearts burning within us while he spoke to us on the way and opened the Scriptures to us?”
So they set out at once and returned to Jerusalem where they found gathered together
the eleven and those with them who were saying,
“The Lord has truly been raised and has appeared to Simon!”
Then the two recounted  what had taken place on the way and how he was made known to them in the breaking of bread.

Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel.

Lucas 24:13-35 

 13Narito, dalawa sa kanila ay pumunta nang araw ding iyon sa isang nayon na tinatawag na Emaus. May mahigit sa labing-isang kilometro ang layo nito sa Jerusalem. 14Sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15Habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, nangyari na si Jesus ay lumapit at sumama sa kanila. 16Ang kanilang mga mata ay pinapanatiling hindi makakilala sa kaniya.   
 17Sinabi niya sa kanila: Ano ang pinaguusapan ninyo habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mukha?
   
 18Ang isa na nagngangalang Cleopas ay sumagot. Sinabi niya: Ikaw lang ba ang tanging naninirahang pansamantala sa Jerusalem na hindi nakaalam ng nangyari sa mga araw na ito?
   
 19Sinabi niya sa kanila: Anong mga bagay?
   Sinabi nila sa kaniya: Ang mga bagay na patungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Siya ay isang propeta. Sa harap ng Diyos at lahat ng mga tao siya ay makapangyarihan sa gawa at salita. 20Siya ay ibinigay ng mga pinunong-saserdote at ng mga pinuno namin upang hatulang mamatay at ipako sa krus. 21Ngunit umaasa kami na siya ang tutubos sa Israel. Bukod sa mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga bagay na ito. 22Higit pa rito, nagtaka kami sa sinabi sa amin ng ilan sa mga kasama naming babae. Pumunta sila nang maaga sa libingan. 23Sila ay pumunta sa amin nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus. Sinabi rin nila na sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel. Ang mga anghel ay nagsabi: Siya ay buhay. 24Ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan. Nakita nila ang tulad ng sinabi ng mga babae ngunit hindi nila nakita si Jesus.
   
 25Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.
   
 28Sila ay papalapit na sa kanilang pupuntahan at siya ay waring pupunta pa sa malayo. 29Siya ay pinilit nila at sinabi: Manatili ka na muna sa amin sapagkat gumagabi na at patapos na ang araw. At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.
   
 30At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala. Pagkaputol niya nito, ibinigay niya ito sa kanila. 31At nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila siya. At siya ay naglaho mula sa kanila. 32Sinabi nila sa isa't isa: Hindi ba nag-aalab ang ating mga puso habang kinakausap niya tayo sa daan? Hindi ba nag-aalab ito habang ipinaliliwanag niya sa atin ang mga kasulatan?
   
 33At nang oras ding iyon, bumangon sila at bumalik sa Jerusalem. Nasumpungan nilang sama-samang nagkakatipon ang labing-isang alagad at ang kanilang mga kasama. 34Sinabi nila: Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon. 35Isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung papaano nila siya nakilala sa pagputul-putol ng tinapay.