Wednesday, March 23, 2011

Not to be served but to serve. Our Gospel for March 23, 2011

Matthew 20:17-28

As Jesus was going up to Jerusalem,
he took the Twelve disciples aside by themselves,
and said to them on the way,
“Behold, we are going up to Jerusalem,
and the Son of Man will be handed over to the chief priests
and the scribes,
and they will condemn him to death,
and hand him over to the Gentiles
to be mocked and scourged and crucified,
and he will be raised on the third day.”
Then the mother of the sons of Zebedee approached Jesus with her sons
and did him homage, wishing to ask him for something.
He said to her, “What do you wish?”
She answered him,
“Command that these two sons of mine sit,
one at your right and the other at your left, in your kingdom.”
Jesus said in reply,
“You do not know what you are asking.
Can you drink the chalice that I am going to drink?”
They said to him, “We can.”
He replied,
“My chalice you will indeed drink,
but to sit at my right and at my left,
this is not mine to give
but is for those for whom it has been prepared by my Father.”
When the ten heard this,
they became indignant at the two brothers.
But Jesus summoned them and said,
“You know that the rulers of the Gentiles lord it over them,
and the great ones make their authority over them felt.
But it shall not be so among you.
Rather, whoever wishes to be great among you shall be your servant;
whoever wishes to be first among you shall be your slave.
Just so, the Son of Man did not come to be served but to serve
and to give his life as a ransom for many.”

Naparito hindi upang Paglingkuran kundi upang Maglingkod.

Mateo 20:17-28

Nang umaahon si Jesus patungong Jerusalem, isinama niya ang labindalawang alagad. Sa daan, ibinukod niya sila at sinabi: Narito, tayo ay aahon sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga pinunong-saserdote at sa mga guro ng kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan. Ibibigay siya sa mga Gentil upang kutyain, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.

Nang magkagayon, lumapit kay Jesus ang ina ng mga anak ni Zebedeo kasama ang kaniyang mga anak na lalaki, na sumasamba at may hinihingi sa kaniya.
     
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ano ang ibig mo?
   Sinabi niya sa kaniya: Sabihin mo na ang dalawang kong anak ay maupo sa iyong kanan at sa iyong kaliwa, sa iyong paghahari.
    
Ngunit sumagot si Jesus: Hindi mo nalalaman kung ano ang iyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang sarong malapit ko nang iinuman? Mababawtismuhan ba kayo ng bawtismong ibabawtismo sa akin?
   Sinabi nila sa kaniya: Kaya namin.
    
Sinabi niya sa kanila: Makakainom kayo sa aking saro at mababawtismuhan ng bawtismong ibinawtismo sa akin. Ngunit ang pag-upo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi sa akin ang pagkakaloob. Ito ay ipagkakaloob sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.
     
Nang marinig ito ng sampu, lubha silang nagalit sa magkapatid. Ngunit tinawag sila ni Jesus at sinabi: Nalalaman ninyo na ang mga namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila. Sila na mga dakila ang may malaking kapamahalaan sa kanila. Ngunit hindi dapat maging gayon sa inyo. Sa halip, ang sinumang ibig maging dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. 

Sinumang ibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo. Maging katulad siya ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at magbigay ng kaniyang buhay na pantubos sa marami.