Saturday, November 6, 2010

Our Gospel for Nov 6. Money as a Tool for Serving God and others.


Luke 16:9-15

Jesus said to his disciples:
“I tell you, make friends for yourselves with dishonest wealth,
so that when it fails, you will be welcomed into eternal dwellings.
The person who is trustworthy in very small matters
is also trustworthy in great ones;
and the person who is dishonest in very small matters
is also dishonest in great ones.
If, therefore, you are not trustworthy with dishonest wealth,
who will trust you with true wealth?
If you are not trustworthy with what belongs to another,
who will give you what is yours?
No servant can serve two masters.
He will either hate one and love the other,
or be devoted to one and despise the other.
You cannot serve God and mammon.”

The Pharisees, who loved money,
heard all these things and sneered at him.
And he said to them,
“You justify yourselves in the sight of others,
but God knows your hearts;
for what is of human esteem is an abomination in the sight of God.”


Lucas 16:9-15

Sinasabi ko sa inyo: Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng di-matuwid. Ito ay upang kung kayo ay maubusan, matatanggap nila kayo sa walang hanggang tirahan.

Ang matapat sa kakaunti ay matapat din sa marami. Ang hindi matuwid sa kakaunti ay hindi rin matuwid sa marami. Kaya nga, kung hindi kayo naging matapat sa hindi matuwid na kayamanan, paano pang ipagkakatiwala sa inyo ang tunay na kayamanan? Kung hindi kayo naging matapat sa pag-aari ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng sa inyong sarili?

Walang lingkod na makakapaglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang isa o kaya magtatapat siya sa isa at mamumuhi sa isa. Hindi kayo makakapaglingkod sa Diyos at sa kayamanan.

Ang lahat ng mga bagay na ito ay narinig ng mga Fariseo. Dahil sa sila ay mga maibigin sa salapi, nilibak nila siya. Sinabi niya sa kanila: Kayo yaong mga nagmamatuwid sa inyong mga sarili sa harap ng mga tao. Ngunit alam ng Diyos ang inyong mga puso sapagkat kung ano ang lubos na pinahahalagahan ng mga tao ay kasuklam-suklam sa harap ng Diyos.

1 comment:

Len Lucena said...

Walang tao na di nangailangan ng pera at ito'y isang katotohanan sa buhay. Ang pera ay maari nating pagsikapan at maaari din natin itong hingin sa Diyos sa pagdarasal. Subalit ang pera ay isa lamang sa mga mahahalagang pangangailangan ng tao at hindi lang ito ang kailangan para tayo ay mabuhay.

Anumang materyal na bagay ay ibibigay ng Diyos sa tao para sa kanyang pangangailangan at hindi nya ipagpapalit ang tao para sa kayamanan. Samakatuwid ang salapi ay dapat ang magsilbi sa tao at hindi ang tao ang magsilbing alipin ng kanyang salapi o kayamanan.

Ang Diyos lamang ang Tanging Yaman na dapat nating ituring na Panginoon sa ating buhay, spagkat kung nasa atin ang Diyos ay nasa atin na ang lahat ng kayamanan sa mundo. Tayo ay pinagkatiwalaan ng Diyos na siyang tunay na nagmamayari ng ating kayamanan at huwag nating kalilimutan na lahat ng yamang taglay natin sa ngayon ay pagaari ng Diyos at tayo ay pinagkatiwalaan lamang upang itulong sa nangangailangan ang ating hawak na kayamanan.

God bless you more than you can ever imagine!

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.