Luke 16:1-8
Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said,‘What is this I hear about you? Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’
The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’
He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently.For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”
Ang Talinghaga Patungkol sa Tusong Tagapamahala
Lucas 16:1-8
Si Jesus ay nagsabi rin sa kaniyang mga alagad: May isang lalaking mayaman. Siya ay may isang katiwala na pinaratangang lumulustay ng kaniyang mga ari-arian. Tinawag niya ang katiwala at sinabi dito: Ano itong naririnig ko patungkol sa iyo? Magbigay ka ng sulit sa iyong pagiging katiwala dahil hindi ka na maaaring maging katiwala.
Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili: Ano ang gagawin ko? Inaalis na ng panginoon ang aking pagiging katiwala. Hindi na ako makakapaghukay, nahihiya naman akong mamalimos. Alam ko na ang gagawin ko upang kung alisin ako sa pagiging katiwala, matatanggap nila ako sa kanilang mga bahay.
Tinawag niya ang bawat isang may utang sa kaniyang panginoon. Sinabi niya sa una: Magkano ang utang mo sa aking panginoon? Sinabi sa kaniya: Isandaang bariles ng langis. Sinabi ng katiwala sa kaniya: Kunin mo ang listahan ng utang mo. Maupo ka kaagad at ang isulat mo ay limampu.
Sinabi niya sa isa: Ikaw, magkano ang utang mo? Sinabi sa kaniya: Isandaang malalaking sukat ng trigo. Sinabi ng katiwala sa kaniya: Kunin mo ang listahan ng utang mo at ang isulat mo ay walumpu.
Ang hindi matapat na katiwala ay pinuri ng panginoon sapagkat siya ay gumawang may katusuhan. Ito ay sapagkat ang mga tao sa kapanahunang ito, sa sarili nilang lahi, ay higit na tuso kaysa sa mga tao ng liwanag.
Note: To post your reflection, please click the comment below. Thank you!
1 comment:
Ang galing dumiskarte ng tusong tagapamahala sa Gospel natin sa araw na ito. Tayo man daw ay napakahusay dumiskarte lalo na pag sa kalokohan at para sa ating sarili subalit kung minsan ito ay hindi naaayon sa kagustuhan ni Hesus. Marami sa atin ngayon na pagdating sa mga diskarte ay napakagaling lalo na kung paano makalalamang sa kapwa. Kagaya na lamang ng mga madadayang timbangan ng mga nagtitinda ng prutas. Sinasabi nila halimbawa na ang presyo ng prutas ay P30 para sa kalahating kilo subalit pag sinabi mong kulang sa timbang ang weighing scale nila ay sasabihin sayong o sige pag tama ang timbang ay P40 kalahati. Di po ba nakakatawang nakakainis ang ganitong diskarte ng ibang manininda? Ito po ang sinasabi sa Gospel natin na tusong diskarte. Pero ito ba ay tama? Ang diskarte ba natin ay ginagamit natin sa mabuti o sa masama? Sana sa ating mga diskarte sa mga bagay bagay sa ating buhay ay ating isiping kasama natin ay si Hesus at hindi si Satanas dahil pag nagkagayon, patay kang bata ka.
Sa Gospel natin ngayong araw ay tila parang nakakalito at sinasabing pinuri pa ng panginoon ang tusong tagapamahala. Ito ay hindi parangal na papuri kundi isang panghihinayang dahil kung sana sa kabutihan ito ginawa ng tagapamahala ay mas maganda ang kalalabasan nito.
Sana sa diskarte natin ay ating isipin kung paano tayo makakadiskarte upang makatulong sa ating kapwa, diskarte kung paano natin maisasaayos ang ating buhay sa maayos na paraan at diskarte kung paano tayo gagalaw na kasama natin si Hesus sa araw araw.
May God bless all those people na magaling dumiskarte upang lalong mapagbuti ang ating buhay sa mundong ibabaw na si Hesus ang kaagapay.
Post a Comment
Please type your sharing/reflection here.