Wednesday, November 3, 2010

Our Gospel for Nov 3. Sayings on Discipleship.

Luke 14:25-33

Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed them,
“If anyone comes to me without hating his father and mother,wife and children, brothers and sisters,and even his own life, he cannot be my disciple.
Whoever does not carry his own cross and come after me cannot be my disciple.
Which of you wishing to construct a tower does not first sit down and calculate the costto see if there is enough for its completion?Otherwise, after laying the foundation and finding himself unable to finish the work the onlookers should laugh at him and say,‘This one began to build but did not have the resources to finish.’
Or what king marching into battle would not first sit down and decide whether with ten thousand troops he can successfully oppose another king advancing upon him with twenty thousand troops?
But if not, while he is still far away, he will send a delegation to ask for peace terms. In the same way,
everyone of you who does not renounce all his possessions cannot be my disciple.”

Ang Halaga ng Pagiging Alagad

Lucas 14:25-33 
Sumama sa kaniya ang lubhang napakaraming mga tao. Humarap si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ang sinumang pumarito sa akin na hindi napopoot sa kaniyang ama at ina, asawang babae at mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, maging sa sarili niyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko. Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

Marahil isa sa inyo ay naghahangad magtayo ng tore. Hindi ba uupo muna siya at magbibilang muna ng halaga kung mayroon siyang maipagpapatapos niyaon? Kung sakaling mailagay na niya ang saligan at hindi mapatapos, sisimulan siyang kutyain ng lahat nang nakakakita. Sasabihin nila: Ang lalaking ito ay nagsimulang magtayo ngunit hindi niya kayang tapusin.

 
Marahil isang hari ang naghahangad makipaglaban sa ibang hari. Hindi ba uupo muna siya at magpasiya kung sa sampung libo ay kaya niyang sagupain ang dumarating na kaaway na may dalawampung libo? Ngunit kung hindi, magsusugo siya ng kinatawan habang malayo pa ang kalaban at hihingin ang mga batayan para sa kapayapaan. Gayundin nga, ang bawat isang hindi nag-iiwan ng lahat ng tinatangkilik niya ay hindi siya maaaring maging alagad ko.

  

1 comment:

Ed Lucena said...

"Ang sinumang pumarito sa akin na hindi napopoot sa kaniyang ama at ina, asawang babae at mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, maging sa sarili niyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko."

Sa gospel natin sa araw na ito, si Hesus ay nagbigay ng specific guidelines sa atin. Ito ay di nangangahulugan na itakwil natin ang ating mga kamag anak o ang ating sarili kundi dapat ay iwanan natin ang ating mga personal na dalahin sa buhay (Travel light), otherwise, di tayo makakarating sa ating patutunguhan.
Sa ngayon ay napakarami nating balak gawin at napakarami nating iniisip na mga bagay-bagay na kung minsan ay wala namang kabuluhan kung ating mamalasin.

Pinoproblema natin ang mga bagay na di naman natin dapat problemahin, at kadalasan ay nakakalimutan nating ito ay isangguni kay Hesus.

Para kay Hesus ang pagiging "Focused" sa ating mga gawain para sa kanya ang pinakaimportanteng bagay na dapat nating pangunahing isaisip at wala ng iba.

Kalimutan natin ang "self centeredness." Mas mahalaga na tayo ay mapagmahal, mapagpatawad at mapagbigay at kung hindi, tayo lamang ay parang isang turumpo na paikot ikot at di malaman kung saan ang direksyon.

Panginon, turuan mo kaming maging bukas palad.

Pagpalain nawa tayo ng Mahal na Panginoong Hesus!

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.