Luke 17:11-19
As Jesus continued his journey to Jerusalem, he traveled through Samaria and Galilee. As he was entering a village, ten lepers met him. They stood at a distance from him and raised their voices, saying, "Jesus, Master! Have pity on us!" And when he saw them, he said, "Go show yourselves to the priests."
As they were going they were cleansed. And one of them, realizing he had been healed, returned, glorifying God in a loud voice; and he fell at the feet of Jesus and thanked him. He was a Samaritan. Jesus said in reply, "Ten were cleansed, were they not? Where
are the other nine? Has none but this foreigner returned to give thanks to God?" Then he said to him, "Stand up and go; your faith has saved you."
1 comment:
Si Aling Tina ay merong isang anak na mahal na mahal niya at lahat ng bagay ay gagawin nya para dito. Isang araw, nilagnat ng napakataas ang kanyang anak at hindi malaman ni Aling Tina kung paano ang kanyang gagawin. Banyos dito, banyos duon ang kanyang ginawa ngunit di parin bumababa ang lagnat ng kanyang anak. Hindi mapakali, siya ay nagpasyang mangutang sa kanyang kapit bahay para makabili ng gamot, alcohol, vicks vaporub at ito'y kanyang ginamit para maibsan ang napakataas na lagnat ng bata. Ito'y kanyang binantayan hanggang umabot ang madaling araw. Nang mag-uumaga na ay bahagyang nagbago ang kalagayan ng bata at humupa na ang lagnat nito. Halos mga bandang alas siyete ng umaga, si Aling Tina ay naalimpungatan at nagulat nang ang kanyang anak ay bumangon, dagliang nagbihis at nagsabi na ito'y maglalaro sa labasan, na parang walang nangyari. Magaling na ang bata at si aling Tina naman ay halos mahilo na sa sobrang kaantukan at nasabi sa kanyang sarili na " itong si utoy, di man lamang nagpasalamat." Bagamat ito'y kanyang naiintindihan, siya ay napatawa na lamang at natulog muna.
Kayo po? Kailan po kayong huling nagsabi ng salamat sa ating mga magulang? Kailan po nating sinabi sa kanila na mahal na mahal ko kayo at salamat sa inyong pagaaruga sa amin. Kailan po kayo nagpasalamat sa inyong mga anak at sila'y naging mababait at masunuring mga anak? Kailan po kayo huling nagpasalamat sa inyong mga kapatid na tumutulong sa inyong pamilya para sa pagsagot sa mga gastusin sa bahay? Kailan po kayo nagpasalamat sa inyong asawa sa kanilang pagaaruga at pagbibigay ng mga pangangailangan sa inyong mga anak? Kailan po kayo nagpasalamat sa mga taong tumutulong sa inyo?
Marami po sa atin sa ngayon na parang hirap na hirap na magsabi ng salamat na bukal sa kanilang kalooban at ito'y parang isang expression lamang. "Kung minsan ay hindi naman sincere ang pagsasabi ng thank you. Parang wala lang!" Alam nyo po and gratitude po sa mga bagay na nangyayari sa ating buhay araw araw ay dapat nating ipagpasalamat lalong lalo na sa Diyos dahil ito'y regalo nya sa atin. Halimbawa ang ating kalusugan, ang ating situasyon sa buhay. Pumunta kayo sa ospital at makikita nyo kung gaano kadami ang may karamdaman at masasabi nyong napakaswerte ninyo. Pumunta kayo sa bilangguan at makikita nyo na napakaraming taong di malayang nakagagalaw sa ating lipunan dahil sila'y nakakulong. Pumunta kayo sa sementeryo at makikita nyo na napakadaming nakalibing duon.
Kung tutuusin po, sa pagkain lamang na kinakain natin sa araw araw at tubig na ating iniinom ay dapat na ating ipagpasalamat subalit kadalasan ay hindi natin ito masyadong nabibigyan ng pansin.
Ang pagpapasalamat ay hindi natin dapat ipagdamot dahil, kayo man ang tumulong o kayo ang tinulungan, dapat ito'y inyong ipagpasalamat dahil pareho lamang tayong na bless pag tayo'y nakapagbigay o tumanggap ng tulong.
Sana po ay ugaliin nating magpasalamat araw araw. Let's start and end our day with thanksgiving.
You'll be surprised that you will never worry about anything else again if you know how to be grateful.
God bless you all more than you can imagine!
Post a Comment
Please type your sharing/reflection here.