Thursday, October 21, 2010

Our Gospel for Oct 21. Jesus: A Cause of Division.

Lk 12:49-53
Jesus said to his disciples:
“I have come to set the earth on fire,
and how I wish it were already blazing!
There is a baptism with which I must be baptized,
and how great is my anguish until it is accomplished!
Do you think that I have come to establish peace on the earth?
No, I tell you, but rather division.
From now on a household of five will be divided,
three against two and two against three;
a father will be divided against his son
and a son against his father,
a mother against her daughter
and a daughter against her mother,
a mother-in-law against her daughter-in-law
and a daughter-in-law against her mother-in-law.”


Lucas 12:49-53

Hindi Kapayapaan Kundi Pagkakahati-hati
.

Ako ay narito upang maghagis ng apoy sa lupa. Ano pa ang nanaisin ko kapag ito ay nagniningas na? Ako ay may bawtismo na ibabawtismo sa akin, at ako may nababagabag hanggang sa ito ay maganap. Sa palagay ba ninyo ay naparito ako upang magbigay ng kapayapaan sa lupa. Sinasabi ko sa inyo: Hindi. Ako ay narito upang maghati. Ito ay sapagkat simula ngayon, ang lima na nasa isang sambahayan ay magkakabaha-bahagi, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Ang ama ay magiging laban sa anak na lalaki at ang anak na lalaki laban sa ama. Ang ina ay magiging laban sa anak na babae at ang anak na babae laban sa ina. Ang biyenang babae ay magiging laban sa kaniyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.

2 comments:

Ed Lucena said...

Tayo siguro ay nagulat sa Gospel natin sa araw na ito.

Kapag ating babasahin lamang ito ay parang si Hesus ay nagbabadya ng isang panganib dahil sa kanyang sinabing paghagis ng apoy sa lupa.
Subalit kung ito'y ating susuriing maigi, ang salitang "Apoy" ay maraming ibig sabihin, ito ay pwedeng gamitin sa masama at mabuti. Sa pagkakataong ito, ang apoy ay simbolo ng matinding pag-aalab ng pagmamahal mula sa Mahal na Puso ni Hesus.

Itong matinding pagmamahal na ito ay maaring manaig sa bawat isa sa atin, at sa bawat miyembro ng ating pamilya na pwedeng maging dahilan ng paghihiwalay o pagkakagalit ng mga taong pinakamalapit sa ating puso.

Sa panahon ngayon ay maraming mga pamilya ang magkakaiba nang relihiyon. Mayroong isang mag-anak na mayroong anak na muslim, Iglesya ni Kristo, Katoliko at ang isa nama'y Born again Christian.

Sa aking palagay, ito ang sinasabi ni Hesukristo na maaring maging paghihiwalay ng mga paniniwala dahil sa ibat ibang palagay sa kanyang mga turo. At kung igigiit ng bawat isa ang kanyang mga napagaralan ay tiyak na gulo ang kalalabasan nito.

Sa aming Pamilya, ang aking isang anak ay nabendisyunan sa pagiging isang Baptist, subalit ito'y hindi naming ginawang hadlang upang magkaiba iba kami ng paniniwala at magkaaway away dahil lamang dito.

Bagkus ito ay lalong nagpalalim pa sa aming relasyon bilang isang maganak sa aming pananampalataya. Kami pa rin ay sabay sabay nagrorosary, nagsisimba sa Catholic church at kasama pa din namin siya sa pagninilay nilay tuwing Holy week at iba pang mga pangiling.

Siya ay hindi ko na nakikitang nag aantanda or "Sign of the Cross", subalit hindi namin iginigiit sa kanya na ito ay mali dahil kami ay tiyak na di magkakasundo.

Sa aking palagay, ang mga bagay na may kinalalaman sa ating pagsamba ay hindi dapat maging isang malaking isyu para pagtalunan at tayo ay magkagalit galit.

Siguro marami sa atin ngayon ang nakakaranas ng isang pamilya ngunit iba iba ang ating mga relihiyon. Ito ay ituring na lamang nating kanilang karapatang magdesisyon sa kanilang paniniwala at huwag na nating igiit na sila'y nagkamali sa kanilang desisyon.

Sa aking pamilya, isa lang ang Diyos na naghahari at yun ay si HesuKristo.

As long as nagdadasal ka at may matinding relasyon sa ating panginoon, umiiwas ka sa mga kasalanan, gumagawa ng mga kabutihan sa iyong kapwa, may bukal na kalooban sa pagsunod sa mga Utos ng Diyos, mapagpasalamat sa katayuan mo sa iyong buhay ikaw ay masasabing isang dakilang Anak ng Diyos.

Pagpalain nawa tayo ng mahal na Panginoon!

Ed Lucena said...

Len Lucena said:

Si Hesus ang Apoy - na nagbibigay Liwanag , nagbibigay Init at Dumadalisay sa atin.

Si Hesus ang Ilaw ng sanlibutan at siya ang nagbibigay Liwanag sa atin tungkol sa kanyang mga katangian. Siya ang liwanag ng ating puso at kaisipan at dahil dito ay di na tayo kailangang mangapa sa dilim sa paghahanap ng tamang kasagutan sa ating maraming katanungan sa buhay. Iniiwas nya tayo sa kasalanan at inihahatid nya tayo sa daan ng kabanalan.

Pinag-aapoy niya ang ating pagkatao tungo sa pagmamahal at pagibig. Patuloy tayong pinagpapala upang di tayo magsawa at manlamig sa pagasa at pananampalataya.

Dahil sa ating pagsunod kay Hesus, marami tayong makakalaban dahil di nila matanggap ang Pagpapala at Daan ng Panginoon.

Tayo'y naninindigan sa kanyang mga aral at patuloy na sumusunod sa kanyang mga utos, kahit ito'y taliwas kung minsan sa ating mga pananaw at kagustuhan, tulad ng pagpapatawad sa mga nagkakasala sa atin, pagtalikod sa ating makamundong material na pagnanasa at pagmamalasakit sa ating kapwa. Kaya kadalasan, kahit sa ating pamilya ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at kaguluhan dahil sa ating ibat ibang paniniwala.

God bless!

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.